Pretend Haters 20- Overthinking

2.1K 42 1
                                    

PRETEND HATERS 20

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

After we had fun in a bar with Cheska's friend, I decided to rest. My body felt exhausted. Hindi ko matanggal sa isip ko na nalaman niya yun because of a stupid diary I hid for almost years that started in grade school till now. All of the important moments are listed there. At malamang mabasa mo lang lahat yun, kilalang-kilala mo na ako. From information to real life situation. Lahat ng naiisip ko. Tungkol sa kaibigan ko, sa pamilya ko at maski sa ibang tao. So technically, I can't focus right now. What if, nabasa niya lahat yun? Lahat ng sikreto namin ni Mr. Diary ay malalaman niya. At sana nga, iniskapo niya na lang sa parte ng papel na may bookmark. Kung saan ko nasabi na crush ko nga siya. Sana hanggang doon lang yun. If he flip through, he would be the first one to enter my world. At kapag napasok niya na yun, mas gugustuhin ko pang pumasok sa third dimension, maging kapatid lahat ng multo at doon na lang tumira sa spirit world.

Tiningnan ko ang basurahan at notebook ko. Papalit-palit ang tingin ko sa dalawa. Itatapon ko ba o hindi? Nagtatalo na naman yung isip ko. Nakalistang pangyayari sa papel na pwedeng makalimutan ng isip ko. Na kapag may kalimutan, pwede kong balikan sa mga nakasulat sa papel na yan.

Kumuha ako ng maliit na kahon at napagdesisyunan na itago na lang iyon. Those are the memories. Yun lang ang alaala ko sa kabigan ko noon. Baka dahil diyan matagpuan ko na siya. Siya ang unang nagustuhan ko. A puppy love, I guess. Pangtutang pagmamahal na nasira ng isang pangyayari. Bago pa ako maging malungkot, inilagay ko na ang kahon sa ilalim ng kama. 'See you again soon..thunder.'

Inayos ko na ang sarili ko at nahiga sa kama ko. Hindi ako makatulog kaya naisip kong manonood muna ako sa Channel 41 na CI. Mga palabas na may kinalaman sa krimen at suspense. Dahil eto lang ang takot na gusto kong maramdaman. Ayoko na ibang klaseng takot yung maramdaman ko. Mas mabuti na ang ganito. Mas mabuti natatakot ako para sa iba na hindi ko naman kilala kaysa natatakot ako para sa mga taong kilala at malapit sa akin.

Yung pinapanood ko ngayon ay tungkol sa babaeng nainlove sa isang Serial Killer na marahas pumatay. Pinaghahanap siya ng pulis pero dahil magaling siyang magiba-iba ng itsura, hindi siya natatagpuan. Minsan kasi, may balbas ito o minsan wala, mahaba buhok o kaya minsan din maikli at iba-iba. Ngayon noong nalaman niya yung sikreto ng lalaki dahil sa pulis na kaibigan niyang nakaalam, hindi ito naniwala. Obsessed na ang lalaki sa kanya at di pa rin siya naniniwala. At sumigaw ako sa parteng nagpanggap siyang walang alam. Hindi siya naniniwala sa pulis na may gusto rin sa kanya. Sinasabi niya na gumagawa lang daw ng kwento ang pulis para hindi sila magkatuluyan ng killer.

Girl, stupid much? Dapat yung pulis na lang minahal mo at hindi yung MAMAMATAY TAO. Seriously! Minsan yung akala nating mabuti sila pa yung masama. At minsan yung mga taong di natin masyadong pinapansin sila pa pala ang tutulong sa atin.

"Ano ba namang klaseng babae ito? Makikipagdate pa eh halata namang serial killer yung lalaki. Ayun na si likod niya oh..Wanted. Tapos naniwala pa siya sa lalaki na kambal niya lang yun kaya kamukha? Hayy!" Pero hindi ko na pinoblema ang problema ng iba. Ginusto niya yan.

Sa sobrang inis, hindi ko na tinapos at pinatay ko na lang gamit ang remote ang telebisyon at saka ako nahiga at marahang ipinikit ang mata ko. And vivid images comes into my mind making it a beautiful dream. Pagkatapos ng pangit na palabas, ngumiti ako nang mapalitan ito ng magandang panaginip.

*

Para matupad ang Mission Impossible ko. I made my two friends a deal. "So whoever will say Zion's name and whoever bring a topic about him will be ignored for one day or one hour per mistake to break the rule. It depends on the situation. Nagkakaintindihan ba girls? And probably it starts now." Utos ko.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon