Pretend Haters 66- The Charlatan Sister

1.6K 24 0
                                    

PRETEND HATERS 66

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

"Ate Shaira, ano namang lugar ito?" Tanong ng pinsan ko habang tinitingnan ang malawak na paligid. I barely smiled lately. I closed my eyes and tried to reminisced our moments in this special place. Basta pinasunod ko na lang siya papunta sa isang malaking puno.

Tiningnan ko ang bitbit kong box at nasabi ko sa sarili ko na minsan kailangan may tanggalin tayong mga bagay na konektado sa nakaraan para makalimutan natin ang bahaging yun at umurong nang hindi nasasaktan. "Dala mo na ba ang pala?" Tanong ko kay Cindy at iniabot naman niya yun sa akin. Nilagay ko muna ang box sa damo at naghukay ng lupa sa tapat ng puno.

"Sementeryo ba ito ng mga bagay? Walang katao-tao tapos sobrang tahimik. Creepy!" Napailing na lang ako sa asal nito. "So yan yung kwinekwento mo sa akin na memory box simula noong bata kayo ni Zion at dahil wala na siya gusto mo na ilibing yung mga bagay na kokonekta sa puso niyo." Tumango ako at inilagay ko ang box sa malalim na lupa saka ulit tinabunan iyon.

Tumayo ako at ipinagpag ang lupa sa mga kamay ko. "I guess this it. Good bye Zion. Nabigyan na rin ng wakas ang malungkot kong diary at kasinglanta na ng mga bulaklak na nariyan yung love story natin. Grabe, ang sakit pala pero di naman ako pwede magmukmok dahil marami pang problema ang dapat harapin. It was a good memory, but it deserves to be forgotten." Ang moist na naman ng mga mata ko. Sumasakit na nga ang tear duct ko kakaiyak at konti na lang magmumukha na akong may sore eyes.

Niyakap ako ni Cindy. "Trust me. Kung may isang tao na karapat-dapat na maging masaya, ikaw yun."

"I hope so, Cindy." Nagvibrate ang phone ko sa pocket. An unknown caller. Sinagot ko yun at isang halakhak ng babae ang narinig ko sa kabilang linya. Naku! Mukhang pasyente ng mental na na-wrong dial. "Oh Shaira, sino ba namang di matatawa sa sitwasyon mo? I have third eye."

"Hello? Sino ka ba at anong pakialam ko kung nakakakita ka ng multo?" Tumawa na naman ito ng nakakakilabot.

"Hindi. Ang ibig kong sabihin may nagsasabi sa akin ng mga nakakalungkot na balita tungkol sa'yo. Guess who? Well, it is Zion, my love." Halos mabitiwan ko ang hawak sa phone ko. Is he really gonna do this to me? Pinahamak niya na ako noong mga bata pa kami, kaya ipapahamak niya pa rin ba ulit ako? Gusto ko masuka ng tawagin niyang "love" si Zion.

"Janelle, kung ganoon, ikaw yung may kagagawan ng lahat. Ano na naman ito, walang katapusang kidnapan o baka mamaya gusto mo lang patayin ako." Sa kapapanood ko ng violence movies, marami akong nalaman pero ngayon di ko naman alam kung paano kumilos at paano iligtas ang sarili ko.

"Madali lang Shaira. Papalabasin kong papatayin kita at malalaman lahat ng mga kilala mo. Tingnan natin kung sino ang matapang sa kanila para iligtas ka. Pero hindi mawawala ang tatay mo. I will force him to sign the contract that would transfer his biggest share under my name. Ako na ang magiging may-ari at mararanasan niyo kung paano mawalan ng isang pagkakakitaan. I-tetext ko sa iyo kung saan tayo magkikita at wag ka na magsumbong pa kasi kung ayaw mo, magpaalam ka na sa dad mo." Sasagot sana ako pero binaba niya kaagad. Bwisit!

"Cindy, tara na. Ihahatid muna kita kasi may pupuntahan pa ako. Alam ko na ngayon kung sino ang may pakana ng mga pananakot. Ang mga Montenegro." Sumakay kaagad kami sa kotse ko. Isang text message ang natanggap ko kasabay ng pagtunog nang kay Cindy. "Mangako ka na kahit anong mangyari, di ka pupunta." Alanganing tumingin sa akin si Cindy at tumango.

"Mag-iingat ka." Paalala niya saka ko pinaharurot ang sasakyan.

Ito na ang tamang panahon para harapin ka Janelle.

*

Napatingin ako sa buong paligid. My heart is doing its crescendo of jackhammering rhythm. Namamawis na ang mga kamay ko habang naglalakad papalapit.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon