PRETEND HATERS 60
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Parang sirang plaka ang salita ng kapatid ko sa akin. "Kapag gumawa ka ng mali, bumawi ka nang malaki." Sa ICU, tuloy-tuloy ang patak ng mga luha ko. Tila pagkabagsak sa lupa, kusang tumutuyo na para bang kailangan ko na makalimot. Parang noong isang araw lang noong matanggap na ni kuya kami ni Zion, pero ngayon isa na namang malungkot na balita ang naganap sa buhay ko. Hindi ko na hahayaan ang pagkakamali ko at sisiguraduhin ko na wala na ulit mawawala.
Oo, pagod na ako. Yung sunod-sunod na problema. Walang tigil. Bakas sa mga mata kong blangko ang pagkainis at pagdalamhati. Parang sigarilyo na habang humihinga ka ay patuloy na nauupos at sa loob-loob unti-unti ka nang pinapatay. Yung alam mong ikamamatay mo ang sigarilyong iyon pero dahil sa nasobrahan ka na, hindi ka na makawala at patuloy mo iyong gagamitin hanggang kahit ayaw ko kukunin niya ang masaya mong buhay at papalitan ng dilim kung saan wala na ang liwanag.
Sobrang nasasaktan na ako dahil para akong bola na pinapaikot at pinapagulong ng tadhana at kungs aan tumigil yun, sa maganda o pangit mang lugar, doon yun kalalagyan ko. At sa masamang palad, sa pangit na pangyayari ako napunta,
"Sinong may gawa nito sa anak ko?! Parang awa niyo na, sabihin niyo na po!" Unting-unting bumubuka yung puso ko. Isang ina si Tita Jess na naghahanap ng hustisya para sa anak niya. Konti na lang ay lumuhod siya sa harap ng mga pulis.
"Huminahon po kayo misis. May nagtanggal po ng brake sa kotse niya. Kaya pagpasensiyahan niyo na po kami kung hindi namin alam kung sino ang may pakay." Sagot ng pulis.
Alam kong wala na siya. Yung mga ngiti niya na umaabot hanggang tenga, yung mga tawa niya na parang musika at yung mga kalokohan niya... wala na. Wala ang taong naging importante din sa buhay ko.
"May nagbabanta sa amin. Baka sakaling sila yun. Gumawa kayo ng paraan." Hinala ni Tito Cole habang kahit walang luha ay mahahalata mo ang kaniyang pagod sa pagbabantay at lungkot sa pagkawala ng anak niya.
"Kakausapin din po namin ang mga kamaganak ninyo at ng biktima. Maghahanap po kami ng lead. Sa ngayon po magpapadala muna kami ng magbabantay sa inyo."
"Aasahan po namin yan. Sana po sa maagang panahon ay malaman niyo na kung sinoa ng may kagagawan nito."
"Opo. Mauuna na po kami. Kung may kailangan pa po kayo, tawagan niyo na lang po kami sa istasyon." Pinanood ko ang pagalis ng mga pulis. Hinawakan ko ang mukha ko at naramdaman ang mga natuyong luha. Nasa balikat ni dad ang ulo ko at pakiramdam ko gusto ko lang nandito ako sa posisyon ko habang buhay. Para bang ayoko na harapin ang susunod pang mga araw.
"Anak, kumain ka na muna. Ilalabas na rin si Cheska dito para sa libing." Pumikit ako saglit at tumingin kay mommy.
"Kasalanan ko po ba? Siguro kung sinamahan ko siya at hinatid na lang sa kotse ko baka sakaling malaman niyo na may nagtanggal ng brake sa kotse niya o kaya sana pinatagal ko na lang siya sa loob ng mansiyon baka sakaling maaabutan niya pa ang mga magulang niya at makapiling kahit saglit."
"Wag mo sisihin ang sarili mo, okay? Walang may gumusto nito. Hayaan mo hahanap tayo ng hustisya."
"Natatakot ako. Paano kung iniisa-isa na nila tayo?"
"Hindi. Panakot lang yun. Sige na. Kumain ka na." Umiling ako.
"Aalis lang po muna ako." Tumayo ako at pumunta sa labas ng ospital. Kailangan kong huminga kahit saglit. Sigurado ako nalaman na rin nila ang tungkol sa ginawa namin. Ang tanga ko talaga. Makasarili ako na inisip ko lang na ako lang ang mapapahamak.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...