Pretend Haters 8- My Crazy Cousin and My Hot Hater

3K 49 4
                                    


Happy Reading guys!

*

PRETEND HATERS 8

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Palihim akong kumuha ng earphones at isinalpak iyon sa tenga ko. "Bakit? Bakit si Shaira pa? Bakit di na lang ako ang mahalin mo babe. Zion sabi mo ako lang eh. Sabi mo sa panaginip ko ako lang." Kung may bato lang ako, binato ko na ito ng sandamakmak. Yung tipong magkakabukol siya ng 100 feet. Yung parang sa bundok. Ang lakas ng tama eh. Grabe din. Babe agad? Ang da-drama.

"Huhuhu! Chloe. Totoo pala na ang mga panaginip ay kabaliktaran ng mga nangyayari. Huhuhu. Ang saklap." Tapos talagang may tumulo pang luha sa mga mata ni Rhian. Si Chloe naman naglagay ng eye-mo at saka kunwari umiyak. See! Mga baliw lang talaga.

Sige lang. Magdrama lang sila at ako makikinig lang ako ng kung anu-anong kanta. Teka! Bakit kanta ni Barney ang nagpa-play dito? Ow! Kay Cheska nga pala phone ito. Ang baduy naman nung babaeng yun. Obsess masyado kay Barney. Pakasal ko silang dalawa.

Tinuloy pa ni Chloe ang pageemote niya.

"Bakit Zion, ano bang meron kay Shaira na wala ako?"

"Yung ganda." Painosente kong sagot.

"Yung ganda? Maganda naman ako ha." Angal niya.

"Pero hindi kasingganda ko." Sagot ko ulit.

"Zion, kahit nakalagay lang ako sa veins ng puso mo. Okay lang. Kahit di na ako ang dahilan sa pagtibok niyan basta kahit man lang konti nandiyan ako sa puso mo. Please. Bakit ba pagkatapos kitang mahalin ipagpapalit mo lang ako sa iba? Wala kang utang na loob at labas.

May kinuhang knife si Chloe. "Rhian, laslas ka na friend. Now na! Ako na nagprovide."

"Chloe naman eh. Ikaw emote ka din. Nawala na yung asawa natin."

"Bakit ba uso ang kabit?"

"Malay ko. Ako ba ang nagpauso?" Tanong sa kanya ni Rhian. Hay naku!

"Eto na. Bakit Shaira ikaw pa? Bakit sa lahat ng tao Zion na minahal mo kaibigan ko pa? Ginawa ko lahat. Naistalk na kita sa FB, IG at Tweeter. Pati nga sa lahat ng mga pinupuntahan mo."

"Pati sa banyo?"

"Loko ka Rhian. Anong tingin mo sa akin? So anyway, tutuloy ko na. Pagkatapos kitang bigyan ng ferrero at toblerone na white, black, blue, yellow, green at lahat na ng color. Pinagpalit mo lang ako sa babaeng ito na walang alam kundi kabrutalan? Etong babaeng ito na gusto kang patayin?"

"Hoy Rhian at Chloe! Alam niyo yung fake? Fake nga di ba? Meaning di talaga kami. Ang pangit niya para mahalin ng magandang nilalang katulad ko." Sabat ko. Mamaya at tumalon pa ito sa building.

"Sinong pangit? Ang gwapo niya at ten years ko na siyang pinagnanasahan." Napanganga ako sa sinasabi nila. Kaibigan ko ba talaga sila? Yung totoo! "Pero nginitian ka niya kanina. Alam mo ba kung anong ibig sabihin nun?" Tanong ni Rhian.

"Gusto ka niya!" Sabay pa nilang sagot. Ako? Magugutuhan nun? Parang dati lang sabi niya hinding-hindi raw niya ako magugustuhan kahit kailan. Sus! Himala na lang yun.

Umiling ako. "That guy likes me? No! I don't think so. At kung gusto niya ako, hanggang tingin lang siya walang hawak at walang commitment. Bahala siya tumingala sa kagandahan ko hanggang maputol yung ulo niya at lumuwa yung mata niya sa katititig."

"Let's play a dare?" Alok ni Chloe.

"Anong klaseng dare?"

"Di ba may balak ka rin namang gantihan ang dalawang lalaking yun na kabilang sa hate list mo?" Tumango ako. "Eto na yung pagkakataon mo."

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon