PRETEND HATERS 52
Shaira Kryzel Lim's P.O.V.
My phone is beeping that I jolted awake. Sino naman ang gigising sa akin ng ganito kaaga? Imposibleng alarm kasi mamaya pa ang pasok ko. I stretch out my arms and yawn. Pagod na pagod pa ako dahil kakaayos ko lang ng mga gamit ko. Ang gulo na kasi dala ng ilang araw na busy ako at wala sa sarili. Ayoko na mang parang dinaanan ng tsunami, buhawi o bagyo itong condo ko.
Bumangon ako at kinuha ang phone ko sa itaas ng drawer ko. Nawala na lang yung antok ko nang makita ang pangalan ni Zion sa notification bar. Woah! Anong meron? Agad ko itong binuksan at binasa.
Zion: How about we go out? Waiting for you outside. ;) My treat.
Agad akong bumangon at hinubad ang pajamas ko at pumunta sa banyo para maligo. I was as giddy as a kid. Kumakanta pa ako sa may banyo kahit out of tune. May talent naman ako sa pagkanta pero ang malaman na nageefort ang boyfriend mo para sayo, talagang mapapasigaw ka ng mga kanta sa banyo at mapapasayaw pa habang umaandar ang shower.
Pagkatapos kong magayos at magbihis, bumaba na ako para makita si Zion na nakasandal sa may kotse habang nakangiting tumitingin sa akin. "Buo na talaga ang araw ko kapag nakikita kita." I smiled at that.
"Ah...Do I say something sweet back?" Hala! Nakakahiya yun. Wala kasi akong masabi. Umagang-umaga kaya.
Napailing siya. "Always the same girl." Pinagbuksan niya ako ng kotse. He's still sweet as ever.
We stopped by a Coffee Shop. The people jogging and the beautiful day is exposed outside the clear mirror beside our table. Pagkapasok nga namin, agad na pumasok ang aroma ng kape sa pangamoy ko. "They have the best coffee ever. Promise! Lalo na at umaga. Gusto ko lang makabawi sa lahat."
"At ikaw naman ang best boyfriend ko."
"Kung nandito lang si Ethan, maooffend yun."
"Kaya lang wala siya. It is just you and me."
Uminom kami ng kape at nagkuwentuhan. Siyempre kumain din kami ng blueberry cheesecake na napakasarap naman talaga. Sobrang namiss ko na siya. Kahit isang araw o ilang oras yun, miss na miss ko na siya. Kung totoo nga yung soul mate, pakiramdam ko siya na nga yun. Akalain mo sa dami-daming lalaki na makikita ko at nakilala ko, siya pa na kababata ko dati. The cliché of life. But I believe it, because it really happen to me.
At alam kong noon, crush ko si Kidlat. Tinago ko ito kaya ako nagtiwala sa kaniya. Bakit ganito? Balewala na ang nakaraan dahil sa kaniya. Ang iniisip ko ngayon kung ano yung hinaharap namin.
"Kidlat." Namiss ko tuloy siyang tawagin ng ganito.
"Kidlat? Hindi talaga thunder. Pero okay lang. At least may sparks." Banat niya.
"Sparks? Sabog kamo. Totoo naman ha." Nagsitawanan kami.
Biglang may pumasok tuloy sa isip ko. Isang bagay na akala ko hindi ko gagawin at isang lugar na akala ko di ko na pupuntahan. Ang pumunta sa nakaraan kung saan nagsimula ang lahat,
"Gusto kong bumalik sa dati nating playground, Kidlat." I blurt out. "Sa dati nating mga bahay. Lahat. Gusto kong bumalik doon kasama ka."
Napahinto siya at napatitig sa akin na para bang pinoproseso ang mga emosyon sa mukha ko at nagisip sandali. "Wag mo na lang sana maisip yung mapait na nakaraan. Lahat na lang ng maganda nating alaala Zion ang isipin mo. Yung friendship natin na hindi mawawala." Pagpuputol ko sa pagiisip niya. "Do this with me?"
"Shaira, kung yun yung magpapasaya sa'yo, gagawin ko." Sagot niya.
"Salamat."
Itinigil niya ang kotse sa isang pamilyar na lugar. Dito ako unang namulat biglang sanggol at dito rin ako nagkaisip bilang isang bata. Sa lugar na ito na matagal na namin hindi napupuntahan. Iba na ang nakatira sa mga bahay namin. Isang kamag-anak. Pero hindi ang mga bahay namin ang gusto kong puntahan sa ngayon. Hindi ang bahay kung saan ko unang naranasan na masakal dahil sa pagkawala ng kalayaan. Hindi muna sa ngayon. Ang masayang parte muna ng lugar na ito.
BINABASA MO ANG
Pretend Haters (COMPLETED)
HumorAko si Shaira Kryzel Lim, isang babaeng nakulong at naipit sa isang sitwasyon na akala ko perpekto. Ang mga nakaraan ay babalik na tila mga leon na maghahasik ng lungkot at luha sa puso ko. Ang mga kasinungalingan ay maghahari. Sa mahabang panahon...