Pretend Haters 17- Destiny Struck My Heart

2.1K 39 4
                                    

PRETEND HATERS 17

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Bundok na Libro.

Kalat-kalat na mga papel.

Mukha talagang binagyo ang kwarto ko. Kanina pa ako nagbabasa at nagsusulat. Sa sobrang dami pakiramdam ko bibigay na ang utak ko.

Ngayon nagpupulot ako ng mga papel at pagaayos ng mga libro sa tama nitong lalagyanan. Bigla tuloy akong napatigil dahil bukod sa miss na miss ko na si kuya eh nagaalala pa rin ako kay dad tapos kakamustahin ko pa si mommy. Kaya lang baka busy si kuya at di niya rin masagot ang tawag ko.

Lumabas na lang ako para magpahangin. Naupo ako sa bench namin doon para magpahinga. Susubukan ko na sanang tawagin ang pamilya ko kaya lang may nakita akong (1 message received). Nakasilent pala kanina ang phone ko para walang istorbo. Sino kaya ito?

From: Zion

Pwede ba kitang makausap?

To: Zion

Okay. Just call.

From: Zion

No. Personally. Baka kasi iniisip mo ako tapos di na ako maalis diyan sa utak mo.

To: Zion

Nagtext ka ba para mangasar? Please. Wala ako sa mood.

"BAH!!"

"Ay Palaka!" Nagulat ako sa kung sino mang humahawak sa balikat ko. Saan yun sumulpot?

Umikot siya at umupo sa tabi ko. "Hi." Sabi nito.

To: Zion

Trespasser ka ba?

From: Zion

Bakit? Dahil pinasok ko ang puso mo nang walang paalam?

To: Zion

Shonga! Di ako nagpipickup line! Literal na trespasser ka. Paano ka nakapasok dito?

Humarap ako sa kanya. "Teka nga! Bakit ba tayo nagtetext eh magkatabi lang naman tayo? Oh, so ano nga? Paano ka nakapasok?"

"Nagpacute ako sa maid niyo." Sagot nito kaya kinotongan ko nga. "Aray! Joke lang. Kilala na ako dito kasi sabi nila nakita na daw nila ako sa labas na kasama mo. Tapos sabi nila--" Biglang namula ito.

"Oh bakit ka tumigil? Ano bang sabi nila?"

"Sabi nila ang sweet ko daw na boyfriend sayo dahil sa pagdalaw ko."

"Huh? Sweet? Weh!" Sila ate talaga. Hay naku!!

"Eh k-kasi naman... Pinitas ko yung bulaklak niyo kasi--"

"Kasi may gusto ka sa akin! Sinasabi na nga ba." Si tapos ko na ang misyon ko? Nahulog na ba siya sa akin?

"Hindi. Namitas ako para sa project ng.... Pinsan ko. Eh nakakita ako sa labas kaya pinitas ko." Paliwanag niya. Assuming na naman ako.

"Di ako makapaniwala na akala nila boyfriend kita. Gusto na nga kitang patayin doon dati sa labas tapos sasabihin pa nilang tayo. Walang tayo Zion."

"Shaira, galit ka ba sa akin? Naniniwala ka ba sa sinabi ni Ethan? You seem to love him until now. O baka naman may tinatago ka sa akin."

"Ano bang sinasabi mo? Siyempre hindi. Hindi ko na siya mahal. Alam mo yung pakiramdam na galit ka sa isang tao na dati mahal na mahal mo? May mga bagay pala na hindi natin mapaliwanag. Pwedeng sa isang iglap maaring magiba yung tingin mo sa isang tao? Sa mabuti man o masamang paraan. Yung mahirap ay kung mapapatawad mo sila. Madali lang naman kasing sabihin na kaya pero para sa mga taong nasaktans obeang hirap. Oo, yung diyos nagpatawad. Pero ang hirap talaga. Di ko na alam kung paano mapipigilan yung galit sa puso ko.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon