PRETEND HATERS 13
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
Ano ba naman ito? Ang dami ko pang susulating essay. Alas-kwatro pa lang gising na ako para gumawa ng mga ganito. Buti na nga lang isa na lang at tapos ko na lahat ng dapat gawin.
Niligpit ko yung gamit ko at pumasok sa kwarto ni Cheska. Sabay kasi kaming pumapasok kapag di siya nagpupuyat kakalikot sa laptop niya at pagkain ng ice cream para ilabas lahat ng sama ng loob niya. Di pa rin siya makamove-on sa guy na yun.
Kaya pala lagi siyang masaya. Di ko man lang napansin na may boyfriend pala siya noon. Akala ko macho gwapito ito. Babae naman pala.
Pagkapasok ko, nakita ko ang yaya niya na nagliligpit ng gamit sa ibaba. Kalat na kalat ang mga gamit niya pati yung mga notebook at ilang libro sa kama niya ay nakakalat. Di pa maayos ang higa nito. Nakagilid siya tapos yung katawan niya nasa malapit sa paanan ng kama. "Ate, tulog pa po ba si Cheska?"
"Hindi. Nagpapraktis lang mamatay." Tiningnan ko ng masama si ate. "Hehe. Ah oo. Bakit ba siya ganyan? Ilang araw na yan. Late lagi matulog tapos nagwawala. Tatawa siya tapos biglang iiyak. Konti na lang talaga at magpapatawag na akong ng albularyo. Ano bang nangyari? Share mo naman."
"Ate, wag po tsismosa." Sagot ko dito. Makasagot kasi. Ginising ko si Cheska. "Gising! Anong oras na oh? Sabay na tayo. Dalian mo diyan."
"Mahal kita." Sabi nito.
Kinuha ko yung unan na hinihigaan niya at pinanghampas sa kanya. "Magpinsan tayo at di tayo talo." Sagit ko rito.
Nagising siya at biglang umiyak. Tumingin ito sa akin at niyakap ako. "Ang sakit. Napanaginipan ko na naman siya. Nakangiti siya tapos pagkalapit ko bigla na lang siyang nawala na parang bula."
"Wag ka ngang umiyak. Pumapangit ka." Tapos nagdramapa talaga siya lalo.
"Kaya ba niya ako iniwan kasi pangit ako? Pangit?! Yun ba yun at hindi dahil sa hindi kami pwede?" Weird talaga nito. Kapag ako nagkaboyfriend at iniwan ako hinding-hindi na talaga ako iiyak katulad noon at katulad kay Cheska. Tatawa pa nga ako dahil kawalan nila yun at hindi kawalan ko. Ang ganda ko eh.
Ah! Alam ko na.
Inayusan ko ngayon si Cheska. Ako naglagay ng make-up, pumili ng kanyang outfit of the day at nagayos ng kanyang buhok. Tenen! Sobrang ganda niya. Credits to me. I'm so proud of myself. "Ang awkward. Pwedeng palitan?" Napakunot-noo ako sa kanya.
"Anong awkward? Ganda nga eh. Minamaliit mo 'ko? Wag ka nga maarte dahil ako lang may karapatang umarte. Tara na! Di naman siguro kayo magkikita ng ex mo doon noh?"
And that shut her up until we take up our seats in class.
So...nandito talaga ang guy na yun sa Addison. Oww! Something's fishy!
*
"Shaira!" Lumingon ako sa likod ko. To my surprise that he approach me. Por the pers time. Taray!
"Ethan. How are you?" Sana may taning na ang buhay mo ngayon. Sakit mo sa mata eh.
"I'm fine. Nakita kasi kita kanina habang gumagawa kami ng Activity kaya nilapitan na rin kita." Bakit may iba sa kanya? Nasaan na ang mapangasar na si Ethan?
Hinawakan niya yung kamay ko na agad ko namang binawi. Buti wala siyang nasabi sadyang nagulat lang siya sa ginawa ko. Pagulat-gulat pa siyang nalalaman. "What do you need?"
"You." Oh my gosh! Ano daw? He needs me? Bago yun ah. "I mean kung may oras ka gusto ko sanang lumabas tayo. Kung pwede?"
"Isn't it inappropriate that you have a girlfriend and you're taking me out who seriously your ex-girlfriend?" Tanong ko. Gusto ko talagang makaiwas sa kanya. At baka masabunutan pa ako ng bruhilda niyang mangaagaw na girlfriend.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...