Pretend Haters 49- Ditching the Party with My Boy

1.2K 23 0
                                    

PRETEND HATERS 49

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Oh Zion, what are you doing to me?

Patuloy pa rin akong nakatingin kay Zion at di ko bibitawan itong tingin ko. Gusto kong matawa sa mga sinasabi niya. I promise myself I am not going to be Sophia in real life. Ayoko na kasinglungkot ng ending nila ang buhay namin. Mas kakayanin ko pang atang maging magkaibigan lang kami kaysa mawala siya sa buhay ko. I can't bear losing him... not in a million years. "Come on. It is far from crazy." Desperation is even evident in his tone.

"Alam mo ba na yung play na ginawa natin tragic?" Ayoko nang pahabain ito. "Wala ka na bang mas matinong plano? Kasi kung wala rin naman, pabayaan mo na lang ako na lumayo o kaya maging magkaibigan na lang tayo."

Umiling siya ng umiling. "It's been weeks since you left my heart broken. Kahit na gaano ko itanggi sa sarili ko, mahal pa rin kita. Mahal na mahal pa rin kita at walang nagbago. Kaya nga subukan natin. This might be our only chance. Take it or nothing will ever happen."

And I'm just as desperate as him. "Pero paano ako makakamove on kung sinasanay mo ang sarili ko na lagi kang nandiyan? Zion, ang sakit sakit na pero wala akong magawa. At kabaliwan nga ang gusto mong mangyari. Sa tingin mo ba mapaninindigan natin iyon?"

"Kaya natin yan. Basta magkasama tayo, magagawa natin lahat. Hindi magpapatalo yung kapangyarihan ng pagibig sa galit ng mundo. It takes sacrifices to love somebody because it is measured on how long you can take it. Take risk with me Shaira. Hindi kita pababayaan." Pagpupumilit niya at kulang na lang lumuhod siya sa akin para pumayag ako.

"That's totally absurd. No-- more than that." Kinuha ko yung mop sa sahig at nilagay yun sa balde. Pero sinundan pa rin ako ni Zion. Ibinalik ko muna yun sa tamang lalagyan niya. 'Pagkaharap ko sa kaniya, di ko maiwasan ang mapahawak sa baywang ko.

"You look beautiful tonight." Puri niya. He looked up and down and I know he's checking me out and it's making me blush.

"May intensiyon ka bang pilitin ako sa gusto mong mangyari? Hindi nga sabi. Umuwi ka na lang at ako naman magpapakaloner sa party na ito." Sabi ko sa kaniya kaya nagpout ito.

"I've never been rejected by any other girl. Just you. Ibang klase ka." Komento niya habang isinuklay ang mga daliri niya sa buhok niya. He's frustrated. "Please stay?"

I gave him a mocking smile. "But I am not any other girl. At isa pa, hindi pa tayo dahil hindi mo pa ako girlfriend."

Nanlaki ang mga mata niya na natawa ako bigla. "What? Really Shaira?" Tumango ako. Talagang-talaga. Take that!

"Why won't we ditch the party? Naghanda ka pa naman. To my surprise, I saw you there cleaning. How nice!" Isa pa ito. Pormang-porma ako pero ang punto kasi ay dahil wala siya.

"Ha.Ha.Ha." Nagmake-face ako sa kaniya at inilahad ang kamay ko saka ngumiti. Kinuha niya naman ang kamay kong iyon. He plants a soft kiss there in my hand. "But I like the idea of ditching this party with you." He smiled back and like idiots we're laughing.

"So huhulaan ko na kailangan ulit kitang ligawan, Ms. Lim?"

"Dapat lang." Kinagat ko yung labi ko para maiwasang kiligin at mamangha sa pagiging pormal niya.

"Then I'll break a record of my own that a girl will answer me in just one night." Wow. Confident.

"Why so sure Mr. Montreal?" He took my hand and led me to a place unknown to my alien world.

"I just know." Ibang klase rin ang yabang nito. Sinuntok ko tuloy siya sa balikat at madrama niya pa itong hinawakan na parang sobrang sakit talaga.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon