Pretend Haters 7- Jealous Pretend Girlfriend

2.9K 45 2
                                    

PRETEND HATERS 7

Shaira Kryzel Lim's P.O.V.

I feel so stupid right now. Parang gusto kong ibalik yung nakaraan. Dapat di ko na ginawa ang mga bagay na yun. Dapat naging kalmado lang ako at hindi nagpaapekto. Parang pakiramdam ko kasi kasing liit lang ng peanut ang utak ko! Bakit? Pwede namang repolyo na lang okay pa bakit peanut pa? Parang imbes mansanas naging kalabasa. Waaahh!

Ang shonga nga ko talaga. At ngayon nakikita ko tuloy ang mapangasar na ngiti ng lalaking 'to habang akbay-akbay ako.

Welcome to hell, Shaira.

Flashback:

"Ethan, nakaistorbo ba ako?" Painosente kong tanong habang pekeng ngumiti sa kanya. Kitang-kita ko ang pagkagulat niya. Nga-nga pa siya. Pumasok sana yung bangaw sa bunganga niya at gawin siyang hapunan.

"Excuse me? Sino ka ba?" Tanong niya at nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko. Ni hindi man lang niya ako naalala. Wag niyang sabihin na nasagasaan siya ng truck at bigla na lang nagkaamnesia.

"Ouch! You already forgot me? By the way, ako nga pala yung ex mo na iniwan mo for Janelle. Remember? Ako yung babaeng pinaasa mo na mamahalin mo pabalik." Sarkastikong tono kong wika.

"Wow! Shaira. You look different..you look pretty." Komplimento niya. Tss! Nga-nga na naman siya sa kagandahan ko. Halatang di siya makapaniwala dahil sa tingin niya sa akin. Bakit sa panlabas na anyo lang ang tinitingan niya? Di ba ang mahalaga ay yung panloob? Bakit ba siya ganyan? Tumingin ako sa haliparot na si Janelle na nakakunot ang noo. Kung papel lang yan malamang nilukot ko na. Ang sarap niyang tapon. Para siyang basura.

"I know. Napadaan lang naman ako. Pasensiya na kung nakaistorbo ako sa..." Paglalandian niyo. "Paguusap niyo."

Bahagya siyang tumawa "Don't deny it. You're jealous. I can see it in your eyes. May feelings ka pa rin para sa akin, Shaira. You know. Kung nagbago ka para sa akin at gusto mo makipagbalikan, di ko alam kung may pagkakataon ka pa." Ang kapal naman niya para sabihin yan sa mukha ko. Sobra! Pinigilan ko yung kamay ko. Kahit ang totoo, kating-kati na akong bigyan siya ng malakas na sampal sa mukha para magkaroon naman siya ng blush on. Gusto niya parehas pa para pantay ang pagkapula.

"I am not jealous." Mariin kong sagot.

"Oh come on, you are way too in love on me. Alam kong mahal mo pa rin ako. You said it. Sabi mo, ako lang ang mamahalin mo."

"That's a lie. Noon yun Ethan. But I'm not stupid now to not see the reality. Iniwan mo nga ako para kay Janelle." Pinipigilan ko lang talaga yung galit ko. Alam ko may mga usok na lumalabas mula sa tenga at ilong ko. Pero okay lang. Lahat naman ng carbon dioxide ay nasisinghot ng dalawang ito. Sana din pala walang pumasok na oxygen sa kanila para ang pasok nila eh sa libingan!

"Alam mo ba kung bakit kita iniwan? Kasi noon wala ka namang binatbat sa kanya." Turo niya kay Janelle na nakataas ang kilay. Tinry ko yun pero di bagay kaya binalik ko yung kilay ko sa normal nitong pwesto. "Ang boring mo kasama, puro ka na lang academics at wala ka man lang mapakitang talento. Sa tingin mo, ano bang magugustuhan sa iyo ng isang lalaki? Walang papatol sayo. Napakainosente mo at napaweird. Oo. Binago mo ang sarili mo. Pero huli na ang lahat. Dapat noon mo pa ginawa yan. Para naman di kita napagtripang gawing alila." Alila? Alalay? Slave? Katulong? Yaya? Tagabitbit? Tagabili? Kaya niya pala ako pinabili nun ng kung anu-ano gamit ang pera ko. Walang hiya siya! Napakasama. I hate him now! So much! Anong tingin niya sa akin bangko? Tagabigay ng pera, ganun? "Sa tingin ko wala ka pang boyfriend kasi di ka pa rin maka-move on. You just like me that much."

Pretend Haters (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon