PRETEND HATERS 34
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Nakaupo ako sa isang lamesa at nakatingin kay Zion na tila naguguluhan. "Seryoso ka?" Tanong ko. Tumango ito at binigay sa akin ang kutsara. Bumili siya ng dalawang gallon ng ice cream at kami lang talaga ang kakain. Celebration daw.
Kumuha siya ng isang kutsara tapos kinain niya ito. Kumuha rin ako. Actually, I am just distracted. Nakasuot kasi siya ng fitted white shirt again.
Magpapractice na kasi kami ng drama piece. Hinihintay ko lang yung script na ibibigay ng lead directress. Oo directress na. Si Mrs. Chua ang kumontra dahil babae daw siya. Kinakabahan tuloy ako. Tungkol saan ba ang story na ginawa niya at nagawa niyang tanggalin sa role si Janelle at ipalit ako. Di daw kasi magaling mangaway o magshift ng mood si Janelle. Iniisip ko nga, magaling ba ako mangaway at bipolar para maging ako ang perfect sa role na yun?
Tiningnan ko si Zion. Bakit ganun? Ang lamig naman ng ice cream pero ang init pa din. Ano bang hot sa paligid?
"Treat ko yan sa iyo." Yun lang ang sinagot niya. "Eat." Utos niya. Naaalala ko naman ang pagiging bossy niya. Di naman ako mamatay kapag di ako kumain ng isang araw.
"Nanliligaw ka ba? Last time I checked, frienemies tayo. Himala't gusto mo na ako."
"Sinabi ko lang gusto kita, hindi ko sinabing nanliligaw na. Treat ko yan. Kumain ka na lang kaya. Baka sa pagtitig mo sa akin, di lang ice cream ang matunaw."
Kinunot ko ang noo ko. "Di ka pa rin talaga nagbabago. Arrogant!" Ngumiti lang siya at tumitig sa akin. Nangaasar ba talaga siya? "Yung ice cream tunawin mo, wag ako."
"May ice cream sa gilid ng bibig mo. Pupunasan ko lang." Lumapit siya at pinunasan ang ice cream sa gilid ng bibig ko.
"Alam ko na yung trick niyong mga lalaki. Style mo bulok! Mas bulok pa sa bangkay ni Shakespeare. Alam ko na yun. Sinasabi na nga ba, gusto mo lang mahawakan ang makinis kong face na may papaya soap na imported pa galing Korea."
"May papaya ba sa Korea?" Magsasalita sana ako pero pinigilan niya ako. "Oops! Tama na ang palusot." Agh! Nakakainis.
"Hoy Lion! Tinulungan kita kaya magpasalamat ka at wag magsalita para manglait." Kumuha ako ng ice cream na para akong PG.
"Babae, magkaiba ang nanglalait sa nagsasabi ng totoo. Puro ka salita kaya ka pumapayat lalo. Kung liligawan man kita, gusto ko naman yung healthy na girlfriend. Samantalang ikaw, parang gusto ko na ata magsupply ng vitamins para lang di ka maging malnourish." Aba! May banat. Sinasagot na ako. Pwes! May banat rin ako.
"Lion, sirena ka di ba? Bakit ka dinudugo? May sirena bang dinudugo? Aba! Red Tide na yun." Kinuha niya yung kutsara niya mula sa akin at isunubo ang ice cream sa bunganga ko.
"Wag ka ngang maingay, babae. Watch your words. I'm warning you."
"Tatay kita? Guro? Magulang? Makaarte ka para kang concern ha."
"Bakit? Totoo namang concern ako ha." Natahimik ako at nagpatuloy na lang sa pagkain. Then he smirked. A victorious smirk. Tapos tinuloy niya na ang pagkain.
Lumapit si Mrs. Chua na tuwang-tuwa. Bakit ba siya tuwang-tuwa palagi? Daig niya si Dora kung makatalon at makangiti. Nilaklak niya ba ang Joy na dishwashing liquid? Ay baka nageecstasy. "Ang sweet niyo talaga. Pinapanood ko kayo. Bagay na bagay sa role." Sine ba kami para panuorin? Ang cute ni Mrs. Chua para siyang si Jollibee. "Wait lang ha. Kukunin ko lang ang script niyo at ikekwento ko na rin ang story line." Umalis na siya na masaya pa rin.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...