Pretend Haters 36- Life that Never Fails to Astonish

1.2K 31 0
                                    

PRETEND HATERS 36

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Alas-tres na ng hapon. Nasa bahay na kaming lahat nang may marinig akong nagdoorbell sa labas. Dahil nagkokompyuter pa si Cheska at naglalaro, tinigil ko na lang ang pagbabasa ng magasin at nilagay na lang yun sa rack. Ako na lang mismo ang lalabas. Ano kaya yun? May bisita ba kami ngayon? Tumambad sa aking harapan ang isang delivery boy sa geyt na may pinapipirmahan. Tiningnan niya ang nakasulat roon. "Ah, kayo po si Shaira." Binigyan niya naman ako ng maliit na bagay pero binalik ko agad sa kaniya ito at tumawa.

"Ay kuya! Maling bahay po ang napuntahan niyo. Wala po akong delivery ngayon pati na rin ang pamilya rito. Lalo na box na parang walang laman."

"Tama po yan ma'am. Yan nga po yung nakasulat na address. Residency po ng Velasquez. Pero yung laman po ng box hindi ko po alam kung ano." Paliwanag ni kuya at pinilit na ibinigay ang maliit na bagay.

"May laman po ba ito? Baka mamaya prank lang ito kuya. Nasaan ang camera? Asus!" Hinahanap-hanap ko tapos ngumiti ako. Baka naman madiscover ang kagandahan ko. "Ang liit naman po kasi nito."

"Para kanino po ba sa Velasquez?" Tanong ko.

"Kay Shaira Lim daw po. Kayo po yun, di ba? Ayan po. Nakasulat." Turo niya si pinirmahan ko. Sinulat ko na rin kasi ang pangalan ko.

"Saan ba galing ito?" Tanong ko habang nakatingin sa maliit na bagay na ibinigay niya.

"Sa Amerika po. Walang pangalan na ibinigay." Kay Kuya Shawn kaya ito galing? Sumakay na si kuya sa motor niya. "Mauuna na po ako, ma'am. Kung nagkamali po talaga, tumawag na lang po kayo sa opisina." Tapos pinaharurot niya na ang motor.

Tinanggal ko sa delivery plastic ang kahon. Tapos inalog-alog ko. Parang wala naman. Sumayaw pa ako ng Shake it baby. "Shake it! Shake it! Shake it, baby!" Ayun! May kaunting tunog. Ano kaya ito? Baka bomba. Baka kumalat ang internal organs ko ha. Napanood ko na itong mga ito. Yung katulong nakatanggap ng delivery tapos yung laman kung hindi bomba ay katawan ng taong marahas na pinatay. Gusto ko pang maunod kaya lang bawal ang masyadong maingay kapag nandiyan ang tito at tita ko. Akalain mong pati sa bahay gumagawa sila ng trabahong pangopisina.

Binuksan ko iyon nang dahan-dahan. Eh? Nakakita ako ng isang susi. Kinuha ko ito at tiningnan maiigi. Walang nakasulat kung para saan siya. "Ano ba ito, duplicate sa bahay nila Cheska? Nakakatawa naman. Matry nga." Nilock ko yung bahay tapos gamit yung susi sinubukan kong buksan. Pero pagkalagay ko doon, ayaw! Ayaw magbukas! "Bakit ayaw?!" Sinubukan ko ulit pero ayaw talaga. Sira? Sabi na nga bang prank yun. Stalker ko ata yun at gusto lang ako makita. Kagandahan problems.

Aist! Nagdoorbell ako nang ilang beses. Pinagbuksan naman ako ni Cheska na parang inis pa ata. "Istorbo ka naman. Kung makadoorbell ka naman kasi para kang adik. May tenga naman po ako." Pinapasok niya ako. "Bakit mo ba kasi nilock yung sarili mo? Shai, baka nababaliw ka na. May kotse ako. Hahatid kitang mental hospital."

"Hindi. Nakatanggap kasi ako ng delivery." Sagot ko sa kanya saka pinakita ang hawak kong susi.

"Delivery? Kanino galing?"

"No name stated. Pero galing daw Amerika at para daw sa akin. Ang laman niya ay susi. Di ko nga alam kung saan ito gagamitin."

"Tawagan mo kaya si Kuya Shawn. Panigurado siya ang nagbigay niyan." Di kaya may bago akong kotse?

"Oo. Yun nga. Kung hindi ito duplicate ng bahay niyo, Ano kaya ito?"

Pagkatingin ko sa phone ko, wala na palang load. Ano ba naman? Poorness Alert! Nagwifi na lang ako at ginamit ang viber. Sana sumagot siya kaagad.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon