PRETEND HATERS 26
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Tumawag si Chloe sa akin para sabihin kung nasaan ang tropa. Nasa bahay sila ni Rhian para magayos para sa gaganapin na party niya sa Saturday. Nagtaka ako kung ang tropa bang tinutukoy niya ay kasama sila Zion.
I'm freaking out that day inside the car. Again, hindi ko mahiwalay ang biro at totoo sa kanya. Umaamin lang siya o nangaasar? Shet! Ayoko na. Kumuha na lang ako ng isang basong tubig. Nakakatuyo baga ang mga naiisip ko.
Mamaya ang M.U. na inaakala ko na Mutual Undestanding ay maging iba ang kahulugan. Malay mo Magisang Umiibig pala o kaya Masyadong Umaasa o kaya baka naman Masaklap Umibig. My goodness! Sabi nga sa math, 'Never assume unless stated.' Confession or not, he must say it clearly.
Pagkatapos kong maligo, hinalungkat ko yung mga gamit sa walk-in closet ko. I decided to wear a dress imported from UK or United Kingdom. It's cool. Ngayon ko pa lang ito nasuot. Since magaayos lang naman kami, I just wear a one inch plum wedge. Tapos nilagay ko sa isang paper bag ang ilang mga markers, coloring pens at ilang cartolinas. Tambak kasi sa isang storage ito para di na bumili. Kulang na nga lang maging tindahan ito ng school supplies.
Nagayos pa ako pagkatapos bumaba para makita si Cheska na may hawak-hawak na plastic ng lobo na hindi pa nahahanginan at isang air pump sa kabilang kamay. "Ready Shai?" Tumango ako. "Ayos na ayos ka. Nagpapaganda ka naman."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Inggit ka?" Umiling lang siya at saka dumiretso sa kotse niya. Sumakay naman ako sa passenger seat at saka naman kami pumunta kanila Rhian.
*
Pinauna ko na si Cheska sa loob. Naglakad pa kasi ako sa bahay namin. Namimiss ko na. Isa pa, baka di na ako makadalaw kasi may pangako si Kuya Shawn na bibilhan niya ako ng condo. Nasa tapat ako ng geyt nang makita ko si Miss Kate. Mayordomang masungit at mabait lang pagkaharap ang amo. "Hi Miss Kate."
"Oh, Miss Lim. Coming back again?" She batted her eyelashes to me. Kung hindi lang babae ito baka napagkamalan kong lumalandi ito.
"Ah..no. Napadalaw lang ako."
Napasimangot ito. "Ah Miss Lim, alam mo may lalaking dumalaw rito kanina. Dalawang beses ko na siya nakikita. Yung una kinakausap siya ni Sir Shawn tapos yung pangalawa, nagtatanong na siya. Nakakapagtataka at wala na rito yung kapatid mo. Kilala mo ba siya? Hindi kasi ako nagbibigay ng mga impormasyon kapag di ko lubusang kilala. Pero gwapo siya kaya naman nagpapaganda ako ngayon." Pinandilatan ko siya ng mata. Tapos napaisip ako sa sinabi niya.
Lalaki? Shems! Ang kaaway ni Kuya Shawn.
"Wag na wag kang magbibigay ng impormasyon kahit akitin ka pa niya ha. Kahit yakapin ka pa niya at lambingin. Wag na wag mong ibibigay ang hinihingi niya."
"Hinihingi niyang ano?" Nagtaka pa.
"Hinihingi niyang impormasyon. Naiintindihan mo? Lalong-lalo na ang tungkol sa akin. Hindi dapat niya malaman na may mas nakakabatang kapatid pa si Kuya Shawn. Okay?"
"Sino ba yun?" Usisa niya habang nakapamewang pa.
"Basta. Wag ka na nga lang matanong at gawin mo na lang ang trabaho mo."
"Manliligaw mo?"
"Shut up!"
"Okay! Nagtatanong lang. Kalma! Kailan ba kayo titira ulit dito Miss Shaira? Ang lungkot lungkot. Napapalibutan pa ako ng mga tatamad-tamad na maids!"
"Di ba sabi ko tumahimik ka? Isa pa, mas tamad ka pa nga kaysa sa kanila. Masipag ka lang mangutos. Wag na wag mong sisigawan sila ha. Treat them well. If you dare not to, I'll tell my parents to fire you." Tumango siya. At pagkasabi ko may bumalik na mga alaala. Si Malditong Boss. "Oh sige na. Pupunta lang ako kanila Rhian. Umayos ka ha. Wag ka magbibigay ng mabibigat na impormasyon tungkol sa amin. Cooperate with the guards. I don't want him breaking and entering the mansion."
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...