Pretend Haters 62- All that Fall Gets Broken

909 21 0
                                    

PRETEND HATERS 62

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

These are one of the moments I felt sorry for myself.

Kung pagsusumahin natin lahat, di na mabilang sa daliri kung ilan ang mga iyon.

Akala ko wala nang sumusunod sa akin pero tila yata bawat yapak ko ay yapak din sa likuran ko. Don't tell me it's Zion again. I can't face him right now. Kailangan ko muna puntahan si dad. Pagalit akong humarap kay Zion pero mukhang hindi pala siya iyon kundi si Ethan. "Sinusundan mo ba ako?"

"Kanina lang pagkatapos nating magkita. Pasensiya na. Alam ko yung nangyari pero bakit ganoon ka na lang umasta kanina? What's the matter with you? You can always tell me Shaira. We're friends." Pakiusap niya at hinawakan niya ang balikat ko. "Come on."

"I can't deal with this. Marami na akong problema at hindi ko na kailangan banggitin o ulit-ulitin pa iyon kasi mas lalo lang bumabalik yung sakit. Ethan, kailangan ko munang puntahan si dad. Kailangan niya ako ngayon doon." Sagot ko sa kaniya at umiling-iling.

"Okay. But, I'll drive you there. Let's go." Dahil di ko rin naman nadala ang kotse ko dahil sumabay ako sa mga kaibigan ko, pumayag na ako.

Silence filled the air in the car. Gusto kong umiyak at ilabas ito at magmukhang mahina pero kailangan ko pa ring maging matatag para sa pamilya ko. Tumigil kami sa harap ng hospital. Pinagbuksan ako ni Ethan saka ako lumabas. "Tito is gonna be okay." He assured me.

"Hindi ka naman yung doktor eh. Thanks for the drive anyway. I really appreciate it." Naglakad ako pero patuloy pa rin si Ethan pagsunod sa akin at hinayaan ko na lang siya.

Pumunta ako sa front desk. "Room for Lim, please. Kanina lang siya nasugod dito dahil sa heart attack. I'm his daughter." Sabi ko sa isang babaeng medyo may katandaan na.

"Wait for a minute ma'am." May chineck siya sa kompyuter na kaharap niya pagkatapos ay tumingin sa akin. "Room 603 po."

"Salamat." Tumakbo ako papunta sa room na yun. Dad, please be okay. Hindi ulit ako pwedeng mawalan. I love him so much. Kahit na may di kami pagkakaunawaan, tatay ko pa rin siya kahit baliktarin man yung mundo.

Sa elevator, sumakay ako. May sumakay ding tatlong kabataan at isang matandang lalaki na nakasakay sa isang wheel chair kasama ang nagtutulak rito. Pinindot ko ang numerong anim at ilang segundo lang napatikhim ang katabi kong babae. Tahimik ang paligid, walang umiimik. Medyo siksikan... malapit na ang destinasyon ko nang biglang may nalanghap akong di kanais-nais at makarinig ng isang nakakasuklam na tunog na parang musika kung sa halaman at kung sa tao ay amoy bangkay.

Nagkatinginan ang lahat. Nagtakipan ng ilong. Ngunit ang babaeng katabi ko ay biglang nagpeace sign. May bumaba at bumababa sa ilang palapag at nang tumutok na sa anim ay bumaba na kami ni Ethan. Napatingin ako sa kaniya at napatingin din siya sa akin, sabay kaming tumawa dahil sa nangyari.

"Pigil na pigil na si ate pero siyempre di na kinaya." Napailing na lang ako at muling napangiti. Namimiss ko na rin yung mga katuwaan naming dalawa. Napatakbo ako sa room niya habang sinusundan ng mga mata ko ang mga numero sa bawat pinto.

603.

"Hihintayin na lang kita dito." Sabi ni Ethan at naupo sa nakahilerang puting upuan.

"Sigurado ka? Di naman kailangan." Tumango siya. Pumasok na lang ako sa loob at nakita ang mommy kong nakahiga sa sofa at si daddy na nakatigin sa pader. Nang maramdaman niya ang presensiya ko saka siya napatingin at napangiti. Ang oxygen line na nakakabit sa ilong niya at may dextrose pa ito. "Anak..."

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon