Pretend Haters 15- Perfect Moment Under the Moonlight

2K 40 0
                                    

PRETEND HATERS 15

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

May mga palakang tumatalon sa kama ko. Mukha tuloy akong tulog na nagbubumpee jumping kasama ang kama. I squinted my eyes to seek for the source because I'm too sleepy for at last it's Saturday and I hardly need to extend my beauty sleep.

Speaking of palaka, hindi pala sila marami kundi malaki. Dalawang malaking palaka ang tumatalon sa kama ko. Teka...ano?! Agad akong tumayo mula sa pinagkakahigaan ko at matalim kong tiningnan ang dalawang palaka sa harap ko. Ngayon lang kasi sila pumunta simula nang tumira na ako kanila Cheska. "Kakatayin ko kayo para maging adobong palaka o aalis kayo sa harap ko?" Kalmadong tanong ko na ikinatigil nila.

Gusto ko pang makasama ang kama ko na mahal na mahal ako. Buti pa ang kama. Hahayaan ka nilang magrelax, umiyak at kapag natulog ka na sa kanila makakalimutan mo kahit saglit ang mga problema nang hindi ka iiwan.

Hala! Nagdrama?

"AHH! Wag naman Shaira. Masyado akong maganda at sexy para maging adobo lang. Baka magsisi kasi ang kakain dahil sayang ang beauty ko." Inikot ko ang mata ko sa katwiran ni Chloe the frog at binato ko naman ng unan si Rhian the other frog para masaksak sa bunganga niyang tumatatawa nang matutong tumahimik kapag di kinakausap.

"Shaira! Pati ba naman unan akala mo pagkain! Nakakarami ka na ha." Sigaw ni Rhian nang magbato ulit ako ng isa pang unan.

Tinanggal ko muna ang mga muta ko para matanggal ng kaunti ang antok ko bago tumira. "ANO BA KASING GINAGAWA NIYO DITO? DI BA SABI KO WAG NA WAG NIYONG GISINGIN ANG MAGANDA KONG KALULUWA. ALAM NIYO BA KUNG ANONG ORAS NA?! Teka awat! Ang sakit ng lalamunan ko. Ahem! Ahem! Ayun! Saan na ba ako? Ah.. Sa may oras. ALAM NIYO KUNG ANONG ORAS NA HA?! Alas-sinko pa lang ng umaga. Ni hindi ko pa nga natapos ang complete cycle ng beauty sleep ko. AGGGH!"

"Kalma 'te. We come for peace. May peace comes to you." Nagpout si Chloe. "Gusto ko lang naman namin imbitahan na pumunta sa bahay ko."

"For what?" Tanong ko.

"For Fun!" Ngumiti ito sa akin at hinayaan kong pumasok sa utak ko ang sinabi niya. Then I finally agreed.

But last time I checked, when we had fun on Chloe's house, it turns out to be one worst days of my life.

*

"Umilag ka Rhian!" Sigaw ni Chloe. Halata namang nagkakampihan kanina pa ang dalawa.

"Subukan mo Rhian at lilipad sayo lahat ng killer heels ko sa bahay. Humanda ka lang." Banta ko kay Rhian na nasa harap ko at ginagawa kong shield. Nandoon kasi si Chloe sa harap niya at may hawak na ketchup at galit na galit ang mukha dahil siguro sa ginawa kong shampoo ng buhok niya ang itlog.

"Uhmmm..guys. Ayoko sanang madamay." Umiling ako sa sinabi niya pagkaharap niya sa akin. She gave me an apologetic smile before ducking. At Chloe started to attack. Binuhasan niya ako ng Ketchup sa damit, sa ulo at sa paa.

NICE!

"So you want war? Tss. I'll give you one." Nagalangan pa akong sumama kanina nung nakasakay na kami sa kotse ni Rhian. Ayoko talagang pumunta sa bahay na ito kasama ng dalawang ito na maluwag na ang turnilyo sa utak. Katulad ngayon. We are currently playing my 'dreaded' kitchen fight. Dahil dito sa kusinang ito una kong naranasan na masigawan ng pagalit at dahil lang naman yun sa malditang nanay ni Chloe. Fortunately, she is not present today for a business meeting.

Tumingin ako sa buong paligid ng kusina bago dumapo ang tingin ko sa isang suka. TAMA! SUKA! Hahahaha! Sa wakas at makakaganti na rin. Mukha na kaya akong Living Dead ngayon dahil sa punong-puno ako ng ketchup na parang dugo . Buti na lang maganda ako kaya imbes na zombie eh i-level up natin sa hollywood horror movie na Carrie. Oh taray! Maganda pa rin kasi siya kahit nabuhusan na ng pulang likido.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon