PRETEND HATERS 11
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Kumakatok ako nang malakas sa pintuan habang nasigaw.
"Totoo ba talaga yun? Di nga? HOY!" Sigaw ko kay Zion. Nagtago siya sa kwarto niya dahil kanina ko pa siya tinatanong ng paulit-ulit na ganun.
"Ano ba?! Patulugin mo naman ako. Kanina ka pa. Hindi nga sabi."
Sinubukan kong pihitin ang door knob. Wow! Hindi pala ito lock. Kanina pa kasi ako tanong ng tanong. Pumasok ako sa loob ng kwarto niya. Isang normal na teenage boy design ang room nito. Blue and Black ang halos nakikita ko. Nakita ko si Zion na tinatakpan ng unan ang tenga niya. Haha. Ang cute niya talaga I mean ang pangit niya in a cute way. Basta may ganun walang kokontra.
Tumalon-talon ako sa kama nito. "Talaga bang ganun?"
"Pang-ilan mo na yan? Isang daan? Di mo ba talaga ako tantanan? Lalagyan kita ng tape diyan sa bunganga eh."
"Ganoon talaga?" Tanong ko. Bumangon na siya mula sa pagkakahiga.
"Hindi. Nga. Sabi. Magtatanong ka tapos ayaw mo maniwala sa sasabihin ko. Ano ba? Bakit ba ang hirap mong paniwalain? Kung ayaw mo maniwala doon ka sa manghuhula magtanong. Matutulog na ako at pwede ba i-mute mo muna yang megaphone mong bunganga." Mute? Mukha ba akong T.V.?
"Malay ko naman kasi di ba kung nagdedeny ka na pala?" Talagang pursigido ako paaminin siya. Di ako kumbinsindo dahil alam ko mas itatago pa ito ni Cheska. Naguguluhan na talaga ako kay Zion. Dalawa ba gusto niya? Si Jasmine at Cheska. Ano ba ang totoo? Gulong-gulo na ako.
Tinanong ko na talaga kasi siya kanina na kung may relasyon ba sila ng pinsan kong si Cheska. Kung siya ba ang tinutukoy ni Cheska. At laking gulat ko nung sagutin niyang magkaibigan lang talaga sila.
"Magkaibigan o magkaIBIGAN?" Ginulo niya ang buhok niya at naiinis na tumingin sa akin.
"Hindi nga sabi. Nagkakilala lang kami ni Cheska sa isang event, okay? Walang kami at hindi naging kami. Hanggang friends lang kami. Hindi kami talo. Mas lalaki pa nga ata sa akin yun eh." Sagot niya.
"Basta gagawin ko siyang fully straight na babae. Sorry na pala. Sige na! Matulog ka na. Bad night. Have a bad dreams."
"Matutulog na talaga ako. Psh. Istorbo."
"Pwedeng isang tanong pa pagkatapos ng tanong kong ito? Bakit ikaw sa kama tapos ako sa sofa?" Tinarayan ko siya. Wala siyang gentleman bones. Nakakainis.
"Anong tingin mo sa bahay ko, hotel? Babae ka. Lumugar ka din ha. Doon ka sa sofa. Naiintindihan mo 'ko? Pwede ka naman kasing umuwi. Ikaw lang naman ang nagpilit sa akin di ba na dito makitulog tapos magrereklamo ka? Ang hirap niyo talagang intindihin." Diniinan niya pa yung makitulog. Eh kasi paano kung mapahamak ako sa daan? Sayang naman at asset pa naman ako ng bansa.
Pero tama naman siya. Pinilit ko siya. Imagine 11:00 na kami natapos tapos uuwi pa ako. Naku! Hindi naman ako siguro lasing para magcommute. Gabi na at natatakot ako. Mamaya may humugot ako tapos pagsaksakin ako ng ice pick o kaya barilin ako sa ulo at magkaroon ng watermelon splash. Magkalat yung brain ko at may makakain nun tapos bigla na lang silang maging 'genius' dahil sa napunta na ang katalinuhan ko sa kanila. Yeah. SPG pa more.
Tiningnan ko yung sofa. Never ko pang naranasan na matulog sa isang sofa ever! Not in my several years of existence breathing pollution. Sayang! Aircon pa naman sa room niya. Pero okay na yung natural air. Pero seryoso first time pa lang talaga ito.
Humiga ako. Hindi ba ako mahuhulog dito? Bahala na nga. Ipinikit ko yung mata ko pero biglang may isang bampirang lamok ang nauhaw at napagtripan ang maganda at juicy kong dugo. Pinagpapalo ko tuloy yung balat kong napakakinis. Kahit lamok ay di dapat makadapo noh. Swerte lang ng lamok kung gano'n. Kung bakit ba kasi nagtitipid yung lalaking yun at hindi buksan yung AC dito. Kung alam ko lang inaasar niya ako at ginagantihan. Haters kami eh. What do we expect from each other?
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...