Pretend Haters 43- The Warning Requires the Heart to Break

1.2K 23 0
                                    

PRETEND HATERS 43

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Nasa dressing room ako ng auditorium at nakatingin sa sarili ko sa harap ng salamin. Naku! May diyosa sa salamin. Ngayon na kasi ang presentation namin ng drama play. Tiningnan ko si Rhian na nagpresentang magayos sa akin. "Kinakabahan ka ba?"

"Hindi. Siguro dahil kasama ko si Zion. Di ko na nga iniisip kung magugustuhan ba ng tao yung gagawin kong acting o hindi. It's natural to both of us. We're in love like the characters."

"Hayy! Pagibig nga naman. Nakakainggit. Pero may sasabihin nga pala ako sa'yo. Naliligaw na sa akin si Oliver." Masayang pahayag niya.

"Talaga? Pansin ko nga nagdadate na kayo. Ang cute naman. Best friend kita tapos sila Zion at Oliver magbestfriend din. OMG! Meant to be couples." Pagkatapos niya akong ayusan sa buhok, pinatayo niya ako.

I am wearing a pink off shoulder gown like a princess. Iniisip ko nga part na ako ng Disney at talbog ko lahat ng princesses. Joke! Feeler Overload na ako. Wala na si Malditang Shaira pero bumalik naman ang kaartehan ko. "Wow. Ibebenta na kita sa Disney." Pahayag ni Rhian.

"Sorry. Di ako babaeng bayaran." Pagbibiro ko.

"What? Loka-loka! Oh sige. Nakakatakot ka na. Ipagpapalit kita sa manika ng Conjuring. Di ba yun yung napanood natin sa bahay mo? Parang hindi ko nga naintindihan yung storya sa sobrang takot. Si Chloe the witch nga pala, kamusta na?"

"Eto ako guys." Lumingon kami patalikod para makita si Chloe na todo kung makasimangot. Pinahaba yung ilong nito at daig niya pa si Pinocchio na nagsinungaling ng milyong beses (Ewan ko lang pero sa totoo lang hindi naman talaga kailangan ng mahaba. Art director's fault.) at nakaitim siya from head to foot na para bang sa lamay ang punta niya. Gusto kong tumawa pero pinigilan ko.

"Not bad." I commented.

"Not bad? So it's too bad?" Tanong ni Chloe.

"Ikaw nagsabi niyan." Natatawang sabi ni Rhian sa kaniya kaya di ko na lang naiwasang mapangiti. Bigla namang nagdabog si Chloe gamit yung witch broom niya.

"5 minutes!" Sigaw ng isang staff. Yun yung nalalabing oras namin para maghanda. Kinuha ko yung script ko at nagsimula magscan. Sigurado ako na di ko na kailangan papakin ang malunggay para gumana ang utak ko sa kamememorize ng ilang mga linya. Ilang scenes din ito. But I need to focus.

Concentrate! Memorize ko naman siguro lahat at wala na akong palya. I internalize.

Doon kami dapat sa may likod ng pulang kurtina. This is it Shaira! "2 minutes!" Sigaw ulit ng staff at lahat ay sobrang nagmamadali. May tumatakbo at may sumisigaw. Tarantang-taranta sila.

Tumakbo ako papunta sa pwesto ko pero bigla kong nabunggo ang isang tao kaya nahulog ako pero bigla rin nito akong sinalo. Pagkaangat ko ng tingin, si Zion lang pala yun. He's so handsome for a prince. My prince. Kahit hindi ako prinsesa sa story, prinsesa niya pa din ako. "You look ravishing, my girlfriend." Sabi niya na ikinamula ko.

"You look dashing, my boyfriend." I said back.

Niyakap niya ako kaya niyakap ko rin siya. "We can do this. Congrats to us in advance. And be careful, next time." Tumango tapos pumila na kami. Kami ni Chloe sa harap kasi kami ang unang lalabas.

"Go now." Sabi ng staff na sumesenyas na lumabas na kami kaya lumabas na kami. The first scene is the introduction.

Napatingin ako sa harap. Tiningnan ko yung di mapasukang karayom na mga tao. Punong-puno yung mga upuan ng mga estudyante, magulang, bisita, sa tapat ang mga judges at ilang mga kumukuha ng video. Nagpapalakpakan sila at nagbubulungan. I just managed to smile. Kanina hindi talaga ako kinakabahan pero pagkatapos ko makita ang mga taong ito, kinakabahan na ako sa aktwal. Isa pa, wala pa dito si Zion.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon