Pretend Haters 30- Two Opposite Butterflies

1.4K 29 0
                                    

PRETEND HATERS 30

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Nakaupo ako sa damuhan habang nakatingin sa nakangisi na lalaki sa harap ko. "Ang daya mo naman! Nageexercise ata kamay mo. Baka may muscle pati yang daliri mo." Reklamo ko nang matalo ako ni Zion sa nilalaro namin na thumb wrestling. Di kasi namin alam kung saang lupalop hahanapin sina Tristan, Oliver, Rhian at Chloe. Ginawang Dora The Explorer ata itong lugar. Nadala lang kami sa nangyari dati noong nawala kami kaya di naghintay na lang kami sa pagdating nila. Kaya pamatay bagot lang ito.

"Di mo naman kayang manalo sa akin." Niyaya ko siya maglaro nito para mapatunayang di ako mahina. Pero wala! Ni isa wala pa akong round na napapanalo. Kainis naman.

"Palibhasa lalaki ka kasi."

"Bakit pati ba daliri ko, lalaki?"

"Tingnan mo ang pilosopo mo. At bakit din? Hindi ba lalaki ang mayari?"

"Bakit gusto mong tayo na lang ang magwrestling?" Natakot ako bigla. Ano ba itong pinapasok ko? "Ito naman. Joke lang. Masyado kang matatakutin. Babae ka nga. Vulnerable."

"Pansin kong puro ka joke, Lahat naman sayo joke kahit hindi nakakatawa." Madramang pahayag ko tapos may napadapo sa aking paru-paro. "Ang ganda naman." Bigla itong lumipad sa akin kaya napatayo ako mula sa kinauupuan ko at hinabol ito. Ang bilis naman. Katangi-tanging hayop dito. Ay! Dalawa pala sila. Si Zion pa pala.

Tumakbo ako nang bilis habang nakapokus na huliin o padapuin man lang sa kamay ko ang paru-paro. Kanina pa kami naghihintay rito. Tanghaling tapat na ata. Ganyan talaga kapag low battery ang phone.

Hinabol ko pa at napansin kong sumunod si Zion. "Teka Shaira! Magingat ka. Delikado at mabato diyan."

"Di naman. Saglit lang ito." Binilisan ko pa yung takbo ko dahil alam kong talagang hahabulin niya ako. Tawa nga siya ng tawa. Dahil mas mahina ang resistensiya ko kumpara, napapatigil pa ako. Pero sa susunod ko pang takbo, nadapa na ako. "Ay anak ng tupa!" Nahalikan ko yung damo. "May gusto ba sa akin yung nature at ang hilig akong halikan? Buti pa ang nature mahal ako."

Lumuhod si Zion at hinawakan ako sa dalawang balikat. "Ayos ka lang?"

"Subukan mo kayang halikan yung damo? Pero oo. Ayos lang ako. Medyo masakit lang panga at yung tuhod ko."

"Patingin nga." Tiningnan niya ang tuhod ko na para bang isa akong bata. Sana ganiyan nagalala ang magulang ko noong bata pa ako. "May sugat ka. Kailangan nating gamutin yan. Tama na kasi. Ganito lang naman kasi yun. Kapag nagustuhan mo ang isang paru-paro, wag mo nang habulin."

"Bakit naman?" Tanong ko. Ano namang masama sa paghabol ng magandang paru-paro na yun?

"Dahil dalawa lang ang pwedeng mangyari sayo, yun ay susuko ka na dahil di mo na kaya at tanggap mong malayo na o hahabulin mo hanggang mahulog ka at masaktan nang sobra."

"Ang lalim ng hugot mo."

"I'm just stating the truth. Tss! Ang swerte naman ng nature."

"At bakit? Dahil ba..."

Huminga ako nang malalim. "Oo, tama ka ng iniisip."

"Edi dahil talaga sa.."

"Oo. Dahil nahulog ka sa kaniya... Joke!" Wew! Akala ko dahil nahulog ako sa nature. Hay naku! Wag feeler Shaira, Dalawa lang din yan dapat sa bokabularyo mo. Yung Peeler na pambalat ng patatas ni Princess Sarah at filler na sinusulatan. "Wag mo na habulin ang ayaw magpahabol."

"Alam mo Zion, nega boy ka talaga."

"Negra? Maitim ba ako? Sa gwapo ko talagang ito, hindi talaga negro? Negra talaga?" Napakamot ako ng ulo. Ay naku! Napangiti naman siya. Ipapadate ko ito kay Cindy para matuto. "Bakit?"

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon