Pretend Haters 57- My Strict Parents are Back!

975 22 0
                                    

PRETEND HATERS 57

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

"At bakit nandito siya? Kailan pa kayo close?" Tanong ni Chloe habang masamang nakatingin kay Ethan na tumabi sa akin ngayong lunch time. "Parang dati lang gusto mo siyang tusukan ng--" Tinakpan ni Rhian ang bibig niya at laking papasalamat ko sa kaniya na hindi naituloy ni Chloe ang sasabihin niya. Hindi ko naman talaga sinadyang sabihin ang bayolenteng bagay na yun kaya lang talagang galit lang ako noon. Ang dami ko ngang naidonate sa mean jar dahil doon. Pero bagong buhay na ako at Romance or Comedy na lang ang pinapanood ko.

"Ang totoo niyan, gustong sumama sa akin ni Ethan. Gusto niya din daw bumawi kaya dito muna siya sa atin." Paliwanag ko at nakangiti pa akong tumingin sa kanilang lahat na para bang awtomatikong napatingin sila sa lamesa ni Zion at alam kong kanina pa niya ako binabagsakan ng tingin niya. "Talaga lang ha. Alam mo ba Shaira, kanina ka pa patay sa titig niya. OMG! May killer smile ang boyfriend mo." Napatingin siya kay Ethan at napatakip ng bibig. "Oops! Nadulas."

Tumawa ako. "Okay lang. Alam na ni Ethan ang lahat at sabi niya pa nga tutulungan daw niya kaming dalawa. Bago pa man kami, naging mabuting magkaibigan naman kaming dalawa. No worries."

"Pero babae kaya tayong lahat. Mapagkamalan pang binabae yan eh." Komento ni Cindy.

"Wala naman akong paki sa iisipin ng iba. Isa pa, yung iba kong kaibigan, sa labas yun kumakain pero mas gusto ko rito. Sawa na ako doon at tinitiis ko lang."

"Tinitiis? Imposible. Pero sige. Pagbibigyan ka namin pero wag na wag mo na ulit papaiyakin ang kaibigan namin kung hindi gagawin kong colorful yang mukha mo dahil sa mga pasa. Nagkakaintindihan ba tayo?" Tanong naman ni Cheska na itinaas pa ang kamao niya sa harap ni Ethan dahil magkatapat lang sila.

"Kalma! Hindi ko siya sasaktan at walang dahilan para gawin ko yun. Gusto ko lang maibalik yung dating pagkakaibigan namin ni Shaira. That's it. Please don't say threats in front of me."

"Oh sige. Pagwala ka na saka kami magbibigay ng mga threats." Dagdag ni Cheska at ngumiti na lang sa kaniya si Ethan. Alam ko kung gaano sila kaweirdo at protective.

"Guys, ano nga palang balak niyo sa break? Ilang buwan na lang yun. Medyo matagal-tagal pero kapag inisip niyo, bibilis ang oras. So ano nga?" Tanong ni Rhian at mukha itong sobrang excited. Sino bang hindi? Break is equivalent to Rest. Pagod na rin ang utak ko sa pagsasaulo at pagbabasa.

"Pupunta ako sa Ocean Park at kikidnapin ko ang mga penguins nila at susubukan kong gawing ulam. Wala pa kasi akong nakakaing penguin food. Exotic food. Sarap!" Sabi ni Cindy. Nailuwa tuloy ni Chloe ang iniinom niya. Napapailing ito.

"But have you heard about the macaroni penguin, the one with orange crest? Hindi man pagkain yun pero isipin mo na lang na macaroni yun. Please lang. Oh kaya naman hanapin mo yung penguin ng adventure time at yun na lang ang kidnapin. Masyado silang cute para gawing ulam." Suhestiyon ni Chloe at napailing. "Show mercy, Mahal ko yung mga penguin kahit mukhang ganoon maglakad ang crush ko dati noong elementary."

"Ako naman kasama ko ang pamilya ni Oliver at ang pamilya ko. Grabe. Siya na talaga." At konti na lang may makikita na akong puso sa mga mata ni Rhian. Buti pa siya makakasama niya si Oliver sa pasko samantalang ako... never mind.

"Ikaw Shaira, ano ang balak mo?" Tanong sa akin ni Ethan. "Sa amin may mga handaan tapos may lugar kaming pupuntahan pero di ko pa alam kung saan."

"As usual. Pero sa break, darating na yung mga magulang ko." Sagot ko.

"Talaga? Di mo naman nabanggit sa katagal-tagalan. Pero di ka ba masaya?" Wika ni Rhian at nagtaka dahil wala akong pinakitang emosyon. Pero kasi may isang tao pa akong gustong makasama.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon