PRETEND HATERS 4
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
After one day, pasukan na. Finally! Sobrang excited ako. Pero kasi...I feel so bad today. Ang sakit ng ulo ko ngayon at parang magkakalagnat pa ako. Di ko alam kung O.A. lang ba talaga ako o sadyang I am not in the mood to go today. Alam niyo di naman talaga ako tamad sadyang masipag lang ako magpahinga. And take note MASIPAG. Masipag pa rin.
Inilabas ko ang nakakadiring likido mula sa ilong ko sa isang tissue. Kahapon pa nga ako sinisipon. Sinasabi na nga bang ang malas talaga ng lalaking yun. Di naman ako mababasa kung di dahil sa kanya.
Yung feeling na akala mo mabait ang isang tao pero yun pala hindi? Totoo talaga yung first impression lasts.
Bakit naman kasi late reaction itong sakit ko? May delay.
Kahit wala akong energy para pumasok, papasok pa rin ako. Ayoko naman ma-miss ang first day kaya gora pa din ako. Kaya ayun! Napagdesisyunan ko na lang na maligo na.
Pagkalabas ko ng banyo, sinuot ko na ang uniform ko na yung palda ay hanggang tuhod tapos may blazer pang kasama. Sheez! Ang ikli talaga. Ang ganda pa naman ng legs ko tapos ganito.
Napansin ko naman sunod yung gilid ng uniform ko kung saan yung name plate ko. (Shaira Lim). Tapos nagheels ako, yung kulay black at nagapply ng light make-up. Yung iba kasi ang kakapal maglagay ng make-up kaya ang resulta mukha tuloy silang payaso at muntanga (short for mukhang tanga). Basta ganun. Haters ako ng mga ganun. Landi much eh.
Eto pa. Yung feeling na idol ko ngayon si Juan Tamad kasi hinang-hina na talaga ako. Pero baka naman isipin ng tao na para akong zombie na maganda kaya kailangan ko maging energetic. Pumunta ko sa harap ng salamin tapos nagsmile ako at tumayo ng diretso.
Kaya mo yan Shaira. Maganda ka at malakas. Go! Go! Go!
Sinukbit ko na ang bag ko at nagsimula na akong magpahatid sa driver papunta sa school.
This is it!
*
"Welcome to Addison College myself!" Ngumiti na naman ako ng napakalaki. Ang prestigious talaga puro high tech na gamit ang nakikita ko. Sosyalera halos ang mga tao dito halata naman sa mga kilos at itsura nila.
Naglakad pa ako palapit para naman sa warm welcome sa akin.
'At Addison College, i-welcome niyo na ang pinakamagandang babae dito.' Sabi ko sa isip-isipan ko.
Pumasok na ako (Yung may magandang entrance). Yung tinatawag kong 'The Shaira Walk.' O, taray noh? Nagtigil naman lahat ng mga estudyante at napatingin sa direksiyon ko. Siyempre maganda ako dapat lang.
DAPAT lang na kumpulan sila ngayon upang titigan ang KAGANDAHAN ko. Buti di nagpakita ang sipon ko kasi KADIRI. Sumasang-ayon talaga sa akin ang tadhana.
"Oh my gosh! Mukha siyang anghel." Napatango naman ako sa sinabi ng isang babae na kinikilig. Lesbian siguro. Iba talaga yung kagandahan ko. Pati babae baliw na baliw sa akin.
"Ang inosente talaga ng face niya. Napakacute." Agree talaga ako sa mga sinasabi nila tungkol sa akin. Ganyan nga! Feel na feel ko.
Nagpacute pa ako sa kanila. "Ang hot niya..."
Sasabihan ko na sana yung babae na "Inggit ka?" kaya lang may dinugtong siya na ikinabwisit ko.
"...at gwapo."
GWAPO? Me? The hell of you! So kaya pala puro babae kasi tingin nila sa akin guy.
Kaya naman ang ginawa ko tinanggal ko sa pagkakatali ang buhok ko at nilugay ito. Di talaga ako makapaniwala na sinabihan nila akong gwapo. Napahawak pa ako sa face ko. Sa ilang buwan kong naging GGSS sasabihan lang nila akong gwapo? Shakalaka my baby! No way!
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...