PRETEND HATERS 33
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
"May sapi ka ba?" Tanong ko kay Chloe na grabe kung manginig.
"Wala akong sapi. Sobrang kabado lang talaga ako. Malapit na. Hala! Di ko alam kung kakayanin ko. Wag na lang kaya tayo dumiretso. Back out na tayo sabihin mo kay Zion. I cannot!"
"Girl, nandito na tapos aatras ka pa." Sabi sa kaniya ni Rhian saka ito nagpout. "Naaayos na tayo oh. Baka magwalling ka pa diyan. Di ka si Nora Aunor girl. Tingnan mo na nga lang ako, go na go lang! Kalma."
"Sige na nga. Game na nga ako. Bahala na." Ngumiti siya at naunang dumiretso sa auditorium ng drama club. Ibang auditorium ito kumpara sa mga ginagamit namin kapag may activities. Sobrang laki niya. May aircon pa nga sa loob.
Nang ibuklat na namin yung pintuan, agad kaming tiningnan ng mga tao sa loob. Nasa gitna ng stage si Zion na naputol sa pagsasalita dahil sa pagpasok namin at nasa gilid naman si Janelle na kasalukuyang inikiot ang mga mata niya. "Alright guys, here they are, the new members of drama club. Let's welcome them." Nagsipalakpakan naman ang mga tao doon at kami naman umupo sa gitna ng mga upuan kung saan bakante. Si Chloe sa gitna, si Rhian sa kanan at ako naman sa kaliwa.
Kinalabit ako ng babaeng katabi ko. Maputi siya at nakasuot ng salamin. Mukha naman siyang friendly. "Hi! I'm Portia nga pala. Isa ako sa mga staff. Not an artist. Parang assistant dito. Name it. Alalay, utusan.. whatever...ako yun. Si Shaira ka, right? Loyal customer kasi ang family ko sa business niyo kaya kita kilala."
"Hi." Ang tangi ko na lang sabi. Nakita ko naman na nakikinig yung dalawa kong kaibigan hanggang sa nagpakilala na rin sila kay Portia.
"Alam niyo hindi ko talaga feel yung bagong vice president. Si Zion mabait siya. Sobra. Pero yung bago na yun na si Janelle ata, kakaiba eh."
"Paano mo naman nasabing kakaiba?" Usisa ni Rhian.
"Nakita ko na iba ang tingin niya kay Zion. Naku! Assistant niya ako sa oras na yun kaya alam na alam ko. Si Ethan, yung boyfriend, pinaghintay niya sa labas. Alam mo kung anong ginawa sa loob? Dinaldal si Zion kahit mukhang ayaw naman siyang kausapin ni Zion. Pero di naman nagagalit si Zion. Ano bang meron sa dalawang yun? May relasyon o sadyang flirt lang yung Janelle na yun? Kawawa naman yung Ethan. Mahal na mahal pa naman siya ng guy."
"Flirt." Di ko alam kung bakit lumabas yun sa bibig ko.
"Gano'n? Sabagay kasi mabait si Zion. Isa pa, ang lakas niya mangutos. Hindi naman niya ako binabayaran. Working student ako rito na ang kapalit ay konting pera. Alam kong mayaman kami pero gusto ko maging independent. Actually, parusa din sa akin ito dahil sa pagwawaldas ko ng pera."
"Wait. Ituloy mo pa yung hinaing mo." Sabi ni Chloe.
"Ang masasabi ko ay sobra siya. Lahat na ata ng bagay, iuutos niya. Maski nga kinder kayang gawin ang inuutos niya. Katulad ng pagpatay ng ilaw. Ipapatay niya sa akin samantalang nasa tabi lang naman niya ang switch. Ayoko lang matanggal kaya ko siya tinitiis. Sorry. Kailangan ko lang talaga ibuhos. She's mean. I swear! Kakalbuhin ko na siya kapag hindi ako nakapagpigil. At pati buhok ng kilay niya, hindi ko patatawarin."
"OMG! Same. Alam mo bang lagi niyang inaaway itong bestfriend namin na si Shaira?" Sabi ni Rhian.
"Grabe naman pala. Sana hindi na lang siya napili bilang maging vice president. Dinaan niya sa ganda. Balita ko hindi naman siya ganoon katalino."
"Alam ko na kung bakit. Ang galing niyang umarte. Fake. May tinatago pa lang kasamaan. Kapag nandiyan si Zion, akala mo kung sinong mabait. Pero kapag wala na, may isasama pa siyang mga evil minions. That's why I called their group as Mean Girls. Sila ang official bully ko. Welcome to my life, Portia." She just smiled and shrugged.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...