PRETEND HATERS 47
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
It became clear as day on what I am about to do. I kept thinking about him. The way his eyes becomes little on illusion when he laughed 'cause I talked something funny, the way he touched the small of my back when he leads me to somewhere and make me feel safe and sound because he's with me, the way he acts so boyish in front me that I would always rolled my eyes at him, the way he run his hands through his hair when he's frustrated or something and the way his eyes smiled when he looked at me like I am someone who could be the one he would spent his entire life with. (The latter was the biggest lie he ever thought, if he really ever think that)
It would all be gone in an hour or so, and I will missed exactly all of everything he is. Again, pain spreads through my entire body I almost felt weak. Kasi hindi ko pa nagagawa ngayon. Pwede akong umatras pero hindi ko alam kung tama ba iyon gawin sa sitwasyon namin ngayon. Tumitingin ako sa pader at umaasa na baka may makita akong magandang solusyon para hindi na kami masaktan parehas. Pero wala. Blanko sila katulad ng mga mata ko. Hindi rin ito mirror sa Snow White Story na nagsasabi ng totoo. Walang magic at ito yung masakit na katotohanan.
Walang lilitaw na fairy godmother na lilipad na parang langaw na hindi mo inaasahang susulpot at nakausot pa ng backless shining dress at magsasabing tutulong siya. Hindi ako prinsesa, isa lang emotera na pinaglaruan ng tadhana. Kung alam ko lang ang address ng tadhana, wala na sana siya sa mga disksyunaryo ngayon.
Walang tutulong sa akin maliban sa sarili ko. Kung meron man, ano o sino? Paano?
Siguro ngayon sinasanay ko ang sarili ko na mawalan ng emosyon at hindi makaramdam ng kahit na ano. Gusto ko na ngang kumanta ng 'Poker Face' ni Lady Gaga. Pero mukha lang ako gaga doon kaya pinalipas ko na lang ang oras at sinunod ang sinabi ni Sapphire na pagisipan ko. At mas tumatagal, mas lalo ko lang iniisip na tama siya. Kahit ituloy ko pa ito, masasaktan ko lang siya hanggang huli. At di ko kaya yun.
The effect he has on me that I called Zion Effect would all disappear on my one big blow. He doesn't deserve this! So I pull off a big act later to save him from this disaster.
Siguro kung nandito si Spongebob kahit 100 years old na siya tatawa siya ng tatawa sa akin ngayon.
O kaya kahit ipatawag ko pa si Handy Manny at ang mga tools niya ngayon, hindi siya tutulong kasi hindi ako gamit at isa pa hindi na din maayos ang buhay ko kasama ang mahal ko.
O kaya naman si Dora, kapag nagpatulong ako sa kaniya kung saan yung daan para makalabas sa problemang ito, magbibilang na lang siya habang buhay o kaya magtatanong sa mga batang hindi niya alam kung sasagot ba o hindi at magsasabing mas mauna pa niyang papakasalan yung unggoy niyang kaibigan na napakastalker dahil sa kasusunod sa kaniya at malibot ang buong planeta kaysa daw makaisip si map ng daan para makalabas ako sa sitwasyon na ito.
O kaya naman si Barbie na hahampasin ako gamit yung buhok niyang rebonded at peke at magsasabing ang plastic niya na nga daw pero may nagmamahal pa sa kaniya tapos may happy ending pa sila samantalang ako wala.
Si Sophie The First naman babansagan na akong Shaira The First Dumb.
Ang mga Avengers naman lalapitan ako at sasabihin na buti pa sila kayang ipaglaban yung sarili at ang mundo pero ako hindi.
Tapos si Candace Flinn ako na ang isusumbong sa mommy niya at hindi na si Phineas at Ferb dahil gumagawa ako ng mga bagay na alam kong pagsisisihan ko at bagay kung saan masasaktan ako.
Tapos si Oggy sasabihin na buti pa sa kaniya may naghahabol kahit tatlong ipis.
Si Cinderella baka ipatawag na yung ibon niya at iutos sa mga yun na tukain ako hangga't hindi ko na makita itong bangungot na sitwasyon ko.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...