Pretend Haters 10- I'm the writer of 'How to Flirt with your Hater?' Book

2.6K 46 0
                                    

PRETEND HATERS 10

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Naglalakad ako sa hallway nang makaramdam ako. Hindi ng multo ha pero para kasing may stalker ako. Parang may kanina pa talaga may sumusunod sa akin.

Pinagdikit ko ang dalawang hintuturo at hinlalaki ko at sinarado sa isa't-isa ang iba parang pang-action star lang kasi ginawa ko lang baril yung mga kamay ko. Basta ginawa ko yun habang humarap sa likod ko at tumingin sa kanan at kaliwa. "Akala mo walang bala itong kamay ko ha. Kung sino ka mang poncio pilato ka, magpakita ka! Dahil isang bala ka lang." Okay. Nababaliw na ako. Kasi di ko alam kung may stalker ba ako o sadyang may multong nagpaparamdam sa akin.

Pero wala namang sumagot. Ay bahala siya! Siya na nga itong handa kong pansinin siya pa ang may ganang isnabin ako.

"So ganun? Pinagmumukha mo akong baliw? Ano ka, hangin?"

Wala pa rin. Never mind na nga lang. Bahala siya diyan. Sundan niya ang beauty ko.

Palabas na ako nang makita ko ang isang pamilyar na mukha. Siya si tahimik na may maibubuga pa rin pala. Kamaganak ko ata ito sa pagiging megaphone. Speaking, naaalala ko si Zion and his stupid grin. Okay fine. Hindi na ako magiging 'kulangot' na hard to get. Okay? Itutuloy ko na yung plano na ginawa ni Chloe. Di na ko aatras pa. Kaya magkikita kami mamaya kasi sabi ko may gagawin lang ako saglit pero ang totoo niyan naghahanda lang ako harapin siya kasi kung hindi baka nakawin ko ang kutsilyo na ginagamit ng mga nagbebenta ng karne at maipangsaksak sa kanya. Siya ang sumira ng magndang plano ko pwes pagbayaran niya. Kasalanan niya kung bakit ko kailangan maging malapit sa No.1 Hater ko.

"Sapphire." Tawag ko sa nakabusangot na si Sapphire. Siya yung tinulungan ng mga kaibigan ko. Tumingin ito sa akin mula ulo hanggang paa.

"Bakit ang ganda ko ba kumpara sayo?" Pagfe-feeling kong tanong. Cute naman siya kaya lang maganda ako. Walang papalag. Ang nerdy kasi ng look nito pero kung makalipstick ang batang ito akala mo sa bar ang punta.

"Hmp! Yabang mo Ate Shaira." Nagpout pa ito.

"Binubully ka ba talaga? Di halata. Hoy bata ka! Bakit mas red yang lipstick mo kaysa sa akin?"

"Hoy ka din! Talagang mapupula na ang mga labi ko at wala akong lipstick noh. Ketchup lang yan." Sagot niya.

"Uso na bang gawing lipstick yung ketchup? Wow. Matry nga. Teka! Bakit ka ba punta ng punta dito?" Nakapagtataka naman kasi iba naman ang suot nitong uniform at halata na mas bata ito sa akin kahit baby face ako.

"Wala! May binabantayan lang ako. Baka kasi mamaya may babae na diyan na ihatid siya sa libingan." May pagkaparehas kami nito. Baka may kambal pala ako tapos siya yun.

"Ayiiee! Sapphire, may crush ka na pala ha. Kailan kasal? Naks! Possesive girlfriend kasi peg mo."

"No! Yuck! I am single. And I'm gonna meet Mr. Right when I am 18. So please stop. Nagfa-family planning ako." Pagkakamalan ko na itong maarte ng bayan kung di lang ang dami dami niyang dalang libro sa kamay niya kahit may bag naman siya, tapos nakapigtail pa, naka- nerdy glasses at nasobrahan sa haba yung medyas niya.

"Anong connect ng family planning doon? Bahala ka nga diyan. Una na ako. Goodluck sa pagstalk mo sa crush mo." Pangaasar ko ulit.

"Agh! Stop, okay? Nagpapanggap lang akong ganito para walang makaalam sa identity ko. Tumigil ka nga ate kasi di pwedeng mabuko ako. Maski nga ikaw may parte ka na di dapat malaman. Parehas lang tayo ate... May hindi ka lang alam."

Ano bang pinagsasabi nun? Gawin ko siyang bida sa horror film. Nakakatakot siya lalo na nung binigyan niya ako ng kakaibang tingin. Ano bang dapat ko malaman? Eh magtanong lang ako sa dakilang tsismosa alam ko na.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon