PRETEND HATERS 1
Pagkagising ko sa malambot kong kama, agad akong nakarinig ng malakas na tunog sa baba. Kung wala akong kapatid, iisipin kong akyat-bahay gang ang isang ito. Pero meron eh. Mukhang si Kuya Shawn na naman na nagbabasag ng worth million naming mga gamit. Tingnan mo lang ito si kuya. Eh sa tingin ko iisa lang ang ipinuputok ng butchi nito.
Yun ay ang ang kanya MEGA ULTRA SUPER NO. 1 HATER na hindi ko alam kung sino at nang lahat. Sila Kuya Bryan at Kuya Coby lang lagi ang exemptions. Silang dalawa lang lagi nakakaalam. Bakit kapag ako bawal? Tinanong ko na yan sa totoo lang at sabi ni kuya kasi daw baka mapatay ko daw siya ng wala sa oras dahil bukod sa KABRUTALAN AT KATARAYAN ko sa mga nakakabwisit na lalaki eh may chance pa daw ako para maging SERIAL KILLER. Siguro ubod sa sama ang lalaking yun para maging ganyan kagalit ang kapatid ko. At para namang sabihin niyang BAKA mapatay ko yun. Pero siyempre may halo pa ako sa ulo. Hindi ko naman gagawin yun. Ayokong tumira sa kulungan. Epekto yan ng pagiging fanatic ng mga horror at thriller type of movies.
Nakakacurious siya. Pero mabuti na rin siguro na wag ko alamin, di ba?
Bumaba na lang ako para makita si kuya na uminom ng alak at itapon ang bote nito sa pader. Pati nga flower vase sa tabi ay dinamay. Naku! Binili ko pa yun sa Singapore. Magkano nga ulit yun sa pera natin...I think P100,000. "Hi kuya. Good morning. Ang ganda ata ng gising mo." Sarkastiko kong sabi na ikinanuot ng noo niya.
Hindi kami palaaway. Close nga kami niyan. Kaya lang, siyempre trip kong mangasar. Salbahe lang naman ako 'pag may time pero actually super bait ko.
"Oh, gising ka na pala Shaira. Pakipulot na lang isa isa yung mga bubog at pakiwalis na rin. Salamat." Napairap ako sa utos niyang yun.
Buh! Ano akala niya, ako maglilinis niyan? Para saan pa ang kayamanan ko kung katulong lang din ang bagsak ko. Buhay Donya kaya ako.
"Hoy kuya! Di mo 'ko utusan ha. Ni hindi mo nga ako binabayaran. Gusto mo bang mabubog ang makinis at malalambot at wait kulang pa.. At magaganda kong mga kamay? Ha? Saan na ba kasi ang mga katulong natin?"
"Tulog pa." Sagot niya. WHATTT?!
"So you mean nagising ako ng...." Hinanap ko pa kasi yung digital clock namin sa bahay. At nagulat na lang ako nung makita kong 3:16 pa lang ng umaga. It means sinira ni kuya ang beauty sleep ko. Agh! Magbo-boy hunt pa naman ako sa pasukan. Nakakasawa maging single eh.
"Teka nga kuya! Ano na naman ba kasi ito? Problema mo at nambubulabog ka ng magaganda?" Tanong ko.
Nagsmirk ito. " Basta may ginawa siya na nakakabwisit. Papatayin ko na yun. Sorry niya mukha niya! Ang sarap niyang hagisan ng bote. Sinabi ko na nga sa kaniya tigilan ako, gusto pa makipagbugbugan. Di ko na nga siya pinapakialaman." Eh bakit naman kasi sila nagbigayan ng number? Ang sagot nga ni kuya para daw malaman kung sino ba talaga ang pikon sa kanilang dalawa kaya kailangan daw talaga na alam nila ang number ng isa't-isa. So nagaasaran sila everyday?
"Another teka lang ha! Di ba ikaw ang nauna? Sabi mo ikaw ang dahilan. Lagi mo na lang sa atin tinatago yang lalaking yan. At kung gumanti man siya, parehas lang. So quits lang kayo."
"QUITS?! Pagkatapos ng pagpapahiya na ginawa niya sa SARILI kong party? CURSE HIM!" Tapos nagmura pa ito at tinakpan ko tenga ko. Grabe lang. Yung mukha ni kuya parang si Dr. Doofensmirtz sa Phineas and Ferb na kinucuss si Perry The Platypus.
"Kuya, taray! Mala-chicharon na words mo. Crunchy! Reregaluhan kita ng bibliya. Mangumpisal ka na nga. Ano ba ang ginawa niya doon sa party mo kung saan hindi mo ako sinama?" Tanong ko. Nagtampo pa ako sa kanya nun. Siguro babae ang pinagaawayan nila.
"Gusto lang naman kasi kitang protektahan. Wala kasing alam yun na may kapatid pala ako tapos babae pa. Malamang! Lalandiin ka nun at sasaktan ka lang sa huli."
"There was never an us. So hindi niya ako malalandi."
"At mabalik pala sa tanong mo, hulaan mo kung anong ginawa niya pa? Grabe. Sobra talaga yun. It takes guts."
