Pretend Haters 45- The Piano Keys

1.2K 19 1
                                    

PRETEND HATERS 45

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Kasama ko ang mga pinsan ko at mga kaibigan ko. I was sharing all my troubles. Ang sakit sakit na ng ulo ko na para siyang isang lobo na nawawalan ng hangin unti-unti at kusa na lang puputok. "Puputok na yung ulo ko sa nalaman ko."

"Bakit naman yan puputok? Paputok ba yan o yung amoy sa kili-kili? Kaso hindi naman new year ngayon. Bakit mukha kang naputukan?" Di ko alam kong nagbibiro ba si Cindy o seryoso.

Kinain ko na lang ang Hawaiian Pizza ko at ininom ang diet soda na hawak ko. "Kasi naman akala ko si Zander na yung kababata ko. Ngayon gusto kong tumaba at sumali sa Biggest Loser para di ko na kailangan bumalik sa academy at pagkakaabalahan ko na lang ang pumayat. Tapos kapag nanalo ako baka madiskubre nila ang natatago kong kagandahan. Ayoko na rito. Pakiramdam ko, habang nandito ako, hindi sa akin malalayo ang mga sikreto at misteryo."

"Ay grabe! Wag ka na magpataba. Nakaisang box ka na nga ng pizza. Friend, hindi nadadaan sa pagkain yang problema mo. Akala ko ba gusto mong kalimutan yang kababata mong ang hirap hanapin? Pero alam ko naman na hindi mo kaya kasi para siyang answer key sa exam. Na yun lang yung sagot sa lahat ng mga katanungan." Sabi ni Chloe at tumango ako.

Dumighay ako. Hinawakan ko yung tummy ko."Excuse me. Hala! Tumaba yata ako. Hindi na ako sexy. May tiyan na ako." Umiyak na naman ako. "Hayyy! Pati ba naman problema crush ako. Gano'n ba talaga ako kaganda?"

"How can you face your problem if your problem is your face?" Pabirong tanong ni Cheska. Pero di ko naman problema ang kagandahan ko. "At isa pa dude, lahat ng tao may tiyan. Nagkataon lang na yung mga sexy o payat, mas maliit yung mga internal organs."

"Bakit ba tayo napunta sa internal organs? Guys naman. Nandito lang ang hinahanap ko sa paligid. Malay ko o malay ba natin kung nakausap ko na, nakabunggo o kaya nakasulubong. Ni hindi niya nga binigay yung buo niyang pangalan sa akin kaya di ko alam. Maski si kuya di rin alam. Pero paano agkikita yung dalawa kung alam naman nating lahat na bukod sa magkagalit sila eh busy na tao si kuya?"

"Girl," Kinuha ni Rhian ang atensiyon naming lahat dahil may itinaas siyang bagay. Isang kandila. "Ito na yun." Pahayag niya na para bang isa yung mahiwagang bagay.

"Kandila? Ano ba ang gagawin ko diyan? Ano ba ang hahanapin natin, multo? Kaluluwa? Tao ang hahanapin natin. At isa pa, hindi ko naman kaarawan kaya baka hindi matupad." Malungkot na sabi ko.

"Wag ka ngang pa-nega diyan. Ito na sa tingin ko ang sagot sa mga problema mo. This is a wishing candle. Minsan na nito tinupad yung kahilingan ko kaya gusto ko itong ibigay sa iyo kasi nagbabakasakali ako na baka matupad rin ang hiling mo." Sinindihan niya iyon gamit ang lighter at binigay niya sa akin. "Pumikit ka at humiling ka. Minsan walang magic, pero may Diyos na nakikinig. Nararamdaman ko na magkikita na kayo. Girl, maliit lang ang mundo. Kung si Dora nga, kabata-bata pa ang dami na nahahanap na lugar, yan pa kayang kababata mo kung saan nasa iisang academy lang kayo. Iisang lugar. At ang tanging kailangan mo lang ay clue."

Tinanggap ko iyon. Di naman masamang umasa kahit konti? Walang imposible kung gugustuhin ko. Pinikit ko yung mga mata ko. 'Sana mahanap na kita.' At umihip ako para patayin yung apoy. At dinala na ng usok yung mga hiling ko.

Ano na kaya ang itsura niya?

"Magkakaroon na ng karibal ang boyfriend mo." Pangaasar ni Chloe kaya bigla kong naalala si Zion.

"Guys, nakita niyo ba si Zion?" Umiling sila.

"Di kaya may meeting na naman? Sobrang busy niya talaga. Umuwi ka na lang Shaira." Sabi ni Cheska.

"Nagaalala na rin ako sa kaniya. He's been distant lately that it makes me confused. Hindi naman kami nagaway at alam kong okay lang kami. Ano kaya ang magiging reaksiyon niya kapag nalaman niya ang tungkol kay Kidlat?" Tanong ko.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon