Pretend Haters 3- Girls Hangout

4.4K 65 1
                                    

PRETEND HATERS 3

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Nakipagkita ako sa mayayaman kong kapitbahay friends. Siyempre naman di ba kung hindi niyo lang talaga alam hindi ako nakatulog magdamag dahil sa kakaisip kung paano ko bibitayin sa china yung lalaking yun?

Hayyyyy! Kating-kati na ako sakalin siya hanggang mawalan ng hininga. Mukhang hindi lang isa ang kinaiinisan ko may plus one pa talaga.

Akala ko talaga mabait at pwede na. Pero hindi eh! Ang sakit niya sa brain. Super! Parang isa-isang natatanggal ang neurons ko doon.

Pumunta ako sa bahay ni Rhian. At doon ko natagpuan ang isa ko pang kaibigan na si Chloe.

"Uy girl, bakit nakabusangot ang pagmumukha mo?" Tanong ni Rhian na ikinainis ko. Hindi ako pwede pumanget. Magpapaganda ako para naman sa lalaking yun. Iinggitin ko siya na bwinisit niya ang diyosang katulad ko,

"Mukha kang Zombie, Shaira. An'yare?" Isa pa itong si Chloe. Badtrip na kasi ako di ba? Di ba?

"Di niyo lang alam na may na-meet akong gwap--- panget pala at bwinisit ako. Ayun! Di ako nakatulog for how many hours kakaisip na sana magkita kami para mabawian ko na siya agad ng buhay." Sagot ko.

"Kalma. Isipin mo na lang yung barkada trip natin. Magpaganda na lang tayo ulit kasi malapit na magpasukan. Kaloka. Excited lang naman ako doon at makikita ko na ang crush ko. Malas mo girl kasi hindi tayo schoolmates." Sabi ni Rhian in maarte voice. Mukhang daga magsalita.

"Oo nga Shaira. Ang daming hot boys doon. Isa na nga yung kuya mo doon. Pero haler? Kapatid kita kaya kuya lang din ang tingin ko sa kanya. Basta sorry ka kasi hindi ka sa school namin nagaaral." Dagdag ni Chloe.

"Diyan kayo nagkakamali." With matching smirk pa yun.

"Huh? What do you mean ba?" Tanong ni Rhian.

"Sa Addison Academy na rin ako magaaral."

"Huuuwwhhhaatttt?!!! How?" Sabay na tanong ng dalawang eng-eng.

"Oh, bakit parang ayaw niyo ako makasama? Arte niyo. Nilipat kasi ako doon ni kuya dahil doon daw nandoon ang mga pinsan kong baliw at kayo na mga mukhang ewan pero mukhang tao naman. Kayo daw muna ang protector ko. Pero ang totoo niyan, hindi ko naman masyadong kailangan. Para saan pa't nagaral ako ng karate, jujitsu at taekwondo nitong summer kung weak pa din ako?"

"Wala lang. Nagulat lang kaming dalawa ni Chloe. Di ba yung kuya mo kakaalis lang papuntang Amerika kahapon? Tapos sabi mo hindi mo pa kilala yung kaaway niya? Ako nga rin di ko talaga matanto. Ang nakita ko lang yung likod nung guy habang nagsusuntukan sila ni Kuya Shawn. Pero hindi ko rin alam kung sino. Basta masaya naman kaming doon ka na rin magaaral."

"Mukhang di naman? Bakit dahil ba sa sobrang ganda ko feel niyo maiinlove sa akin yung mga crush niyo? Psh. Stop being inggitera." Saway ko sa kanila na akala mo masaya pero deep inside ayaw talaga nila ako magaral doon.

"Ano ka ba? Hindi naman sa ganun basta wag mo lang aagawin si Kenzo ko ha." Sabi ng lokarit na may pangalang Chloe.

"Fine." Maikling sagot ko. "Gusto niyo magshopping?" Biglang suhestiyon ko. Dapat kasi bago yung masusuot ko kapag dating ko sa bagong school ko.

Siyempre pumayag sila. Dapat lang! Ako tatanggihan? No way!

*

"Bagay ba sa akin itong tiger print na heels na ito?" Tanong ni Rhian habang hawak hawak ang dalawang heels sa kamay niya.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon