PRETEND HATERS 16
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
"Grabe! May garden ka pala." Tuwang-tuwa ako habang inaamoy ko ang mga pulang rosas na pinitas ko kanina. Siyempre alangan namang bigay ni Zion. Tingnan niyo naman ang mukha niya na inis na inis na naman. Malay ko bang di siya nakatulog nang maayos sa couch na yun. Ang arte kasi. Tapos kanina pala binulabog ko siya kaya wala siyang nagawa kundi magising ng maaga dahil double dead si Cheska doon sa kama. May hangover pa ata.
"Hindi. Imahinasyon mo lang ito." Kinotongan ko nga. Nakakainis talaga. Di naman ako nagtatanong.
"Pero infairness ha, ang bango ng hininga mo. Nagmumog ka na?"
"What? Yan talaga ang tinatanong mo sa akin? Baliw ka talaga. Eh ano naman?"
"May naisip lang ako. Hindi ka ba naaamaze sa akin? Tubig lang minumog ko pero mabango na agad hininga ko. Well, lapitin ako ng boys pero hindi ng germs. Sa ganda ko ba naman, wala bang mahuhulog?" Go Shaira! Gawin mo siyang in love sa beauty mo. "Eh ikaw ba? Wala ka bang nararamdaman?"
"Ikaw? Mas mabuting sa pusa na lang ako magpakasal." Ouch! Grabe magsalita ito. Akala mo kasinggwapo niya si Adonis. Pero sino nga ba yun? Aist! Basta!
"Mukha kang pitbull, Zion. Wag kang mangarap sa pusa. Di kayo talo." Sabi ko sa kanya tapos inabutan ko siya ng isang piraso. "Eto rosas. Kainin mo para gumwapo ka."
"Tss!" Kinuha niya yun at tinapon. Sayang! Ang bad talaga. "Don't you know opposites attract?"
"Taray! Ano yun magnet? Ay teka! Gutom na ako. Wala ka bang omelette, hotdog o maski pancake with maple syrup diyan? Pwede bang kumain?"
"Pwede ka kumain malamang kasi may bibig ka. Pero hindi dito sa lugar ko." Grabe. He is not so hospitable. Pilipino ba ito? Baka kano. Love baby ata ito ni Lady Gaga at Manny Pacquiao. Ang lakas ng tama!
"Ang bait mo talaga. Kapag ako kumain ng tostadong ipis at galing sa bahay mo. Kakasuhan kita ng..."
"Sige. Anong kakaso mo?" Hamon niya. Ano nga ba? Hayy! Wala pa naman dito ang abugado ko.
"Ng ano...ummm... food poisoning! Oh ano?" Akala niya ha. Kapag talaga kumain ako ng ipis at nalason. Talagang ipakukulong ko siya. Yung tipong doon na siya habang buhay sa likod ng rehas. Gawin niya kamong juice yung pintura ng kulungan kapag wala siyang magawa.
"Food poisoning? Baliw ka talaga. Ang dapat sayo tinuturnilyo na ang utak. Ang luwang tapos may kalawang pa. Pwede naman kainin yun. Lutuan pa kita."
"Ohhh! So ako pa ngayon ang may MALUWANG NA TURNILYO SA UTAK? Tell it to yourself, jerk! Inggit ka lang dahil maganda akong baliw. Aminin mo na kaya nandito ka pa sa Pilipinas kasi hinihintay mo ang process ng passport mo papuntang Thailand kasi gusto mo maging transexual. Is it below the belt? Did I hit your ego?" Ang lakas kasi nito makabusangot. Sa sobrang gusot, ang sarap lang plantsahin ng mukha. Arrgghhh! Okay. I'm so harsh again. Sabagay sayang mukha.
"Paano ko ba patutunayan sayo ang pagkatao ko?" Lumapit siya sa akin. At alam ko na itong pasabog niya. Ang drama.
"Style niyong mga bulok! Ganyang-ganyan yung mga lalaki. Ilang beses na ba ako nakanood ng ganitong scene. Tapos anong gagawin mo sunod? Hahalikan mo 'ko? In your face! Una libing mo bago yun. Teka! Erase! Di ko hahalikan ang patay. So let me rewind. I mean hanggang kamatayan mo pala di mo na makukuha yun. At tsaka may isa pa! Kapag lumapit na yung lalaki. Bigla nitong yayakapin yung babae tapos sasabihin niya gusto niya ito. Pero asa ka! Di mo ako pwede hawakan. Hanggang titig ka lang. Di ka rin pwedeng magtapat ng nararamdaman mo sa akin kasi busted ka kaagad, Tapos alam ko na yung mga ganyang line. Line ng mga chickboy! Patulan mo nga lang ang anak ng manok. Ayun! May itlog sa ref mo. Sakto! Ayun pagtripan mo. HMP!" Tapos huminga ako for oxygen. Grabe! Ang hirap pala magsabi ng mahaba-habang speech.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...