"Kuya walang magandang manghuhula." Tapos tinaasan ko siya ng kilay. "So ano nga ang nangyari?"
"Nagedit siya ng picture kung saan ako at si Bryan ay naghahalikan. Can you imagine? That's why I hate photoshop. They all make something fake or unrealistic or bogus."
"What?! And YUCK! Ayoko ng i-imagine noh. Seriously? Over my dead body. So technology expert na pala yang kaaway mo." At nagsimula na akong tumawa. Yung si Bryan kasing yun ay di ba nga yung bestfriend niya. Galit na galit talaga sila kay anonymous guy. "The hell sis! Lalaking-lalaki ako tapos dahil sa inedit niyang picture nagmukha akong binabae. As in BI! NA! BA! E! Kakasuhan ko yang mga photoshop na yan!"
"HAHAHAHA! Oh my gosh!" Napahawak pa nga ako sa tiyan ko sa kakatawa kaya naman sinamaan pa ako ng tingin ni kuya.
"Stop it! Anong nakakatawa doon? At isa pa may ginawa siya kung saan hinding-hindi ko siya mapapatawad."
"Okay. Okay. Sayang di ko nakilala yung guy na yun dahil sa magkaiba ang school natin."
"Wag mo nang balakin mahal kong kapatid. Ayokong makilala mo siya. Di ako baliw para gawin yun."
"Eh, anong balak mo kuya?" Curious kong tanong.
"Pupunta akong Amerika para doon ipagpatuloy ang study ko." Malungkot na sabi niya. "Pero babalik din ako."
"ANO?! Iiwan mo rin ako?"
Kami na lang kasing magkapatid ang nakatira dito kasama ng mga katulong. Paano kasi simula nung magtayo ng business sila mom at dad sa Amerika mas tutok na sila doon na pumunta pa sila mismo doon. Tsaka malago na rin yung hotel business namin dito sa Pilipinas kaya okay na kung yung mga kapatid na lang nila daddy at mommy yung magmanage. Ayaw lang siguro nilang mawalan nang sobrang pera ulit.
"Ayaw mo nun. Lalaki ang allowance mo at magagawa mo lahat ng gusto mo dahil wala ka ng overprotective na brother."
"Pero mami-miss kita. At sino na lang ang magpoprotekta sa akin sa lalaking yun?"
"Wag ka magalala. Di ka nun kilala. Ay teka! Lilipat na rin pala kita sa school ko."
"Bakit?"
"Remember nandoon yung pinsan natin at mga kaibigan mo sa Addison? Sila ang magiging guardian o protector mo. Isa pa, ako lang naman ang nakakaalam sa identity ng kaaway kong yun." Mas bata daw sa kanya yung kaaway niya. Nagkakilala lang daw sila nung tulungan ni kuya ang nangaaway sa bata. Pero di naman kapani-paniwala kasi di naman siya matulungin noon o palakaibigan. Nagulat nga ako noong nagkaroon siya ng tropa.
Tapos yung tinutukoy niyang mga kaibigan ko ay yung kapitbahay naming mayayaman at maiingay na daig pa ang super lolo na paputok. Samantalang ang mga pinsan ko namang yun ay ubod ng katarayan at kabaliwan pero kapag tinopak bumabait.
Ganyan naman sila....Abno. Hindi sa abnormal sila. Sadyang may defect ng konti. Kaya wag na kayong magtaka kung bakit ako din ay nadamay. Sabi nga nila, damay-damayan lang yan o hawa-hawaan.
"Kuya naman." Nagpout pa ako. "Sigurado ka ba sa desisyon mo?" Ayoko na kasi. Baka makita ko rin ang isa ko pang kinakainisan na tao na doon nagaaral. Kala niyo si kuya lang ang nangha-hate ha, ako rin kaya. Ako naman I HATE HIM TO DEATH! Ipadeliver ko siya sa impiyerno eh. Basta umaaway sa kapatid ko, ayoko!
Pinat niya yung head ko na parang magandang aso lang ako. "Oo naman. Siguradong sigurado na ako. Ayoko na rin ng gulo. Aayusin ko na lahat ng kailangan mong papeles. Since, malapit na ang pasukan dahil June na ngayon at automatic na sa susunod na pasukan ikaw na ay opisyal na estudyante ng Addison Academy. Good luck with that."
Sakto namang may nagising doong maid at nilinis ang mga kalat ni kuya. Ako naman edi siyempre back to beauty sleep. Baka mapagkamalan pang eyebags yung pisngi ko.
Ewan ko ba.
Bakit ba ako kinakabahan ngayong papasok na ako sa school na yan?
Dahil ba doon rin siya nagaaral o dahil nandoon ang kaaway ni kuya?
Dahil ba may feelings pa rin ako sa kaniya kahit gaano ko itanggi?
Dahil may history ang pagiging bitter ko. Pero kahit bitter ako, naniniwala ako na kukulubot lang ang mukha ko kapag matanda na ako dahil kahit ganito ako, hindi ko ka-level sa kagandahan ang isang gulay na mapait. Kaya iniisip ko na lang na masustansiya din ang pagiging bitter.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...