Pretend Haters 64- Suppression of Feelings

921 20 0
                                    

PRETEND HATERS 64

Janelle Jasmine Montenegro P.O.V.

Nasa kotse kaming dalawa at kakaawat ko lang sa kaniya sa pakikipagaway. Di ako makapaniwala sa sinabi ni Zion na mahal niya pa ako at niloko niya lang si Shaira. Nadala ako doon noong sila pa. Akala ko nga habang buhay na siyang mawawala sa buhay ko. Si Ethan? Ang habol lang niya ay si Shaira palagi at noong mawala nang tuluyan si Zion doon ko lang naisip na mas naging masaya ako sa kaniya. Nakita ko siyang nakikipagaway noong pinapunta niya ako sa tambayan niya noon. "Back again to your old hobby?" Tanong ko at bigla niya akong inakbayan. "Zion, don't make me a rebound. Imposibleng kalimutan mo lang ang babaeng yun. Hindi naman ako tanga." Tinaasan ko siya ng kilay tapos bigla siyang tumawa.

"Shaira again. Kaibigan lang turing ko doon. Simula nang pagtaksilan ko siya, hindi na ako yung Thunder na kaibigan niya. Gusto ko lang maglaro pagkatapos mo ako iwan. Ikaw pa rin ang una kong minahal Janelle at kahit may mga minahal na tayo ay siyempre hindi pa rin natin nakakalimutan kung ano ang mga pinagsamahan natin. Tingnan mo, dahil sa pagiwan mo, nakasakit pa ako. Naniwala naman siya sa mga salitang di totoo. Di niya ba alam na ako nga ang pinakamagaling umarte. Kaya nga miyembro ako ng Drama Club."

"Zion, are you for real? Panaginip lang ba ito?" Umiling ito at napangiti ako. He's finally back.

"Janelle, may kinalaman ka ba sa pagpapabagsak ng kompanya ng mga Lim? Gusto ko sana tumulong." Napakunot ang noo ko. This is so fast.

"Bakit mo naman nasabi yan? Of course not! Wala akong kinalaman." Sagot ko.

"Talaga?" Tumango ako. "Gusto ko sana alamin natin kung sino ang may mga pakana." Sabi niya.

"Sobra talaga ang galit mo kay Shaira. Di ako makapaniwala. Pero wag na natin siyang pakialaman. Let's start again as a couple. Di naman niya malalaman. Alam mo bang kuhang-kuha ko na ang loob niya? She is such a fool!" Tumingin si Zion sa mga mata ko saka niya ako niyakap. His chest bare and my breath trapped inside my lungs as I hugged him back.

"Thank you for loving me again, Zion." Huling sambit ko.

Sa ilang paguusap, bumaba na rin ako ng kotse dahil nakita ko sa labas yung mga nakaaway ni Zion.

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

"Ano na ang nakuha mo?" Tanong ni Kuya Shawn. "May kinalaman ba ang Janelle?"

I massaged my temples and sighed frustrated. "Hindi kuya, wala siyang kinalaman. But I doubt Zion a little bit." I bitterly added, staring at the computer in front with all the datas on the screen. Tiningan ko ang mga profile nila isa-isa at wala akong nakitang pangalan ni Janelle.

"Okay. Maybe he's really in love with that girl." So naging laruan niya lang ako? What an idiot are you Shaira!

"Kuya, gusto kong puntahan si Zion." Parang may apoy sa mga mata ni kuya at pinipigilan ko ulit ang nararamdaman ko. Nakikita ko kung paano na si kuya nasasaktan sa kalagayan ko.

"Desisyon mo yan. Oo nga pala, nalaman ko rin kung saan ang lugar na tinatambayan ni Zion para sa away. Pwede kitang samahan doon. Ako na ang maghahatid sa'yo. Sinundan ko kasi yun dati para makasiguro na di siya traidor. Hatid na kita ha." Alok niya. Tumango ako at habang naglalakad, may kabang gumugulo sa damdamin ko at sa muli, pinigilan ko ang mga iyak na gustong kumawala sa mga mata ko.

*

"Ito na yun. Mauuna na ako. Magingat ka." Sabi ni Kuya Shawn. Bumaba ako tapos pinaandar na niya ang kotse paalis. Naglakad-lakad ako sa maliit na bayan na ito. Finding for a certain man.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon