My Romantic Destroyer 66

1.3K 28 6
                                    

THIRD PERSON's POV

Pagkatapos makita ni Mr. John Henry Ramos ang kanyang anak ay nagmamadali siyang umuwi sa kanilang bahay.

Dumiretso siya sa kwarto nilang mag asawa at may hinahanap siya na kung anong bagay sa desk niya.

"Sa pagkakaalam ko, dito ko lang naitago yun." Sabi pa niya sa sarili.

Ilang sandali lang ay napatigil siya nang makita na niya ang isang itim na envelope. Kaagad niya 'tong kinuha at tinignan ang laman.

Hindi niya maiwasan ang mapaiyak dahil sa nangyayari sa anak niya pero pinilit niyang magpakatatag.

Mabilis rin siyang bumalik sa ospital at nadatnan niya sa lobby ang ginawang pagluhod ni Francis sa harap ng kanyang asawa.

"Tama na 'yan," sabi niya kay Francis tsaka niya 'to nilapitan. "Magpakalalake ka at ngayon mo patunayan sa'kin na karapat dapat ka para sa anak ko."

Iniabot niya ang black envelope at kaagad itong tinignan ni Francis.

"Yan ang kontratang ibinigay ng Lolo mo sa pamilya ko pagkatapos mailibing ang Lolo ni Trisha. I-ipinapaubaya ko na sa'yo ang anak ko."

"P-papa," pag aalala ni Mrs. Ramos sa kanyang asawa kaya kaagad niya 'tong nilapitan.

"Ikaw ang Queen, hindi ba? Malaki ang utang na loob ng ama ko sa Royal Family kaya niya nagawang ipagkasundo ang anak ko. A-at isa lang rin ang gusto kong mangyari, ang maging masaya ang anak ko." Sabi naman ni Mr. Ramos sa ina ni Francis.

Tumayo si Lea at magalang na hinarap ang mga magulang ni Shael. "Makakaasa kayong hindi namin siya papabayaan. Welcome to our Royal Family, Mr. and Mrs. Ramos."

Nginitian lang ng mag asawa ang ina ni Francis at nagpaalam na rin sila sandali para makapagpahangin sa hospital garden.

"Papa, sigurado ka na ba sa desisyon mo?" Paniniguro ni Mrs. Ramos.

Huminto sila sa paglalakad. Huminga ng malalim si John Henry bago nginitian ang kanyang asawa.

"Sigurado na ko, Mama. This past few days, puro hirap na lang ang naranasan ng anak ko. Nang dahil sa pagiging makasarili ko, hinayaan ko siyang maging malungkot." Unti unti nang nanginginig ang boses niya. "K-kung alam ko lang na mangyayari sa kanya 'to, sana hinayaan ko na lang siyang maging masaya kay Francis."

Hinawakan ni Mrs. Ramos ang kamay ng kanyang asawa. "Huwag ka nang umiyak, Papa. Kapakanan lang din naman niya ang inaalala mo kaya alam kong naiintindihan ka niya."

"Naging bulag ako sa kakayahan ni Francis. Masyado akong nilamon ng galit kaya hindi ko na naisip ang mararamdaman ng prinsesa natin. Nakalimutan kong hindi lang iisang klase ng gangster ang meron sa mundong 'to."

"Sigurado akong magiging masaya ang anak mo sa oras na magising na siya." Nakangiting sabi ni Mrs. Ramos.

"Tama ka, Mama." Hinalikan ni John Henry ang noo ng kanyang asawa tsaka niya 'to niyakap.


GABRIEL's POV

Pagkatapos naming makipagkulitan kay Frau, nagyaya siyang pumunta sa kwarto ni Wendy kaya nandito kami ngayon.

"Ate Wendy, kailan ka pwedeng lumabas?" Usisa niya sa pinsan niya.

Nakaupo siya sa mismong kama ni Wendy habang ako nakaupo lang sa sofa at pinapanood sila.

"Nako, matatagalan pa ko, Frau. Gusto mo na bang makipaglaro sa'kin?" Nakangiting sagot ni Wendy.

Mabuti na lang at kalmado na siya ngayon. Hindi katulad kanina na halos hindi ko na siya mapigilan sa pag iyak dahil sa mga nangyari.

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon