Pretend Haters 46- Pure Sarcastic Mission

1.3K 23 0
                                    

PRETEND HATERS 46

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

"Before I dismiss you all, I am just going to announce that we are gonna have a College Party. At ibang iba ito kaysa sa prom. This is not a requirement. So attend if you want. Since, after the torture hell week, we want you to be relax and happy."

I looked over at Zion. Ayoko yung mukha niyang malungkot. Kinakabahan ako kapag ganiyan siya. Napagdesisyunan kong tanungin siya tungkol sa party after ng exams. "So, are you going to attend the party.. with me?"

"Hindi pa ako sigurado. I don't want to disappoint you. But please attend this party because I want you to enjoy it." At parang mas utos pa yun kaysa pakiusap.

"Kahit wala ka?" Tanong ko.

"Kahit wala pa ako, Shaira."

"Pero paano ako mageenjoy kung wala ka?"

"You will because you can." Tumango na lang ako at naunang lumabas. I can't look back or wait for him. Natatakot ako na baka mamaya masanay ako na umasa at maghintay. I don't want my hopes get too high. But I will still continue to hope. Even just little.

When things are being okay, some things are being complicated. But by the way, I'm just intoxicated.

Stupid Rhyming Problems!

Pagkalabas ko yun yung kanilang 'Topic of the Day.' Kung wala akong complicated love story, siguro ako na ang pinakamaingay sa buong academy. Magdadala pa ako ng totoong megaphone para ipagsigawan na masaya ako. Pero hindi! Alam ko namang hindi siya pupunta. Basta ako pupunta ako kahit magmukmok pa ako sa tabi na parang ewan na naghihintay para sa wala. Maybe I'll sleep there, be crazy or whatever that will avert my attention.

Alam kong nahihirapan na siya at hindi ko hihintaying mapagod pa siya. Even if breaking his heart would ease the pain, so be it! Kahit ang pagdurog ng puso niya ay pagdurog na rin ng akin sa una pa lang.

Alam ko naman na sobra ang galit ng parents ko sa pamilya nila at nagkaalitan din sila kuya na nagpalala. At sinisisi ko ang tadhana kasi kasalanan ng tadhana kung bakit si Zion na akala ko iba at si Kidlat ay iisa at pinagtagpo niya ang landas namin? Sana si Zander na lang talaga ang kababata ko para di na ako nahihirapan ng ganito o kaya sana kami pa ni Ethan ngayon para di ko na siya kailanganin.

We have tragic fate that we hope to have a happy ending. It seems impossible. Kakalabanin ko ba ang pamilya ko? O sasaktan ko si Zion hanggang kalimutan niya na ako?

Kung hindi ako sumama dati, iba siguro ang buhay ko ngayon. A bitter and broken-hearted Shaira.

May humawak sa braso ko, inikot ako at niyakap. "I'm sorry. Kung maibabalik ko lang talaga yung oras." Kaso hindi na.

Bumitaw ako at napatingin na lang sa sahig. "I'm tired Zion. Just let me go home." Umalis na ako.

Pagkatapos magiba ng lahat, magiiba na naman. Change! Change! Change!

I hate change!

Pagkapunta ko sa parking lot, nakita ko si Kuya Shawn na nakasandal sa sasakyan na hindi ko pa nakikita. May dala-dala siyang papeles sa kamay niya at nakangiti itong nakatingin sa akin at talagang inabangan niya ako. "Shai, before anything else, di ba may sasabihin ka?" Oh right. Yung kay Zion. But I can't. Buti naman at di ko pa nasabi.

"Ahh.. Just about the party kuya." Palusot ko. "So what's that?" Turo ko naman sa kotse na ngayon ko lang nakita.

"I arrange the papers for you. You will just get your license and pass the driving test. This is a Lamborghini Gallardo. Top Car in the Philippines. And it's yours!" Nagulat ako habang tinataas niya ang car keys. Shems!

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon