PRETEND HATERS 35
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
"Shaira, ready ka ba talaga maging lead actress?" Tanong ni Cindy habang nagsi-swing. Kakalaro lang namin ng badminton ni Cheska. Sobrang pagod na ako kaya tumabi ako sa kanya.
"It was just a favor. Pero oo. Kakayanin ko." Sagot ko rito.
"Ayiiee! Porket katambal mo si Zion. Alam mo bang akala ko noon totoong kayo? Kaso sabi mo di ba ang tragic ng play niyo na Pretend Haters?"
"Sabi nga ni Mrs. Chua, tayo ang gagawa ng ending natin. Kung magkatuluyan kami, magkatuluyan. Kung hindi, hindi. Dahil baka naman iba yung nakalaan sa akin."
"Ahh! Saglit ate. Ano nga pala yung kinagalit mo noong isang araw? Wala akong alam."
Napabuntong-hininga ako. "Cindy, ayokong i-open yung topic na yun. Masakit sa akin. But I'll give you a little details. Nakidnap ako noong bata pa ako at ang sinisisi ng buong pamilya ko dahil daw inuto ako ng kababata kong tinuring kong bestfriend. Sabi nila, ginamit lang daw niya ako para masunod yung gusto ng tatay nito. Pero nagtatalo yung puso at isip ko. May parte sa akin na gusto ko silang paniwalaan, may parte na nagsasabi na totoong kaibigan ko siya at napilitan lang siya. Importante si Kidlat sa akin. Siya yung taong karamay ko sa lahat ng problema."
"Saan na ba kasi yang kababata mo? Pasensiya na ha. Pero alam kong siya lang ang sagot sa mga katanungan mo." Tumango ako nang dahan-dahan. Nabigla ako sa mga inamin ni Kuya Shawn. Naptingin ako sa paligid ko. Malamang nakita na siya ng mga mata ko pero hindi ko man lang siya nakikilala. Ano na kaya ang itsura niya? Kamusta na kaya siya? Natatandaan pa ba niya ako?
Pero ayoko muna siyang isipin. Siguro isang tragic past na lang yun. Isang panaginip na pinaghalong maganda at masama na lang yun. Mga nakaraan na kahit hindi binura sa isip, hindi dapat isipin. Kasi mas mahalaga kung anong hinaharap, di ba?
"I need to move on, Cindy. Siguro hindi niya na ako naaalala. Siguro inisip niyang ako ang may pakana kung bakit naaksidente ang magulang niya o kaya naman dahil nakokonsensiya siya sa nagawa niya sa akin. Di ko na alam kung ano. Di ko na rin alam kung ano bang dapat kong maramdaman."
"Huling tanong lang. Galit ka ba sa kanya? Siguro alam mo ito kasi ikaw yung nasaktan."
"Kapag siguro nakuha ko na ang sagot, doon ko na rin malalaman kung anong sagot sa tanong mo. Ayoko na pagusapan yan. Let bygones be bygones."
"Shai! Tingnan mo si Chloe. May kasama siyang lalaki." Napalingon ako. Si Zander. Gamit yung twalya, pinunasan ko ang pawis ko at nagponytail. Tumakbo kami ni Cindy palapit sa kanila.
"See? Sabi ko sa'yo Shai. Kilala ko siya at siya nga ang dinate ko noong kaarawan ni Rhian." Sabi ni Chloe habang hinahawakan si Zander sa braso at inaangkin.
"Hi." Bati ni Zander sa akin. I gave him a warm smile. Bakit ba ako awkward sa lalaking ito? Hala! Yung bear niya nasa kwarto ko. Naaalala ko pala siya tuwing nakikita ko yung bear na yun.
"Chloe naman. Kung makaangkin ka sa tao parang kayo ha." Saway ko kay Chloe na sobrang possesive.
"Malapit na maging kami." Tumingin siya kay Zander. "Di mo ba ako gusto?" Tanong niya kay Zander na tumatawa lang. "Di ba sabi mo kanina cute ako? Hindi yung pantutang cute pero yung pantaong cute?"
"Ganun na nga. Bakit mo nga pala ako hinila kay Shaira?" Tanong nito.
"Wala lang. Hindi kita hinihila sa kaniya. Pinapakilala ko lang sa bestfriend ko kung sino ang future husband ko." Gusto ko magtago sa kabaong sa mga sinasabi ni Chloe. Mahiya ka. Buti wala si Rhian at walang suporta ito ngayon.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...