PRETEND HATERS 2
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
"Aalis na ako Shaira ha. Umayos ka dito at bawasan mo ang kasupladahan mo at pagiging GGSS na gandang-ganda ka sa sarili mo. Di naman kasi kailangan i-broadcast ang kagandahan sadyang napapansin lang yan." Litanya ni kuya habang tinatanggal ang damit niyang nakahanger sa kabinet.
Nasa kwarto ako ni Kuya Shawn kasi tinutulungan ko siyang magligpit ng gamit. Ako kasi ang tagatupi kaya nandito ako sa may sahig na carpeted. "Kuya, ngayon ka na ba talaga aalis?"
"Hindi. Next year pa. Kaya nga ngayon di ba?" Ayan! Pilosopo si kuya. Kaya ang sarap magtaray dito. "Shaira, naayos ko na ang transfer files mo. Nagpabili na rin ako lahat ng kailangan mo pati school uniform mo. Siguro naman di ka tumaba."
"Of course naman kuya. Araw-araw kaya ako nageehersisyo. Kuya Shawn, yung passport mo pala baka makalimutan mo. Mahirap na at baka bumalik ka pa ulit dito edi wala na akong allowance increase at freedom. At oo nga pala, kailan ka pala babalik? Para kung sakaling magloko ako edi hindi mo ako mahuhuli."
"Kapag patay na yung lalaking yun." Inikot ko tuloy yung mata ko. As if! Ang alam ko ang masasamang damo matagal mamatay.
"Kuya, gusto ko talagang makilala yang kaaway mo. Ang lakas ng effect eh. Okay, so nabigyan ka na ba niya ng Love Goodbye Letter? O kaya kahit Ingat ka Kaaway Letter man lang?"
"Yun nga ang hinihintay ko. Nagpost kasi sa FB si Coby na aalis na ako. Inutusan ko yung mokong na yun para mabalitaan ng lalaking yun ang pinakahinihintay niyang araw na mawala ako sa parehong bansang tinatapakan niya at parehong hangin na may halong polusyon na hinihingahan niya."
"Kuya, ganyan na ba kalala? Kuwentuhan mo pa ako dali. Paano ba kayo nagkakilala?"
"Baby ka pa lang nun. Nung una, ayaw ko talaga magkaroon ng kapatid kasi hindi na ako yung baby nila mommy at daddy kaya lagi kong sinasabi na wala akong kapatid. Speaking, buti nga at di niya nalaman hanggang ngayon na may kapatid pala akong nageexist sa mundo. Ayun nga! Nung pumasok na ako ng nursery hanggang Grade 4 bestfriend kami nung mokong na yun. Kahit hindi kami magkaklase palagi kaming nagkikita sa kung saan mang lugar. Pero dahil sa isang pangyayari...nagkagalit na kami."
"Paano? Love life?"
"Parang ganun na nga. Nang dahil kay.." Bakit parang wala siyang masagot. Iniisip ko tuloy kung gumagawa lang siya ng kwento.
May nagdoorbell naman na ikinagulat ko. Panira much? Anyway, kung yan man yung kaaway ni kuya desidido na akong magpakilala.
"Kuya, I think it's the time." Pipigilan sana ako ni kuya kaya lang hindi niya na ginawa.
Tumayo kasi ako agad mula sa sahig na kinauupuan ko at dali-daling bumaba papunta sa labas ng mansiyon. Sakto namang papunta doon ang isang katulong kaya pinigilan ko ito para ako na lang mismo ang magbukas. "Ah, manang, ako na lang po. Salamat."
Pagkabukas ko, isang delivery boy ang tumambad sa harapan ko. Ahhh. Ano ba yan? Akala ko masasalubong ko na ang kaaway ni kuya. "Ma'am, may nagpapabigay po ng sulat para daw kay Shawn Julian Lim galing daw po sa pinakagwapong lalaki sa balat ng lupa." PINAKAGWAPO SA BALAT NG LUPA? Baka SA ILALIM NG LUPA KAMO.
"Wala bang name?" Tanong ko.
"Wala pong sinabi. Pero gwapo po talaga si sir. Ang hangin lang ma'am. Ang sabi lang po niya sa akin bigay ko kay Sir Shawn at sabihin ko na galing daw sa pinakagwapo sa balat ng lupa." Napatango na lang ako. Now I know kung bakit galit si kuya diyan. Kasi mayabang na nga at feeling gwapo pa.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...