Pretend Haters 23- Brain Fireworks

1.7K 37 0
                                    


PRETEND HATERS 23

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Matapos ang ilang araw na nagdaan na ang kaharap mo lang ay libro, sa wakas at huling araw na ng Preliminary Exam namin. Mabilis lang yung panahon. Pagkatapos nito, midterm tapos final exam at pagkatapos bakasyon.

Ang seryoso nga ng atmosphere. Para kaming pipe kapag nageexam. Walang nagsasalita. Talagang naka-concentrate sila. Buti na lang nakapagpuyat ako kagabi kaya eto ako patulog-tulog na lang.

This is life!

*

"Sleepy head!! Wakie! Wakie!" Iminulat ko ang mata ko at itinaas yung ulo ko mula sa pagkakayuko. Nagpapasahan na pala kami kaya ginising ako ng block mate kong si Hershey. Pinasa ko na sa professor yung papel. Sana walang tumulong laway. Napasarap ata yung tulog ko.

Nang marinig namin ang pinakamagandang tunog sa buong Academy. Nagsitayuan kami at nagsigawan. "Nagbell na. Uwian na!! Kita tayo sa trip natin. Wooh! Sa wakas!" Sigaw ng block mate kong si Jayperson.

Humarap ako kay Cheska. "Sasabay ka ba sa kotse ko?" Tanong niya.

Umiling ako. "Sa service na lang. Para may kadaldalan ako. At isa pa, gusto ko maiba naman. Ang sikip sikip pa ng kotse mo." Tumango siya.

"Grabe ka naman. Siyempre sa akin yun. Kami lang naman ata ng driver ang laging magkasama doon." Sabi niya.

"Buti di ka nainlove sa driver. Di ba may sinasabing, basta driver sweet lover? Yiiee!" Pangaasar ko na nagpangiwi sa kanya.

"Yuck!! Matanda na yun at pamilyado. Grabe ka! Gagawin mo pa ata akong kabit. Utang na loob Shai. Walang babaeng pinangarap maging kabit. Di ba laging gano'n ang sinasabi?"

"Maghanap ka kasi ng gwapo. Yung single ha. Wag yung may sabit." Di naman suka yung pagibig ha. Bakit maraming nakikisawsaw?

"Si Tristan?" Wow. Di pa pala nakaka-get over si Cheska.

"Yung ex mo agad? Akalain mo. Minsan nahahatid ka niya nang di ko nalalaman. Pero buti na lang ganun. At least di ako umextra."

"Shai, alam mo namang mahal ko pa rin siya. Si Cindy ba....gusto siya? O si Cindy ba gusto niya?" Patay! Eto na nga ba ang sinasabi ko. Paano ba ito? Naiipit naman ako. Dalawa silang pinsan at walang mas lamang.

"Cheska, wala naman ako sa posisyon para sagutin yan. Di dapat ako yung dapat na sumasagot sa tanong mo. Sorry."

Pagkatapos, agad na kaming umuwi para makapagimpake. Maaga pa ang alis namin bukas.

*

Sa wakas! Tumunog na ang alarm clock sa tabi ko.

"Mmm.." Buti na lang maaga akong natulog. Bakit ba ako laging nakanganga kapag natutulog? Mataehan pa yung bunganga ko ng butiki o kung ano man. Baka akalain inidoro.

Chineck ko ulit yung mga gamit ko kung kompleto. Tapos nagsimula na akong maligo. Tapos inayos ko ang sarili ko. Putting some light lipstick on. Ayoko pati mata ko masunburn. Gusto ko sanang lagyan ng sunblock ang mga mata ko kaya lang baka mabulag ako. Malamang!

Ayoko maging magandang bulag!

Inispray ko sa akin ang sunblock kong SPF 70. Imported pa ito galing Amerika. Inuwi nila mommy at binigay sa akin. Inaaply ko na ito sa mukha. leeg, katawan ko. Ayoko maging pula at maging red smurfs na higante.

Tapos sinuot ko rin ang beige na hat ko. Eto naman imported from Paris. I also wear summer shorts and pair it with a black and white horizontal stripes sleeveless top. I sprayed a perfume and wear my shades which is imported from France.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon