Pretend Haters 19- One Truth and a Thousand Sarcasm

2K 41 1
                                    


PRETEND HATERS 19

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

Gabi na nang maisipan ng mga kaibigan ko na dumalaw dito. Pumunta na rin si Cindy kasi gusto siya makita nila Tita Jess at Tito Cole, yung mga magulang ni Cheska na sa kasalukuyan ay kinakausap siya ngayon sa labas. Sinindahan ko tuloy yung Wi-Fi at binuksan yung aircon.

"Kailan ba uuwi yung hot mong kapatid?" Binato ko ng unan si Rhian.

"Hot? Di ba dog lang ang hot? Hotdog." Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Chloe.

"Pwede ba Chloe? Shut up. At Rhian, wag mo ngang gawing Pedophile si kuya. At isa pa, ayoko kita maging 'Sister-in Law'. So, si kuya nga pala sabi niya baka umuwi daw siya pagkatapos ng tatlong buwan o mahigit pwede pa ngang sa susunod na taon pa. We really don't know the schedule. Tatapusin niya muna yung mga inaasikaso niya doon. He's just for the MBA for our business so probably palipat-lipat siya sa Pilipinas at Amerika." Tumango-tango naman sa akin si Rhian.

"Alam mo ba Shaira tumawag sa akin si Kuya Shawn?" Tapos biglang ngumisi itong si Cheska.

"Ano daw sabi?" Usisa ko.

"Kung may nanliligaw ba daw ba sayo? Sabi ko meron. Marami nga pero ang pinakapursigido ay si Z. Bakit si Z? Dahil siya ang pinakaeffective." Si Z? Sino namang nilalang yun?

"Ano?! Sinong Z? Anong effective? Hibang ka Cheska? Bakit mo naman sinabi yun kay kuya?" Atat na yun magka-love life ko. Nagiba daw kasi ako simula noong magbreak kami ni Ethan. Siyempre maganda ako kaya siguradong di na ako tatandang dalga. Si kuya talaga.

"Malamang! Nagtatanong. Sinasagot ko lang. Tsaka, it's Zion. Z lang ang nickname ko para sa kuya mo kasi akala ko ipabubugbog. Buti di na nagtanong."

"Yung Zion?" Yung crush ko? "Hindi nga ako pinapansin nun. Galit yun sa akin. At SPEAKING OF NAGALIT, SINO sa INYO ang nagsabi kay Zion ng plano ko?" OMG!! Humanda talaga sa akin yun. Tinaasan ko sila ng kilay.

May malakas na tunog mula sa pinto kaya napatingin kaming lahat doon. Biglang may nagsara. Binuksan niya muli ito at nakita ko ang pagmumukha ni Chloe na naka-peace sign.

"CHLOEEE!" Sigaw ko.

"Eh ang gwapo niya kasi. Sorry. Can't resist." What?! Hahabulin ko na sana siya nang isarado niya sa harap ng mukha ko ang pintuan. Paano kung nasapol ang mukha ko? Papangit ako, wala ng manliligaw sa akin, wala ng tatanggap sa akin at (Worst!) tatanda ako ng dalaga at mamatay magisa.

Humiga si Cheska sa kama ko in a boyish way. "So, itutuloy mo pa rin?"

"Well, hell yes!" Sagot ko.

Hindi ako titigil hangga't di ko nakikita ang hustisya. Duh! Ang hirap maging plastic noh. Isang konting pagkakamali mo lang, mapupunit ka na. Isang konting ligaw mo lang, itatapon ka na. Isang gawa mo lang ng problema, babaguhin ka na nila at hindi ka na magiging isang plastic kundi bagong gamit kung saan gagamitin ka ng tao paulit-ulit.

"Ayon nga sa professor natin sabi daw nga ni Powell, 'Use things, love people' not 'Use people and love things.' Hindi ba't parang masama na yung ginagawa mo? Hindi naman sa nangingialam ako, Shaira. Pero paano kung yang plano mo mabaliktad para maging iba? Paano kung yung plano mo saktan siya ay naging baliktad? Yung tipong ikaw rin ang nahulog sa sarili mong patibong. At ikaw lang rin ang masasaktan sa huli." Komento naman ni Chloe. At naisip kong maaaring tama din siya.

Revenge is bitter, but Success is sweeter.

"Minsan may mga bagay na ginagawa natin di dahil gusto natin kundi dahil kailangan." Huli kong sambit at nanahimik na naman ako.

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon