PRETEND HATERS 41
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
May kumatok sa pintuan ko at nagulat ako nang makita ko si Ethan. Gusto ko siyang kausapin tungkol kay Janelle. Ayoko naman na sinasaktan siya ng babaeng mahal niya sa kasalukuyan. Basta kahit move on na ako sa amin, itinuturing ko pa rin siyang kaibigan. Kaya lang natatakot ako na sirain pa kung anong meron sila. siguro hahayaan ko na lang na masolusyunan nila yung problema nila. Hindi ko kasi alam kung minahal ba talaga ni Janelle si Ethan. Pwede kasing oo pero pwede din namang hindi.
Nakaupo kami sa sala. "Shaira, nabalitaan kong may condo ka kaya naglakas loob na akong pumunta rito. Sobra na kitang nasaktan at nadamay ka pa sa problema ko. Sorry sa lahat ng mga nagawa ko."
"Ethan, it's nothing. Basta masaya ako. You could solve that. Kung mahal mo talaga siya, ipaglaban mo. Idaan niyo sa paguusap. Alam mo kahit may pagkabruha yang girlfriend mo, may tinatago pa rin yang kabaitan. Kung may masama man siyang ginawa, makokonsensiya rin yan."
"I hope so. Thanks for the time. Gusto ko kasi personal akong hihingi ng apology."
"Well, apology accepted."
"Salamat. At Shaira, gusto ko lang sabihin na noon.. minahal talaga kita."
Hindi ako nakagalaw. Nginitian ko lang siya tapos nagpaalam na si Ethan at umalis. Minahal niya pala talaga ako. Hindi ko alam kung ano ba talaga ang mararamdaman ko.
Nakita ko si Zion bigla sa may pintuan kaya bigla akong tumalon sa couch at nagtago sa likod nito. Naku! At bakit nga pala ako nagtatago? Ah! Galit yung mukha nito. Alam mo yung parang nilukot na papel. Ganun! May nagawa ba akong mali? Nakakatakot pala siya.
"Ate Gloria, saan po si Shaira?"
"Sa sala... Ay! Nawala? Bakit nawala? Nandito lang yun kasi kanina po sir may kausap siyang lalaki. Ang sabi pa nga narinig ko may mahal mahal sir. Hala sir! Ano yun?"
"Boyfriend niya po ako."
"Hala! Baka two timer si ma'am. Hanapin niyo sir. Baka naglalaro ng tagu-taguan."
What? Anong trip ni Ate Gloria?
Gumapang ako at sumilip nang kaunti. Wala na siya. Umalis na ata. Hayy! Pero paano kung galit siya? Pagkalingon ko... "Huli ka!"
"Aaahhhh!" Sigaw ko saka ako tumakbo. Hinabol naman niya ako at hinuli.
"Bakit nandito si Ethan? At anong sinabi niyang mahal mahal? Bakit may mahal na word? Ano, pinipilit ka rin niyang magkabalikan kayo? Mahal mo pa?"
"A--ano... mahal daw yung gasolina at bigas. Humingi siya ng food supply. B-bakit ba?" Palusot ko.
"Bakit ka nauutal?"
"Di ba ganun naman talaga yun kapag crush mo kaharap mo?" Tapos napangiti pa ako.
"Shaira naman. Seryoso ako. Wag ka na makipagkita sa lalaking yun. Di ba nga maangas yun?"
"Nagbago na si Ethan. Alam mo di mo pa nga nababawi doon na hindi talaga kita ex at hindi rin niya alam na tayo na. At yun lang yun. Humingi lang siya ng supply."
"Ako ba pinagloloko mo? Eh ang yaman yaman nun." I rolled my eyes. Oo nga naman. "Kung lumipat kaya ako sa condo? Dito lang na malapit sa'yo?"
"Seryoso ka? Wag na. Nakakasawa kaya tingnan ang mukha mo." Pangaasar ko.
"Nakakasawa?" His face is unreadable. Tapos bigla na lang niya akong kiniliti sa baywang. Oh no! Nagsisigaw-sigaw na ako sa kakatawa. Hanggang sa napahiga na ako sa sahig. Tinigilan niya na. Lumapit siya sa mukha ko. "Sa susunod na sabihin mo pa yun, hahalikan talaga kita." Napatakip ako ng lips ko tapos hinampas-hampas ko siya.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...