PRETEND HATERS FINAL CHAPTER
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Tiningnan ko ang larawan ng isang batang lalaki na nakangiti kasama ng maliit na batang babae. Nakaakbay ang batang lalaki sa batang babae na nakasimangot na tumingin sa kamera.
Di ko tuloy maiwasang mahawa sa mga ngiti ng labi niya at matawa sa reaksiyon ko noon. Nagtampo kasi ako noon tapos si Kuya Shawn pinagtripan ako at pinicturan kami habang nakabusangot ako.
Ugh! Tambak man yung paperworks at workloads, buti naman may pangstress-free ako.
Walang signal sa probinsya at busy kaya wala na kaming contact. At nagsimula yan ng mahulog sa pool ang phone ko. Sana kung may isang bagay na mas matandaan ako, yun na talaga ang phone number niya.
Ni hindi niya ako binisita na sa palagay ko busy rin siya dahil siya na ang namamahala full-time. At pinagbawalan rin ako na pumanta doon dahil sa childhood trauma ko at sa nangyari sa amin ilang taon na ang nakalilipas.
Kung minamalas ka nga naman na di mo alam kung sadya ba talaga mangyari ang lahat. Pero siguro may iba na yun. Matagal na kaming walang koneksiyon sa kaniya pero ito ako, siya pa rin ang laman ng isip ko. Madami siguro naghahabol sa kaniya.
Ayan! Nega na naman ako. Pero kasi namimiss ko lang talaga siya. May kumatok sa pintuan at nakita ko si Ethan na may hawak na folder na pinakukuha ko.
May-ari na siya ngayon ng isang bangko at nagtatrabaho siya dito bilang head ng accounting department. It sounds like he's a workaholic Ethan. Sinundan niya ako isang buwan pagkatapos ng graduation. Naisip ko tuloy kung may nararamdaman pa siya sa akin, kasi wala naman siyang sinasabi. He just badly wants to help. Sobrang nalunod na kasi ang kompanya sa kumunoy.
Like business is business or work is work.
"No anomalies, less income and many indifference in the statistics of costumers." He reported, looking serious.
Ibinaba ko ang litrato ni kidlat at nilagay yun sa loob ng drawer. Tiningnan ko si Ethan at uminom muna ng kape bago magsalita. "Masyado kang seryoso. Relax. At may nakapagsabi sa akin na lagi mong kausap si dad. Ethan, where are your carefree attitude? Doesn't mean we are getting older, we can't live the life. I can offer you a temporary leave as your boss. Tutal kumikita ka pa rin kahit wala kang trabaho." Alok ko at ngumiti na ang kaninang seryoso nitong mukha.
"Shaira, ayaw mo na ba ako makita dahil namimiss mo pa rin ang ex mo?" Tanong niya na may halong pagtatampo habang nilalapag niya ang folder sa desk ko.
"Ex?"
"Di ba di naman kayo nagkabalikan? Magkaiba kasi yun sa nagkabati." Mas lalong gumulo yun sa isip ko. Paano na dahil wala kaming official commitment ibig sabihin pwede siya maghanap at magmahal ng iba?
"You're overthinking nowadays. Di mo ba naisip na umuwi?" Tanong niya.
"Sa totoo lang, wala pa naman akong balak at isa pa alam mong takot akong bumalik at malaman na wala naman talaga akong babalikan."
"Kung wala, nandito naman ako." Pabiro nitong wika.
"Kahapon sinabi mo sa akin na pupunta ka sa bar para mangchicks pero malalaman ko na V.I.P. client ang pupuntahan mo. Such a flirt. Akala ko nakamove-on ka na."
"Wow Shaira. Easy. Hindi, gusto ko lang dumami yung mga investors. I am doing you a favor. At isa pa, wala pa naman akong ibang mahanap. Kung siguro di ako pinagtripan ng Chanelle na yun, ako siguro ang lagi mong iisipin at may tayo pa."
Natawa naman ako sa term niya. "Pinagtripan? Grabe ka naman. Balita ko bumait na daw siya. Posible kaya yun? Correction jail meant to correct prisoners, right?"
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...