PRETEND HATERS 29
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
"Is it a sports car?" Tanong ko kay Rhian habang manghang-manghang nakatingin sa magara niyang kotse. We are going on a road trip. Indeed, a very long drive heading to nowhere. With GPS of course. Baka mawala naman kami.
Ngumiti siya. "Hindi naman. But close to it. The qualities and features." Sagot niya. Napakagat siya sa labi niya at alam kong may problema at di nga ako nagkamali. "Teka! May problema pa kasi."
"At ano naman yun?" I glared at her.
"Kung nasa driving class pa tayong dalawa at hindi ka pwede, paano ako magmamaneho sa malayo kung wala pa akong natatanggap na lisensiya. Tapos si Chloe tamad at antukin. Ayoko pang mamatay noh. At take note, di pa ako masyado marunong. Sinong magdadrive?" Napasabunot ako nang bonggang-bongga sa mahaba kong buhok. Itong babaeng ito, alam niya na ngang magmamaneho kami sa malayo tapos sasabihin niyang di siya pwede magmaneho? Wait! Sino nga ba ang magmamaneho kung hindi kami pwede?
Tinawagan ko si Tristan. Dali-dali itong pumunta. "Marunong ka bang magmaneho?"
"Umm.. motor lang eh. Kung si Oliver ang iniisip niyo, sinasabi ko na sa inyo na wag. Baka mas mauna pang sumabog yung utak natin bago pa tayo makapunta sa kung saan. Kaya kung gusto mo pang mabuhay, isa lang ang option."
"At ano naman yun?"
"Guess who? Gwapo siya na mapapatili ka." Sino?
"Daga na si Mickey Mouse o Ipis with wings?" Tanong ko.
"Anong konek ng ipis with wings?" Napakunot-noo siya. Nalilito pa ito.
"Huy! Ang ipis na may wings, hindi sa napkin ha. Ayun nga! Kapag nakita mo, di ka lang mapapatalon dahil mapapasigaw ka pa."
"Mali! Baduy! Mas gwapo sa ipis ito. Dahil ang sagot ay... edi si Zion your loves. Your Sweety pie. Your Divine. Your Candy Crush. Ang mala-candy mong Crush. Ang sweet kaya nung pinsan kong yun. Ayiiiee!"
Binigyan ko siya ng isang mataray look. "Ha.ha.ha. Corny mo!" Nagwalkout ako at lumayo ng isang metro at narinig kong pinagtatawanan nila ako. "Ang corny talaga. Bwisettt!" Pagpaparinig ko.
"Hoy Bebe Zion! Nagtatampo na si Honey Bunch mo. Puntahan mo na nga ang sugar cupcake mo." Kainis yung Tristan na yun! GRR! Porket di lang sumama sina Cheska at Cindy ngayon. Kaasar! Binatukan tuloy siya ni Zion. Bleh! Buti nga! "Bakla." Sabi niya pa rito.
"Aba! Kung bakla ako pare, may kiss ka na. Pero tara! Bugbugan tayo ngayon." Yaya ni Tristan pero di siya pinansin ni Zion. Sa halip, pumunta ito sa akin. Lahat naman sila nagsipasukan sa kotse. Kainis! Gusto talaga nila kaming matira. Asar much!
"So you want me to drive?" Ang hilig magenglish nito ha. Amerikano? Pero sabagay gano'n din naman ako. Hayy!
"Ay hindi! Gusto kong umupo ka lang at hintayin natin sabay-sabay na umandar ang kotse ng kusa. Malamang! May choice pa ba ako?" I gave him a cold look. Siyempre bruhilda effect ako ngayon.
"Sigurado ka bang gusto mo ako ang magmaneho? I've tried drag racing already."
I cross my arms. "Pakialam ko? Di naman tayo mangangarera. It's a road trip, dude. A road trip." I emphasized.
"Alam mo---"
"Di ko pa alam." Pagpuputol ko.
"Para kang ampalaya sa ref."
"Ampalaya sa ref? Bakit?" Tanong ko naman.
"Cold na nga, bitter pa."
"At least healthy!" Depensa ko. Bigla na lang niya akong binuhat na parang isang sakong bigas at nilagay sa front seat. He treats me like a baby. Para akong nagtatampong bata na kailangan pang buhatin para pasunurin. "H-hey! What are y--" Nilagay niya saglit ang index finger niya sa tapat ng lips ko para matigil ako. "Hush."
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...