PRETEND HATERS 61
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
I feel the relished of cold water that is running down by bare skin until it reaches the hard nails of my toe. It makes me feel alive because a while ago I thought that I couldn't feel anymore. Luckily, I do feel, there's a question running in my mind right now that flows like water in me. Is love really worth fighting for?
Lumabas na ako ng banyo dahil baka di na ako makalabas. Ayokong lumabas kasi alam kong kapag lumabas ako dito, haharapin ko na ang totoong mundo. Pakiramdam ko kahit matagal nang tuyo ang luha ko, patuloy pa ring babakat iyon sa mukha ko hangga't hindi payapa ang buhay ko.
Parang may bilang na ang mga oras ko ngayon. Pero ayokong malapit na yung kinakatakutan kong oras. That thought depresses me.
Pagkatapos magbihis, bumaba na ako at katulad ng inaasahan, nandito ang mga kaibigan ko at pinsan na daig pa ang punk rock na musika sa lakas ng boses nila. Sobra silang masaya na parang di ko alam kung lulugar ba ako.
Ni hindi ko maintindihan ang kwento ni Rhian tungkol sa boyfriend niya. Siguro hindi lang ako nakikinig, inalam ko lang ang topic na tungkol ito kay Oliver. Malungkot ako na kasi parang nahuhuli na ako tungkol sa pagalam kung kamusta na ba ang ang mga kaibigan ko o kung ano na ba ang nangyayari sa kanila. I was just focused on everything that is happening with my life. I felt guilty though.
Sila ang gumagawa ng paraan. Nang mamatay si Cheska, nadalaw na sila halos araw-araw na daig pa kung kailan--- Natigilan ako nang may matanggap akong malakas na hampas galing kay Rhian dahilan para titigan ko siya ng masama. "Wag kang senti, emotera o loner na para bang matatapos na ang mundo. Bakit ba nagmamala-stone fish ka diyan? Utang na loob! Wala ka pa ring gana sa lagay na yan. Hindi habang buhay dapat ganiyan ka, mababaliw siguro ako kapag nangyari yun. Dati ikaw yung pinakacheery ngayon naman kulang na lang bumagsak mukha mo sa sahig. Naiintindihan ka naman namin." Litanya niya at tumango naman sina Cindy at Chloe bilang pagsang-ayon.
"Alam ko. Wala lang ako ngayon sa mood." Sagot ko sa kanya.
"Aba! Aba! Aba! Araw-araw? Ni hindi mo na nga sinasagot ang tawag o text ng hot daddy mo."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Hot daddy? 'Di ko siya iniisip na parang tatay at hindi rin siya parang tatay ko. That would be creepy." Wika ko kahit alam ko namang parang tatay ko nga umasta si Zion paminsan-minsan.
"Anong hindi? Kami kaya ang pinepeste niya. Ang sagot ko nga napipe ka na." Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Alam kong nagaalala lang siya pero hindi ko na alam ang iisipin kung may pagasa pa na gumana yung relasyon namin.
"Gusto ko na kumalas guys," Sabi ko sa kanila pero parang mas sinasabi ko yun sa sarili ko. Umiling-iling sila. "Kapag nagsama kami, madadamay kayo sa mga naghahabol sa amin. Mga taong walang puso gaya ng mga pumatay kay Cheska." One is enough, two is too much and three is poison. Gusto ko ilayo yung tatlong ito na sobrang mahalaga sa akin. Mas gusto ko pang ako na lang ang mawala kaysa sa kanila.
Sumuntok-suntok sa ere si Cindy. "Para saan pa ate ang koneksiyon ko? Barumbado halos lahat ng mga kapit-bahay ko noon. Kayang-kaya namin magpatulong sa kanila kung paano lumaban." Sabi niya. I appreciated it. Pero hindi nito mababago ang katotohanan na mas mahina pa sila kaysa sa mga taong nagtatago sa likod ng dilim.
"Dapat malungkot ako kasi kapag nagpatuloy akong ganito, alam kong walang mabigat na mangyayari. Sa tuwing ngumigiti kasi ako o may magandang nangyayari, doon sumusulpot ang problema." Dagdag ko.
Lumapit sa akin si Chloe at niyakap ako. "Ang negative mo at madrama. See the sun smiling and the trees swaying. Positive vibes! Cheer up, friend." Di ko maiwasang mapaikot ang mata ko. Mas malala pa siya sa dating Cindy. "Pero may alam talaga ako na makakapagpasaya sa'yo"
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...