Pretend Haters 12- Opposed Idea of Falling In Love with Him

2.3K 33 0
                                    

PRETEND HATERS 12

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Pumunta kami sa caffeteria ni Cindy kasama pa rin sina Rhian at Chloe. Kailangan niyang ipaliwanag lahat sa akin ito. Hindi yung susulpot siya na parang kabute at susunod sa akin na parang serial killer. Kailangan kong malaman kung bakit siya nakikipagugnayan kay Tito Alfred. Alam kong galit siya doon.

"After explain you happened the thing. It's dad me want to here go this academy. Don't want but mother insist to there go on this." Mukha siyang si Yoda ng starwars. Wala kasi talaga akong naintindihan.

"What? Magtagalog ka na nga lang. Trying hard ka pa eh."

"Ang totoo niyan...ano...kasabay lang kita mag transfer dito. Wala na kasing pangtuition si mama kaya napilitan akong pumayag sa alok ni dad na dito magaral sa Academy. Since nalate lang naman talaga ako at dapat college na ako pinasok ako dito. Sorry ate. Di ko rin nasabi na may tutor din ako para makasabay."

"Makasunod ka naman kasi sa akin. Hayaan mo na. Bakit di mo naman sa akin sinabi agad? Kinabahan tuloy ako ng sobra."

"Ayoko kasi makisiksik pa sa pamilya niya. Tago lahat ng naging desisyon ni dad. Ayoko man pero gusto ko talaga makatapos. Ayoko na rin mahirapan yung mama ko. Mahirap lang kami. Isang kahig, isang tuka."

"Parang manok? Yuck!"

"Arte mo. Pero fish na tayo ha."

"Ano?"

"I mean peace."

Nagulat ako dahil biglang may lumagapak na libro sa table namin. Lahat ng kaibigan ko pati si Cindy ay kasabay ko ring nagulat doon. Dumating na pala ang pinakamalakas ng earthquake sa balat ng mundo. Sila ang mga Mean Girls.

"So I've heard you and my boyfriend broke up?" Is she referring to Zion? Ang kapal ng mukha niya. Sa sobrang kapal ang sarap sampalin para numipis.

"You war go now or kill else you until your esophagus is divided by two." Patol ni Cindy.

"Whatever." Inirapan siya tapos pinormang L ni Jessica ang kamay niya. Meaning Loser.

"Hala! L daw. Mangangampanya ka ba kay P-noy? Taray!" Tinakpan ko ang bibig ng magaling at trying hard kong pinsan. Tumayo ako at hinarap sila.

"So Shaira anong pakiramdam na lokohin ka ng isang lalaking pinapangarap ng lahat. Katulad ka lang namin. Ka--"

"Sinasabi niyo bang mga desperada? Well you are all wrong bitches. For your information, tanungin niyo man ang mga dakilang tsismosa, I am the one who end our relationship. At di ako nanghahabol kasi ako ang hinahabol. For you, I pity you. Inggit ka masyado. Akala mo si Cinderella ka. Nangangarap ka lang naman di ba? Dapat lang sayo si Sleeping Beauty. Matulog ka na lang. Kaso ang pinagkaiba niyo ni sleeping beauty ay nagising siya dahil sa true love habang ikaw naman habang buhay ka na nakalaklak ng sleeping pills at nasa sumpa dahil walang magmamahal sayo dahil sa pangit ng ugali mo." Dinuro ko pa siya. Take that!

"It's Ouch, right?" Tanong ni Cindy sa kanila. "Wait...yung wrinkles mo ate kita na. Paayos mo na kay Belo." Tapos tinawanan naman niya si Therese. "Lola ka na pala tapos may gana ka pang magsalita ng ganun. Where is your table manners?"

"What? Who the hell are you? Shut up!" Banat sa kanya ni Therese.

"Hoy! Hindi ako si Shut up. Kaya wag mo ako ma- 'Shut up Shut up' diyan. Pektusan kita sa singit eh o gusto mo batok muna tapos mamaya bugbugan tayo sa kanto." Si Cindy talaga. Ang sarap minsan lagyan ng alcohol, antiseptic at kung anu-ano pang pampatanggal ng germs. Ang dumi kasi ng mga sinasabi niya. Nakakahiya.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon