PRETEND HATERS 63
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
In my diary.... I wrote these:
A rain would be dripped.
A tear would be fallen.
A heart would be broken.
Well, all is perfect, but in one hapless day as the radiance of sun that's slowly fading shone my face, the tables turn and turned the fairy tale into a twist of disaster. The clouds are in the dominant color of a charcoal slightly added with the reddish burning bomb and mix of a drizzling soup colliding together in its cotton structure. The rain is fast approaching, the emotions are boiling, the hearts are aching and as the drips of rain hit the ground, there are also dropping of unstoppable tears.
Bago ang lahat noong akala ng lahat na magiging okay na, doon ako nagkakamali at doon rin sila nagkamali. Isa akong sinungaling at mapagpanggap kaya ngayon ako yung naloko at nalinlang. Akala ko magaling na ako umarte pero ang di ko alam may mas magaling pa pala sa akin umarte. Ngingitian ka sa harap mo pero di mo alam na ang totoo sa pinakaloob ng mga labing iyon, pinagtatawanan ka na. Akala mo totoo, peke talaga.
At habang pinaniniwalaang mahal ka, sinasaktan ka na pala.
*
FEW MONTHS BEFORE...
"Hold on. No. Zion, no!" Bumitaw ako sa mga yakap niya. "Alam mo ba na ang isang bagay na dapat mo kilalanin sa akin ay ang wag akong pagkatiwalaan. Isa akong malaking sinungaling." Wika ko at randam ko na yung init sa mga mata ko.
"Kaya nga dapat kitang pagkatiwalaan kasi alam kong mahal mo ako at kaya kita pinaglalaban kasi ikaw ang gusto kong makasama." Sabi ni Zion habang kinuha ang mga kamay kong nanginginig na.
"Mahina ako, Zion. At dahil doon, baka akong mismong nagpoprotekta at nagmamahal sa'yo ang siyang mananakit sa'yo. I'm warning you."
"Di kita maintindihan. So do you wanna end this? Yun ba? Come on, tell me! Ang gulo gulo mo na. You are flooding my head, Shaira, yet you're doing this to me. Ano bang nagawa kong mali? Ang gulo mo. Daig pa natin ang switch ng ilaw sa kaka-on and off. Please. Nakakasawa na. Ano ba talagang gusto mo? Dahil ba ito kay Ethan? Siya ba Shaira?"
"Don't overreact. He's just a friend. Akala ko ba tapos na itong isyung ito?"
"The way he look at you, the way he smiles at you looks like the way I do in front of you, that's why don't judge me if I have to be jealous right now and for every day that I see you with him twinkling your eyes like the past is back and I, your present is unfortunately fading in the scene. Mahal kita Shaira." He stared with brooding eyes. Hindi ako makahanap ng salitang maaaring sabihin. Parang pakiramdam ko lumampas nga ako sa limit. Alam kong may gusto pa rin si Ethan sa akin at siya pa talaga ang ginawa kong sandalan. I felt like betraying Zion unconsciously. "At hindi na rin kita maintindihan. Sa mga inaakto mo at sa kung anong problema mo."
Napakagat ako ng labi. "Kasi kapag nalaman mo, alam ko kung ano ang pwede mong gawin. Hindi ko kayang saktan ka dahil sa akin kaya sana Zion hayaan mo akong gumawa ng paraan para sa atin."
"It takes two to tango, Shaira. Malalaman ko rin ang tinatago mo at tama ka, gagawin ko nga ang lahat para sa'yo. Paulit-ulit mong sinasabi na masasaktan lang ako pero sa ginagawa mo, sinasaktan mo na ako." Umalis siya at muling lumingon katulad ng madalas niyang gawin. "Patawarin mo ako kapag ang naiisip kong dahilan ay yun talaga ang problema mo. Pero kung hindi, hahayaan kita basta yung hindi ka lang mapapahamak." Hindi ko siya maintindihan sa sandaling iyon. Patawarin kung sakali mang ang problema ko ay ang iniisip niya? Ano nga ba ang iniisip niya?
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...