PRETEND HATERS 14
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Did I mention before how I hate 'bipolar' relationship? At ngayon ganito kami ni Zion. Magaaway, magbabati tapos di magpapansinan. Though we're frenemies.
After two weeks na hindi kami nagpapansinan ay ngayon naman ay sumobra. He got too bored to throw up 'some' rolled and crooked papers at me. Pasalamat na nga lang siya dahil nakatalikod yung professor namin. Naku! Subukan niya lang mamaya dahil kapag natapos ang klase nito gaganti ako. Pinulot ko yung papel para sana ibato sa kanya kaso lang napansin ko na may nakasulat na 'Read this or else you'll be exiled.' Wow. Bayolente pala ito. I like it.
What?! No. I don't like anything or a bit of him. Erase! Erase!
Hindi ko naman talaga gusto yung I mean bayolente na bubugbugin ako at sa huli makakatanggap ako ng bill of one million pesos just because of major injuries and many broken bones dahil sa abuse. Just that thinking. Duh! It's just a joke when I say I would kill. Sa ganda ko na ito, killer lang? Eww. Serial Killer is not my style.
Binasa ko iyon. 'Why are you seeing Ethan?' Hindi ko na lamang ito sinagot. Bahala siya. Kahit nalaman niya pa hinding-hindi niya malalaman kung bakit ko ito ginagawa.
Anyway, after class, he went in front of me. Kumunot yung noo ko at tumingin sa kanya kasi nakaupo pa ako ngayon. "Pabukas ng zipper." Sabi niya. Ano daw? Then realization hits me. Namula yung mukha ko. Ano bang sinasabi nito?
"Maniac!" I shouted. Tumingin lahat ng estudyante. He let me show his scowl on his face.
Lumapit siya sa tenga ko at bumulong. Gosh. I feel him fanned my face with his breath on the side. "I was talking 'bout this." And he showed me some kind of wallet. Ahh! Iba kasi ang iniisip kong zipper. Anyway, change topic.
"Kasi naman lalaki ka tapos pabubukas mo sa babae. That's ridiculous!" He shrugged and chuckled. Kinuha ko naman yun sa kanya at sinubukang buksan. Bakit ayaw? Ah. May nakastuck. Binuksan ko pa ito ulit. Pero ayaw. "Ano ba kasing laman nito?"
"Malamang pera. Anong gusto mong maging laman ng wallet? Notebook? Libro? Shampoo?" Tinapon ko sa dibdib niya yung wallet. Makaluma masyado. Tsaka ang pilosopo niya. May shampoo pa talagang sinama.
"Bakit ba kasi ganyang ang itsura ng wallet mo? Uso naman kasi yung bukas sara di ba? Ang yaman mo naman pero bakit ang cheap mo?"
"Oh? I know I'm hot meaning I have a good taste kiddo. You know. Sa lola ko yan at kinuha ko yun sa kanya with her knowing. Di ko naman alam na kaya pala siya madaling pumayag eh kasi dahil di nga niya mabuksan."
"Did you just call me kiddo and did you just call yourself hot?" I can't believe this. Kinuha ko yung iniinom ng kaklase ko at binuhos yung tubig sa kanya. And a stunned face covered his face and I let up a deep laugh. What a priceless face! Nagulat lang ako nung kinuha niya yung tubig mula sa kamay ko.
Guess what?
Pagkatapos ng basaan namin, napapunta kami sa office. "Bakit ba kayo nagbasaan na dalawa? Kinuha niyo pa talaga ang tubig ng kaklase niyo." Sabi ng isang middle aged woman. Nakasalamin ito at ma-awtoridad na tumingin sa aming dalawa na parang kakagaling lang sa dagat at basang-basa.
"She's the one to be blame. I'm innocent." Pa-cool na sabi ni Zion. "Binasa niya ako para mapansin ko siya."
"Are you saying that I poured a water on myself? Hindi ako baliw katulad mo. At mas hindi ako nababaliw para gawin yun dahil gusto ko magpapansin sayo. In your dreams."
"Totoo naman ah. You like me. Admit. Kapag talaga pinagpala ka ng ganitong mukha." Yabang talaga. Narsistiko masyado.
Hinawakan ko yung kwelyo niya at parang gusto ko talaga siyang sakalin. "Hey! Hey! Stop you two." Tumingin sa akin yung babae. "Pasensiya ka na ija sa pamangkin ko. Bakit mo naman kasi siya binuhusan kasi?" So tita niya pala yan. Kaya pala may gana siyang maging pasaway.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...