SHAEL's POV
Nakasakay kami ni Rupert kasama ang ilang mga nakaitim na lalake sa isang malaking sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami patungo.
Nakatali pareho ang mga paa't kamay ko at kahit na walang takip ang bibig ko, mas pinili ko na lang ang manahimik.
Gusto kong iuntog ang sarili ko sa isang matigas na bagay. Sobrang tanga ko. Ang lakas ng loob kong sumama kay Rupert gayong hindi ko pa naman siya kilala. Nagtiwala ako kaagad sa kanya. At dahil sa pagkakamaling 'yon, nalagay ang buhay ng lahat sa alanganin.
Pero may ipagpapasalamat pa rin ako kay Rupert dahil hinayaan niyang makatakas ang mga magulang ko. Kaya, isa lang ang ibig sabihin nito... Ako lang ang kailangan nila.
"Bakit ang tahimik mo, Trisha? Sa lahat ata ng kinidnap, ikaw lang ang hindi nagwawala." Nakangising sambit niya.
"Sino ka ba talaga? Hindi ba, kakampi ka dapat ng Black Royals?"
Tumawa siya nang malakas na akala mo nakakatawa talaga ang itinanong ko.
"Huwag kang mag alala. Yun din ang akala ng lahat."
Gusto ko pa sanang magtanong pero tumigil na ang sasakyan namin sa tapat ng isang abandonadong pabrika.
"Ibaba niyo na siya." Utos niya sa mga lalaking kasama namin.
Binuhat ako na parang isang sako ng bigas ng isa sa mga lalaking nakaitim. Pumasok kami sa loob ng pabrika at langhap na langhap ko ang mabahong amoy ng lugar.
"Oh sht. Basta pagdating sa kuta, walang kwentang pumili si Brent." Narinig kong reklamo ni Rupert.
Huminto kami sa tapat ng isang malaking bakal na pinto. Ibinaba ako ng lalake at mabilis niyang tinanggal sa pagkakatali ang paa ko. Aakma pa lang ako na sisipain siya nang bigla akong hinawakan nang mahigpit ng dalawang lalake.
Mabibilis silang kumilos at halatang sinanay sila sa mga ganitong bagay. Hindi ko tuloy mapigilang magdalawang isip kung makakayanan ba ng grupo ni Light ang mga 'to.
"Alam kong namiss mo na kaagad ang mga kaibigan mo, Trisha," sabi naman ni Rupert at saka niya binuksan ang bakal na pinto.
Bumungad sa akin ang isang napakalaking bodega kung saan maraming naglalakihang kahon na gawa sa kahoy. Nakita ko ang isang grupo ng mga kalalakihan na mukhang nagbabaraha at napatigil sila sa kanilang ginagawa nang makita nila kami.
Hindi ko mapigilang maluha nang makita ko ang mga kaklase ko na isa isang nakatali sa kanya kanya nilang upuan. Mas lalo namang tumindi ang galit ko nang makita kong karamihan sa kanila ay sugatan.
"Mga walang hiya kayo!" Sigaw ko kay Rupert pero pinagtawanan lang niya ako.
"Shael!" Napatingin ako sa taong tumawag sa akin. Si Sophie. May dugo siya sa noo at mahahalata mong nanghihina na rin siya.
"Ang tanga tanga mo talaga, Trisha! Diba, sinabi naming humingi ka ng tulong! Hindi namin sinabing magpahuli ka rin!" Narinig ko na naman ang nakaririnding boses ni KC.
"A-anong ibig sabihin nito, Rupert?" Pagtatanong naman ni Gabriel.
Nakahinga ako nang maluwag dahil buhay pa siya. Yun nga lang ay marami na siyang sugat sa katawan at halatang pinahirapan siya ng mga baliw na 'to.
"Wala talaga kayong ka-ide-ideya no? Mga wala kayong kwenta. Kaya mas nakakapagtaka kung bakit kayo ang mga namumuno sa Black Royals e." Sarkastikong sagot naman ni Rupert.
"Master, naayos na po namin ang lahat sa school." Nabaling ang atensyon ng lahat nang dumating si Jared kasama ang kapatid niyang si Jelline.
"Putang ina mo, Jared! Traydor kang gago ka! Papatayin kita!" Galit na galit na sigaw ni Wil.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Novela JuvenilI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...
