PRETEND HATERS 54
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
"You know, I had enough." Singhal ni Cheska tapos itinakip ang dalawang palad sa mukha niya. Para siyang bibitayin dahil sa mga nagbabanta sa buhay niya. Her life is on the line and even though she has a tough personality, she's still a girl. Ramdam ko ang takot niya kasi yun din ang nararamdaman ko.
"Ako nga rin, sinusundan nga nila ako. Buti na lang at nakita ni Zander at Ethan. Hayy! Ano kaya sa tingin mo ang kailangan nila? Ang sakit nila sa ulo. Ano ba tingin nila sa buhay na ito, laro? Ang hilig gumanti ng mga tao. Anong year na kaya magbago na sila. Kinikilabutan ako sa kanila. Yung buhok ko standing ovation." Sabi ko naman. Mas malala pa sila sa mga multo sa totoo lang.
"Sinabi mo na ba ito kay Zion?" Tumingin ako kay Cheska at umiling. It's better this way. Lie could destroy, but it is also a way to keep someone I love safe. Naghihintay lang ako ng perpektong oras para masabi ang lahat o kahit hindi mula sa akin, mula sa iba. Maliit lang ang mundo para di malaman ang mga katotohonan na nakatago rito.
"Kapag pinalabas kong wala na kaming koneksiyon, hindi na siya madadamay. Siguro parte na yun ng pagpapanggap namin." Tiningnan ko si Zion na nakatingin na sa akin. We are holding each other's stare and I am starting to feel that there's a staring contest between us two. At naputol yun nang mapapikit ako. Ugh! Kainis ang involuntary closing of eyelids.
"Papatayin ba nila ako?" Biglang tanong ni Cheska. Yung salitang yun. Hindi yun pumasok sa isip ko kasi ang alam ko sasaktan lang nila ako katulad ng dati hangga't makuha nila ang pera.
"Cheska!" Sigaw naming lahat. Hindi pa rin dapat siyang magsalita ng ganyan. Ako rin yung mas kinakabahan.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Relax. Hindi ka nila papatayin. Baka gusto lang nila ng pera. Nasilaw lang sila doon at alam kong mas pipiliin pa nilang mawala ang mga perang kaysa sa buhay natin. Magtiwala ka rin kasi magsasalita rin ang Bruno na yan at ituturo kung sino pa ang kasama niya. Sa totoo lang, mas dapat pa akong kabahan sa'yo. Alam mo naman yung nangyari sa akin noon kaya ayoko ulit yun mangyari sa inyo. That was a hell in Earth."
"Alam ko. Sana may baril lang ako parang sa counter strike o kaya powers ng parang katulad sa Dota." Napahalumbaba siya. I am so sad for her. Lahat naman kami kinakabahan. Sadyang nagpaparamdam sila at iniisa-isa nila kami.
Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain ko ng french fries at burger. Tapos kinuha ko ang Ipod ko at pinatugtog ang Complicated ni Avril Lavigne. "Uhuh! Life's like this." Kanta ko sa unang bahagi. Siguro parehas komplikado ang buhay namin sa kanta kaya lang iba yung dahilan.
*
Nilagay ko ang ilang mga gamit ko sa locker ko. Ubos na kasi ang mga iniimbak ko katulad ng sanitary napkins, tissues and extra shirt. Buti naman at walang love letter galing sa mga ungas na halimaw na yun. Buti naman di uso sa kanilang ilagay sa locker ang mga kalokohan nilang yan. Swear! If there's a reunion of us, one by one I'll make them suffer in jail. Gusto ko silang parusahan sa pinakamarahas na paraan pero alam kong hindi ko hawak ang tadhana nila. Hindi ko buhay ang isang gangster o galing sa itaas para hatulan sila. So I will just make sure they will suffer naturally.
Isinara ko ang locker ko at nagulat nang makita si Zion na nakasandal sa kabilang locker. Sa sobrang pagiisip ko, hindi ko napansin na sa likod ng pintuan ng locker ko nakatayo siya. "Hi." Sabi niya.
"What are you doing here?" Tanong ko.
"Nagaaral? Di ba estudyante ako dito?"
"Pilosopo!" Sigaw ko at iniwasan ko siya. Tapos kinuha niya ang braso ko at pinigilan ako pero patuloy lang ako sa paglalakad. I'm really not in the mood. Bahala siya sa ngayon.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...