Dedication: I dedicated this chapter to @ChrizzaMiranda . Thanks for supporting every chapters by voting. Labyuuu :)
ASHLEY's POV
"F-francis! S-sila Wil at... at Jasmine! Kinidnap!"
Nabitawan ko ang hawak hawak kong libro dahil sa narinig ko.
Tama nga ang hinala ko. Sila Wil ang sunod nilang kinuha at sigurado akong hindi na imposibleng saktan sila nila Brent.
"Totoo ba yang sinasabi mo?" Paninigurado pa ni Lucas.
Huminga muna ang kaklase naming si Jared. "Oo. Kumain kasi kami sa labas ng school tapos habang naglalakad kami pabalik dito, may itim na van na huminto sa harap namin. Mabilis nilang kinuha si Wil at Jasmine."
"Shit!" Sigaw ni Francis na napatayo bigla dahil sa balita. "Saang direksyon sila nagpunta?"
"Dumiretso sila papunta sa Area 4." Mabilis na sagot ni Jared.
"Yeobo! Dala mo yung mapa?" Si Lucas nang lapitan niya si Sophie.
Kinuha ni Sophie ang mapa mula sa bag niya at mabilis itong inilatag ni Lucas sa sahig at parang may hinahanap.
"Ashley!" Kaagad niyang nakuha ang atensyon ko. "Tawagan mo ang lahat ng subgroups na nakatoka sa Area 4 to 6. Sabihin mong abangan nila ang isang itim na van."
Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan isa isa ang mga knight na nagbabantay sa sinabing lugar ni Lucas.
"Sabihin mo! Ano bang pinaplano niyo?!" Nagulat na lang kaming lahat nang sugurin ni Francis si Rocky. Hawak hawak na niya 'to sa kwelyo.
"Light! Bitawan mo nga si Stephen! Wala siyang alam sa nangyayare!" Pag awat naman sa kanya ni Shael.
"W-wala akong alam sa plano nila. Kahit patayin mo pa ko ngayon, sinisigurado ko sayong hindi ako nagsisinungaling!" Sagot naman ni Rocky.
Hindi ko na masyadong pinansin ang pagtatalo nila dahil may malaking tanong ang pumasok sa isip ko.
Tinignan ko mula ulo hanggang paa si Jared na balisang balisa. Bakit wala man lang siyang kahit na anong galos? Nakakapagtaka naman na hindi siya sinaktan ng mga kumuha kila Wil.
May kailangan akong pagsabihan nito.
Mabilis akong tumakbo palabas ng classroom at tinahak ko ang daan papunta sa classroom ni Joey. Pagdating ko doon ay nakasara na ang pinto sign na may klase na sila. Hindi ko 'to ininda at marahas kong binuksan ang pinto dahilan para makuha ko ang atensyon ng buong section nila.
"Miss Smith, anong kalokohan 'to?" Iritableng tanong sa'kin ni Sir.
Imbis na sagutin siya ay hinanap ng mata ko ang lalakeng 'yon at nakita ko siya na nakaupo sa may bandang likod malapit sa may bintana. Gulat na gulat siya nang makita niya ako.
"Joey!" Pagtawag ko sa kanya. "Something happened!"
"Miss Smith! Gusto mo bang ipatawag ka sa principal's office?" Sita ulit sa'kin ni Sir.
Nakita kong tumayo si Joey at lumakad papunta sa teacher nila. Hindi ko alam kung anong sinabi niya dito at napapayag niya 'tong palabasin siya ng classroom.
"Let's go." Sabi niya sa'kin nang higitin niya ang braso ko. "Anong nangyari at kailangan mo pang gumawa ng eksena?"
Hindi siya tumitingin sa'kin at patuloy lang siya sa paglalakad. Nakalimutan kong grade conscious nga pala ang lalaking 'to. Mukhang nasira ko na naman ang reputasyon niya.
"S-sorry." Nagtaka ako dahil bigla siyang tumigil sa paglalakad. Nang tignan ko na siya ulit ay biglang nag init ang mukha ko dahil napakalalim ng titig niya sa'kin.
BINABASA MO ANG
My Romantic Destroyer (Completed)
Fiksi RemajaI'm just a nerd ugly looking girl transferred into another private school. Isa lang naman ang gusto ko, ang makapagtapos ng high school ng walang problema. But fate tried to play with me. As I became part of section F, secrets keep on showing up and...