Pretend Haters 50- Indirect Threat

1.2K 19 0
                                    

PRETEND HATERS 50

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

"May kakaibang nangyayari dito. Kadalasan naman yung grupo nila Zion nandito sa tabi natin. Bakit ngayon ang layo na nila? Di ko na sila ma-reach." Nagtatakang tanong ni Chloe habang tinitingnan ang mga nagtatawanang mga lalaki sa medyo kalayuan mula sa lamesa namin.

Tumango ako. Mukhang kailangan ko na ring magpaliwanag. Hindi ko naman ito maitatago lalo na sa kanila na madalas ko makasama. "Masanay na tayong lahat kasi hindi na dapat tayong makitang kasama ng grupo ni Zion. Parte yan ng plano naming dalawa. Pero pwede naman kayong magusap. Ako lang siguro ang hindi." Amin ko.

Nanlaki ang mata nilang lahat. Ibinagsak ni Rhian ang mga kamay niya sa lamesa. "Plano? Anong plano yan?"

I let out a sigh. "Um.. kasi kami ni Zion may Pretend Haters Agreement. Yung katulad sa play. Parang gano'n yung setup. Doon niya ata nakuha yung ideya. Alam kong iniisip niyo na kabaliwan yun. Di ko naman yun maitatanggi pero ito lang yung tanging paraan para magkasama kami." Paliwanag ko.

"Shaira, alam ko yung pinagdadaanan mo ngayon. Bata pa lang ako noon at narinig ko ang paguusap ng magulang ko sa magulang mo. Galit na galit sila sa ginawa ni Kidlat. Ngayon, hindi mo naman alam na iisa pala sila ni Zion kaya ka nagdudusa ng ganiyan. Naiipit ka lang dahil mahal mo sila pareho. Di maganda kapag nahuli kayo. Panigurado gulo yun." Sabi pa ni Cheska na nakaranas rin ng bagsik sa pamilya namin dahil pinaghiwalay sila ni Tristan. Nakita ko na bumalik yung alaala niya kaya medyo di ito umimik pagkatapos at tumingin lang sa nakangiting si Tristan.

"Ano na ang gagawin ko?" Napahawak ako sa sentido at minasahe yun. Wala na itong atrasan at alam kong kapag tumanggi ako, si Zion naman ang tuluyang mawawala sa akin. At ayokong mangyari yun. Ang hirap pumili kaya pinili ko na pagsabayina ng dalawa kong options. Yun nga lang tama si Cheska na kapag nabuko kang dalawa, masama talaga ang mangyayari.

"Ganito na lang para di ka magalala. Makikisali kami diyan. We will cover you up to Kuya Shawn. Di kayo mabubuko hanggang sa magkapatawaran na yung dalawa." Sabi naman ni Rhian bago ako niyakap. Ang swerte ko talaga sa mga kaibigan at pinsan ko. Baliw lang sila pero alam ko malaki ang puso nila.

"Tama siya. Tutulungan ka namin sa kahit anong paraan na kaya namin. Basta magtiwala ka lang na malalampasan niyo rin ang problemang ito. Life is short to be frustrated. Enjoy it!" Guess what? Si Cindy ang nagsabi nito. Namangha ko siyang tiningnan at nakita niya ang ekspresyon kong iyon kaya nagpaliwanag siya. "Kasi nairita si dad sa english ko noong bumisita siya. Pinadalhan niya ako ng tutor sa grammar and so on."

"Good for you. Salamat sa inyo. Sana nga magkabati na sila para matigil na lahat ng pagpapanggap. Ayoko na rin ng komplikadong buhay. Dahil di naman yan relasyon sa Facebook na pwede kong palitan ang status ko bilang complicated para i-like o kaya may magkomento. Desisyon ko ito kaya paninindigan ko ito hanggang sa huli."

"Wag ka na magisip masyado. Isipin mo na lang yung ngayon at wag yung mangyayari pa lang na hindi mo naman alam." Sabi naman ni Chloe na nakangiti pero para itong biglang may naalala kaya biglang kumunot ang noo nito saka napalitan ng pagtataka ang mukha niya. "Oo nga pala. Ano nga pala yung point ng pagiging malayo nila Zion?"

"Si Zander." Sagot ko. I know she's into him.

"Ano ang ibig mong sabihin? Anong kinalaman ni Zander?" Takang tanong niya pa.

"Kaibigan niya si Kuya Shawn. Kahit busy pa si Zander at hindi pumunta dito, delikado. Paano kung bigla niya akong puntahan o maski ikaw? Mawawala ang plano namin. Ang sabi sa akin ni Zion, tapat daw yung tatlo kay kuya. Yun pala ang dahilan kung bakit galit si Oliver kay Zander. May alitan ang dalawang grupo. Pero nagkausap naman sila ng kapatid ko. Siguro magiging okay na ang lahat. Ilang araw na lang mula ngayon, magsisimula na ang pinakamalaking kasinungalingan sa buhay ko." At natatakot ako sa pwedeng mangyari.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon