Pretend Haters 27- A Wonderful Night to Remember

1.5K 35 1
                                    

PRETEND HATERS 27

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Nakatingin lahat ng pares ng mata sa napakagandang babae ngayon. Kay Rhian. Ngayong araw lang yan bukas ako na ulit. Pagbigyan dahil kaarawan. Naglalakad siya na parang prinsesa sa gintong staircase ng bahay nila. Sinalubong ko siya ng mala-anghel at mala-model ng toothpaste kong ngiti.

Niyakap ko siya ulit. "Wow. You look pretty. Happy Birthday." Bati ko.

"Salamat Shaira. Kung makangiti ka, parang inubos mo na ang fluoride ng toothpaste at proud na proud ka. Grabe pala ngayon. Medyo kinakabahan nga ako. Now, let us party now? Excited na rin ako."

"Excited ka lang namang makita ang crush mo. Now I have a blackmail for you just incase." Banta ko.

"Walang hiya ka. Okay..okay. Oo na. At isa pa, may niregalo kasi sa aking kotse. Kaya masayang-masaya ako. Gusto ko magroad trip tayo balang araw. May lupa kami na medyo malayo-layo. We can I have a group picnic or whatever there while I drive. Pero party party muna. Tara na?"

"Oh sige. Baka mawalan ng mata ang bisita mo kapag nakita ka ha. Naku! Baka maging horror itong event mo."

"Loka-loka! Imbes na pamukhain mo akong maganda ginawa mo naman akong multo. Kapag may maganda, matatanggalan na agad ng mata? Grabe. Tigilan mo na nga ang kanunuood sa Thrill Channel." I pouted.

Pinalabas na kami ng mansion. Sa loob, puro kaibigan ng magulang niya at sa labas naman, halos lahat ay taga-Addison na. Nagkaroon ng mga greetings at speeches. Tapos kung anu-ano pa. Hindi pa kasi ako nakakaranas ng mga ganito. Seriously.

Wala pa akong first dance, first party at madami pang first na di ko pa nagagawa sa buhay ko. Yung normal na mga nangyayari sa isang party na para sa akin lang talaga.

Nakaupo ako sa pwesto ko. Kanina pa ako dito. Nakakatamad na yung pakiramdam na gusto mo na gumulong sa harap at sabihing itigil na nila ito at matutulog na ako. Wala akong makausap. Bago pa lang kasi ako sa Addison kaya kakaunti lang ang kakilala ko. At kapag kakilala, dalawa lang yan, kaibigan ko o dahil alam ko lang ang pangalan at mukha. Talk to my hands. Wala akong makausap. Pakiramdam ko nga natutulog ako ng gising. Blank Mind. Isinandal ko ang ulo ko sa lamesa at ipinukpok ng ipinukpok doon ang ulo ko. Bibigay na ako. Ang boring. May kanya-kanyang buhay yung mga tao dito.

"Want a drink?" May naglapag ng bote ng wine sa harap ko at isang wine glass. Tumingin ako sa kanya. "Nabobored ka?" Tumango ako.

"Same. I don't know some of them." Pero seryoso, hindi talaga karamay ang hanap ko kundi kausap.

"Salamat dito. Tama ka at ang boring nga kapag wala kang makausap. Yung mga kaibigan mo, bakit di mo sila kasama?" Uminom ako sa isang lagukan at nilagyan ulit ang glass ko. Baka naman sakaling magkaroon kami ng matinong usapan ulit.

"They talk things I don't know. Hindi ako palasalita. Sa iilan lang. I came here to talk to you slave." Uminom at uminom lang ako. Ang sarap pala at nakakagising.

"What? Hindi ako slave. Tss! Pumunta ka pala dito para pagtripan lang ako. Ibang klaseng nilalang ka rin noh. Pero okay na din, at least kahit abno may nakakausap ako kaysa naman sa kamay ko na baka mapagkamalan pa akong may maluwang na turnilyo sa utak. Bakit nga pala di ka makarelate sa topic ng mga kaibigan mo at sa kaibigan nila?"

"They talk about games. You know, I am not much of a gamer, I am a more sporty kind of person." Sabagay, pansin ko nga na ang hilig-hilig niya sa mga physical activities. No wonder na maganda nga talaga ang katawan niya na hindi ko maamin sa kanya. Excuse me, I am not a straightforward girl often. At hinding-hindi ko sasabihin yun sa harap niya kahit sobrang lakas pa ng tama ko sa alak. Dahil talagang nakaformat na yun sa utak ko. Don't compliment him unless needed.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon