Pretend Haters 21- Snow White is a Damsel in Distress

1.8K 44 5
                                    

PRETEND HATERS 21

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Pagkatapos ng isang weekend, lunes na kaya ang ibig sabihin, ngayon na ang 'Drama Club'. Magsisimula ito tuwing alas-tres ng hapon. Kaya napapadalas ang pagtingin ko sa relo ko. Kaya malamang hindi ko na pinapansin ang katabi ko na parang naweweirdohan na dahil di umeepekto yung pagpapapansin niya. Hindi pa ito ang huling klase ko pero dahil sa nakapirma kami sa excused maaari na akong lumabas pagkatapos nito. "May date ka naman ba kay Ethan? Ang lakas mong makatingin sa relo mo."

"Saan ang paki mo? Natrapik sa EDSA. Kaya pwede ba tigilan mo ako?" Pakiusap ko.

"Siguro kung normal na babae ka, kikiligin ka na malamang ngayon. Kakaiba ka rin noh. Nagagalit ka pa sa crush mo." Diniinan niya pa talaga ang salitang crush.

"Anong gusto mong gawin ko? Maging kiti-kiti? Sumigaw at ipagmalaki na pinapansin mo 'ko? Gumulong dahil nakakaramdam ako ng paru-paro sa tiyan ko? Chansingan ka?"

"Oo. Parang ganun na nga." I sighed. Mas saltik na ata ang utak nito. "Gagawin mo naman lahat di ba?"

"Ayos ah. Pero sorry di ko kasi gagawin. Di ako baliw sayo para gawin yun. Limits dude. Hindi porket crush kita eh gagawin ko lahat ng gusto mo. Swerte mo."

"Shaira?"

"Hmm?"

"Cute mo."

"Weirdo."

"At least gwapo." Nanahimik na ako. Wala ako sa mood. Ang hilig hilig nito mangasar. Nakakairita. Sarap niyang ipatapon sa outer space. Tiningnan ko siya. Hindi na siya nakatingin. Tapos kumunot yung noo ko. Tinitigan ko siya at may naaalala ako.

Kahawig niya si--

*KRING *KRING *KRING *KRING

Tumunog ang Kampana ng Kuba. Isa lang ang ibig sabihin niyan, tapos na sa wakas ang klase ko rito kaya makakalabas na ako rito. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko nang may humablot ng kamay ko. "Aray naman!"

"Aalis ka?" Tanong ni Cheska. "Kakain ka?"

"Hindi. Sumali kami ng Drama Club. Kami nila Rhian at Chloe. Doon yung punta ko ngayon." Paliwanag ko.

"Sumali kayo sa pakulo ng Drama Club?! Napalakas yung sigaw niya na lahat ng tao sa loob ay napatingin sa direksiyon namin. "Hindi mo man lang sinabi sa akin?"

"Eh paano ka sasali? Pagiinarte lang alam mo at hindi pagarte." Sabi ko.

"Pero grabe ka. Ang loner ko na ngayon. Dapat sinabi mo na lang din sa akin di ba? Kalbuhin ko yang buhok mo. Mangiiwan!" Tinawanan ko lang siya sa pagmamaktol niya.

Aalis na ako tapos nakita ko pa ang paa ni Zion na nakaharang sa dadaanan ko. "If you wanna trip me, please not the obvious. Okay? Nagmamadali ako kasi may pupuntahan pa ako."

"Drama, huh? You?" Aba! Makalait. Siya nga siguro ang pangit umiyak.

"At least di katulad mo na hindi naman magaling. Aminin mo na lang na tama ko."

"Talagang di ako magaling." Tumawa ako at binelatan siya. Kawawa naman. Inamin talaga. At katulad ng lagi niyang ginagawa, he smirked.

Hinanap at hinintay ko muna sa labas ng auditorium yung dalawa kong bestfriend. Madaming tao sa labas dahil break pero konti lang kami na sumali. May limit ata. Isa pa, hindi ka makakapasok kung wala ka sa registration. "Shairaaa! Dito!" Nakita ko si Rhian na lumalakad na papunta sa akin.

"Girl, kinakabahan ako." Sabi ni Rhian habang nakahawak pa sa dibdib niya. "May guest director daw diyan. Sikat na nagaral rin dito sa Addison Academy. Nakakahiya kapag palya yung acting ko."

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon