PRETEND HATERS 9
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Pagkatapos ng kunwariang landian namin ni Zion balik ulit kami sa pagiging haters. Bumalik ulit siya sa pagiging masungit. Parang siyang forty years old na lalaking minemenopause. At ginawa na naman niya akong sweet beautiful hot tempered girl after pulling a prank on me.
Akala niyo inosente at mabait yan? Well, sorry to say but you are all fooled if that's what you all think. Sa harap ng pinsan ko akala mo kung sinong santo at inosente pero kapag tapos na ang pagpapanggap, siya ang taong dapat na hingiling mawala kapag may bulalakaw na biglang bumagsak mula sa kalangitan. At kung may kasama man ang bulalakaw na yun na alien eh ipapaabduct niyo na lang siya sa alien na yun. Yung tipong handa kayong magbayad ng milyon sa magulang niya para ipa-arrange marriage siya sa isang alien o i-donate na lang ang kidney niyo sa may sakit para lang di niyo siya makita.
Ngayon nakaupo kasi kami sa damuhan. Tapos ang loko nilagyan ako ng langgam sa paa. Hindi lang isa pero ang dami dami. Kaya ngayon eto ako basang-basa sa ulan. Chos! Eto ako ngayon sigaw ng sigaw. "Hayop ka talaga! Paano na ako makakapagsuot ng heels kung may kagat na ng langgam?! Agh! It's so kadiri. I will kill you Zion. Swear to everyone! Papatayin talaga kita kapag pumangit yung flawless kong paa na kahit kailan hindi nakaranas ng paltos o sugat. Record ko na yun eh. Wag mo ngang sirain. Stupid Handsome--"
"What? Handsome?" Oh shit! Kailangan ko magpalusot. Bakit ba kasi may kalandiang hormones itong katawan ko.
"Kulang pa yun. I said handsome-a na mukha mo. Ang sama sama ng mukha mo! Nakakasawa. Bwisit!" Sigaw ko habang inaalis yung mga langgam sa paa ko. Kainis! May mga pula na siya. Ahhh!
"Your feet right now is at their worst. Pinaglalamayan ko sila. And may you remind me that your record as 'the girl with the flawless feet' is broken."
"Agghh! Bakit ka ba nakakainis? Pinaglihi ka ba ng nanay mo sa sama ng loob?"
"Hindi. Ang alam ko pinaglihi lang ako sa kagwapuhan at sa spell na kahit sinong babae ang tumingin sa akin would end up drooling."
"Stupid Conceited Arrogant Jerk! Tss." I hissed.
Kunwari nagtampo ako kaya umalis pero ang totoo niyan may kinuha lang ako. Di ako papayag na makalamang siya sa akin. May kinuha ako doon at sinalo ang mga yun sa isang dahong pinitas ko. Bumalik ako nang may ngiti sa mukha. This is what I called the 'Victory smile'. Hinila ko yung damit niya at nilagay lang naman sa loob ang antik doon. Hahaha! Di hamak na mas malaki yun kaysa sa pesteng langgam na yun. Bwahaha.
Ngayon tawang-tawa ako sa pagmumukha niya. Sigaw siya ng sigaw ng mga mura. Lahat na ata ng masamang salita nasabi niya habang patalon-talon at pinapagpag ang damit niya. "You! What the heck is that?"
Pawhistle whistle lang ako. "Ako ba? Wala akong nilagay ha. Wala talaga. Inosente ako."
"Wow Shaira. Salamat sa napakabuti mong ginawa."
"My pleasure." At sa isang sandali....tinanggal niya ang damit niya. Napakagat ako sa labi. Eto na naman ang kanyang abs. Bakit ba parang affected ako ngayon doon? O baka naman yung muscle niya na para bang araw araw ito gumagawa ng exercise sa sobrang fit.
"Oh! Kawawa ka naman your back is red. Oh so sorry. Please remind me that your awesome body record is broken." Tapos dinilaan ko siya.
Hala! Ang sama ng tingin niya. Paano na yan?
'Ganito lang yan Shaira. It's either na tumakbo ka para sa buhay mo o dito ka lang at hayaan mong sirain niya ang precious at flawless mong katawan.'
"Hoy Lion! I know what you are up to. Don't run half-naked." Sabi ko. And he gets what I mean. Pero wala talaga siyang paki.
"Sh*t!" Singhal niya nang simulan ko na ang mala-flash kong takbo. Run for your lives until the day you die. Ano daw?
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...