My Romantic Destroyer 44

1.1K 17 2
                                        

SHAEL's POV

Nasakyan na namin halos ni Light ang lahat ng rides dito sa theme park maliban na lang sa Ferris Wheel. Sabi niya mamayang ala syete na lang daw kami sumakay para mas maganda ang view.

Mahilig talaga sa bata 'tong si Light. Nang may nakita kaming batang umiiyak, kaagad niya 'tong nilapitan. Nawawala pala 'to kaya kaagad naming dinala sa Main office ng theme park. Mabuti na lang at kaagad dumating yung mga magulang nung bata.

"You'll become a nice father someday, Light." Sabi ko sa kanya pagkatapos naming magpaalam sa batang tinulungan namin.

"And you'll become a nice mother and a good wife, Shael." Sabay halik niya sa noo ko.

Kami pa rin kaya hanggang sa huli? Na kahit layuan ko siya, sa tamang panahon,  kaming dalawa pa rin? Kasi, ako, gusto ko siya na talaga. Gusto ko siya na yung makakasama kong mangako sa harap ng altar. Gusto ko siya na yung magiging ama ng mga magiging anak namin. Gusto ko siya na panghabang buhay.

Nagyayang maglaro si Light sa mga may stall na pwedeng manalo ng mga naglalakihang stufftoys.

"Anong gusto mo diyan? Kukunin ko." Pagmamayabang pa niya. Akala ba niya ganon kadaling makakuha ng stufftoys dito?

"Ayun oh." Tinuro ko ang isang malaking PANDA Stufftoy. Wala lang. Ang cute lang kasi. Parang ang sarap yakapin. Parang si Light. JOKE.

"Sige, be. Wait ka lang dyan. I'll get it for you."

Kaagad sinubukan ni Light na maglaro pero nakaka limang beses na siyang ulit hindi pa rin niya makuha. Ang mahal pa naman ng paglalaro dito.

"Light, okay na. Huwag mo nang kuhanin. Ang dami na nating nasasayang na pera oh." Pagpigil ko sa kanya.

"Last na 'to. Kapag hindi ko pa 'to nakuha, ipapasisante ko 'tong si Kuya." Tinutukoy niya yung lalaking nag aassist sa stall.

"Sir, huwag naman po." Si Kuya na mukhang sineryoso ang sinabi ng mokong na 'to.

And after a few seconds...

"YESSSS!!!" Parang nanalo si Light sa lotto nang matamaan niya na ang target. "Give me that PANDA Stufftoy, now!" Utos niya pa sa nag aassist.

Nagmamadaling ibinigay ni Kuya ang PANDA Stufftoy kay Light.

"C-congrats, sir. Huwag niyo na po akong ipasisante ha?" Nanginginig pang sabi nito. Takutin daw ba kasi ni Light.

"Sure." Sagot naman ni Light. "Be." Tawag naman niya sa'kin sabay bigay ng stufftoy.

"S-salamat." Naawa ako kay Kuya. Halatang takot na takot.

Hinatak ko na palayo si Light sa stall na yun at baka mapaiyak pa niya si Kuya.

"Light, ang harsh mo kay Kuya." Sabi ko sa kanya habang naglalakad kami. Hinawakan niya ang kamay ko tsaka huminto.

"Bakit? Effective naman. Nakuha ko yung stufftoy." Bungisngis pa niya.

"Fine. Pero sa susunod huwag mo nang gagawin yun ha? Natakot kaya siya ng sobra." Sabi ko pa.

Binitiwan niya yung kamay ko dahilan para kumirot ang dibdib ko.

"Bakit ba? Inaalala mo yung lalake do'n? Bakit hindi mo siya balikan? Comfort mo ha?" Sabay walk out niya.

Tignan mo 'yon. Parang napagsabihan lang ginawan pa ng malisya. Tss.

Susundan ko ba siya? Kapag sinundan ko siya, parang sinabi ko na ring tama yung ginawa niya. Aist! Bahala nga siya! First date namin 'to tapos napakadali niyang magtampo. Pinapairal niya yung pagiging mainitin ng ulo niya. Panira siya ng moment. Hindi ko na siya susundan.

My Romantic Destroyer (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon