Pretend Haters 42- The Doctor and the Patient

1.3K 25 0
                                    

PRETEND HATERS 42

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Nasa labas si Zion at nagtext na hihintayin daw niya ako dahil sabay kaming pupunta sa school. Tiningnan ko yung itsura ko sa salamin. Okay na ba ito? Inayos ko yung buhok ko, yung gusot ko sa uniform at kung anu-ano pa. Ayan! Kinuha ko na ang shoulder bag ko saka lumabas para makita si Zion sa labas na nakasandal sa kotse niya.

Lumapit ako sa kaniya kaya lang di niya ako napansin kasi may kausap siya. Nakinig na lang ako. Baka naman sila Tristan yun. "Oo. Kinakabahan ako... Basta. Sige na baby. Magpahinga ka na. Ingat ka."

Baby? May baby na siyang iba? Ipinagpalit niya na agad ako sa iba? Mukha ba akong maruming damit na kapag sobrang nagamit kailangan ng palitan? Naliligo naman ako araw-araw kaya paano ako magiging marumi? Nagpeperfume naman ako. Ah. Baka iniisip niyang para akong laruan.

Sumugod ako kay Zion at hinampas sa kaniya yung dala kong bag. "Walang hiya ka! Niloko mo na ako agad wala pang one week mula maging tayo. Anong tingin mo sa akin, laruan na pwedeng mong itapon kapag sawa ka na? Taksil ka!"

"Teka nga!" Inawat niya ako. "Ano bang pinagsasabi mo? Wala akong babae."

"Sino yung baby mo? Wag mong sabihin na may anak ka na sa ibang babae. Meron? Sumagot ka! May paingat-ingat pa kayong nalalaman. At bakit ka din kakabahan?" Sigaw ko tapos hinampas ko ulit siya.

"Anong baby? Yung kausap ko? Pamangkin ko yun sa pinsan ko. Baby ang pangalan niya."

Napakamot ako ng ulo ko. Shems! Napahiya ako. Hala! I accuse of him of something that he didn't do. Natakot lang siguro ako na mangyari din sa amin yung nangyari sa amin ng ex ko. Pero magkaibang tao sila at kailangan ko lang kumalma at magtiwala. "Ganun ba? Hehe. Sorry. Malay ko. Okay ka lang? Pasensiya ka na. Nadala lang ako sa emosyon ko."

Napailing na lang siya. "Wala akong baby maliban sa'yo, naiintindihan mo ba?"

"Talaga?"

"I'm faithful."

"Dapat lang. Narinig ko kanina na kinakabahan ka. Bakit ka nga pala kakabahan?" Tanong ko.

Niyakap lang ako ni Zion kaya nagulat ako. Humiwalay ako at tiningnan ko yung mukha niya na para bang malungkot at nagaalala. "Bakit? May problema ba?" Hinawakan ko yung dalawang kamay niya. "Okay ka lang?"

"Kinabahan talaga ako. Natakot ako sobra. May napaniginipan kasi ako kagabi na nagkita daw tayo tapos hindi mo ako pinansin na parang di mo ako kilala. Tapos dire-diretso ka lang sa paglalakad. Tapos may boses na katulad sa boses mo ang nagsabi na iiwan mo na daw ako at hindi mo na ako mahal. Akala ko totoo na. Thank God you're still here with me. Akala ko lumayo ka na nang tuluyan sa akin at hindi ka na babalik."

Hinawakan ko yung pisngi niya. At kung makita ko rin ang ganoong pangyayari, matatakot rin ako. "Zion, nandito ako at ako yung realidad. Panaginip lang yun. Mahal kita, okay? May mga tao na ring nagsasabi na yung mga panaginip ay kabaliktaran ng mga mangyayari. Ganito na lang, hawakan mo na lang yung kamay ko para hindi ka na matakot kasi hindi ko gagawin ang ginawa ng Shaira sa panaginip mo." I said, calming him.

Pagkapasok namin sa kotse niya, hinawakan niya agad yung kamay ko. "Accusing girlfriend, don't ever leave me."

"I won't. Why would I?"

"Then I'll give you no reasons to leave me."

Pagkapasok namin doon sabay na din kami. We have the same schedule. So until now, we still have the same room. Sabay kaming pumasok ng room at hanggang doon hindi niya pa rin talaga binibitawan ang kamay ko.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon