PRETEND HATERS 44
After 2 years.....
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Dalawang taon yung nakalipas. Marami ang nagbago. Kaya nga may sinulat ako sa diary ko tungkol sa oras. Kung gaano ba ito kaimportante. Dahil sa bawat sandali, tumatakbo ito at hindi humihinto hanggang patuloy din ang pagikot ng mundo at may buhay pa ang tao.
Time is not permanent because within time there is changes.
Time could break you, but time also builds you.
Time is important that if you made a mistake, you cannot turn it back to make the wrong... right.
Time has two outcomes; If there is a positive that will happen, there would also be a negative that may happen too.
Hindi ko pa rin nahanap ang sagot sa katanungan ni Sapphire, iniiwasan ko na si Zander (Pero si Chloe hindi siya tinitigilan), Si Rhian sinagot na si Oliver at naging sila na at mas tumibay na ang relasyon namin ni Zion hanggang ngayon.
Nagpipicnic kami ngayon. "Tikman mo naman yung ginawa kong sandwich. Pinaghirapan ko ito. Prepared with love."
"Subuan mo ako." Pagpapacute niya. Para siyang bata na hindi marunong kumain magisa.
"Wala ka bang kamay?" Natatawang tanong ko dahil ginaganyan niya din ako. Pero sinubo ko na rin sa kaniya yung sandwich na ginawa ko. As in subong-subo na halos mabulunan na siya. Sobrang natawa ako. Iniabot ko sa kaniya yung bottled mineral water. "Wala ka atang kamay."
"Meron. Kasi kung wala akong kamay, walang maghahawak sa kamay mo kapag napapahamak ka at natatakot." Banat na naman niya. May pagkacorny itong lalaking ito. Kaya nga noon niregaluhan ko siya ng mais. "Parang ganito." Hinawakan niya yung kamay ko pero binawi ko yun agad.
"Gutom lang yan. Kain ka na lang ha."
Nagvibrate yung phone ni Zion. Sa akin nga may tumatawag pero hindi ko sinasagot pero sa kaniya may nagtetext at mukhang ayaw siyang tigilan. Parang ang sarap tuloy ibato sa kanal yung phone niya. "Shai, nagtetext pa rin siya. Swear. This girl won't leave me alone."
"Naiirita na ako. Give me your phone. I'll text that girl. What's the name? Yuri, di ba? Oo. Tama yun nga. Di ko makakalimutan ang mga babaeng umaaligid sa'yo. Even that Janelle is texting you. Yung maarteng babae na nilagay yung number niya sa phone mo habang lasing ka. Sinabi ko naman kasi sa iyo na wag na wag kang iinom. Talagang hindi niya ninakaw yung phone mo. Talagang nilagay niya lang ang number niya at kinuha ang number mo. Hindi niya ba alam na may girlfriend ka na? Baka mamaya hindi pala yun ha. Baka naman si baby na ito."
"Tigilan mo na nga yang baby baby na yan. Selos ka lang eh."
"Oo. Tama ka. Nagseselos nga ako. So I'll text this girl. Oh please, change your number."
Yuri: Hey. I miss you na. Come here in the bar.
Zion: Stop! May GF na siya. Ikaw na malandi ka! Kung past life mo ang higad dahil makati ka, layuan mo na ang boyfriend ko dahil kakatihin lang siya at kakamutin ka lang niya. At siyempre kung ayaw mo na ring kalbuhin kita at i-excuse mo sa lahat ng tao na nagpachemo ka. Pati buhok ng kilay mo at buhok ng ilong mo ay hindi ko patatawarin. Stop bullying! Este stop flirting someone who's not interested in you.
Yuri: GF? Do you mean Greedy Friend? How about sharing? No! Sa akin lang siyang babae ka. Siguro pangit ka. Pahalik ka sa palaka baka sakaling maging prinsesa ka.
ABA'T LUMALABAN PA ITONG BRUHILDANG ITO NA ANG IKLI-IKLI NG SHORT. KASINGIKLI NG BANGS NIYANG PAMBAKLA!
Zion: Nakita na kita sa FB. 100 likers ka lang pero sa akin ilang libo na. At kung pangit ako, ano ka na lang? At isa ka lang namang hibang na naglagay ng number niya sa cellphone ng isang lasing. You take advantage. Ang kapal ng mukha mo! Pati make-up mo ang kapal. Akala ko nga parte ka ng horror films. Sobra kang nakakatakot na nalaos lahat ng mga palabas na nakakatakot at ikaw na lang yung bentang-benta.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...